39: Come and See

23 7 1
                                    

Come and See
Hallyx's POV
Come and See
Hallyx's POV
Come and see
Hallyx's POV

"Walang iiyak," bulong ko. Minulat ko na lamang ang mga mata at napatingin sa labas ng glass wall nitong store.

D'on nakita ko ang gym na lagi niyang pinupuntahan.

Tumayo ako at naglakad papuntang pedestrian.

Sakto. Kung nasa loob siya ng gym. Ang una kong gagawin ay ang umiyak sa dibdib niya.

Niya.

Siya na nakatayo sa kabilang dulo ng kalsada. Nakatingin sa akin na para bang naguguluhan.

Nasa Pilipinas pa pala siya, nasa iisang kontinente pa rin kami. Mga matutulin na sasakyan lamang ang namamagitan sa amin.

Miss ko na siya.

"Hallyx! Pal, halika! Bilisan mo," usal ng pamilyar na boses na bigla na lamang akong hinigit pa kung saan Kasabay nito ang salita niya na tila ba balisa, nahihinuha ko sa nababanggit niyang mga salita na tinataguan niya ng asawa niya sa kadahilanan na pinagbibintangan siyang may kabit.

Nawalan ng lakas ang mga paa ko at nagpahila ng lang sa kanya sa likod na bahagi ng store. Eskinita na ito pero hindi iyon ang inaalala ko.

Ang lalaking nasa harapan ko ay ang pulis na walang sawang tumulong sa akin. Si Pal, ang ama ko.

Nanginginig ang labi kong nakatitig sa mukha niya. Kita ko ang pangingitim ng ilalim ng mga mata niya at ang pamamayat niya.

"Hallyx," aniya at muling sinubukang hawakan ang kamay ko pero humakbang lang ako palikod.

"I'm sorry, patawarin mo ako. Hayaan mo naman akong magpaliwanag," aniya at kitang-kita ako ang nanunubig niyang mata.

Ngayon? Ngayon ko pa talaga makikita ng pag-iyak ng itinuturing kong bayani?

"Kaya ako nandito para d'on," usal ko. Hindi ko mawari kung tatawagin ko siyang Pal, SPO1, ama? Papa?

"Hallyx, patawarin mo ako. Nang tumawag ka sa 'kin at nalaman kong may ideya kana na ama mo ako, na sinabi na ni Mon sa'yo. Ginawa ko lahat para makauwi agad pero pagdating ko rito, balita tungkol sa 'yo ang narinig ko. Mababaliw na ako, nawawala 'yong isa kong anak tapos ikaw. Ikaw, akala ko mawawala ka na rin... Hallyx, anak, patawarin mo ako ha."

Linayo ko ang tingin ko, lalo nang tinawag niya akong anak.

"Paano? Bakit wala ako sa puder mo? Bakit mo nilihim? Bakit? Ang dami-dami kong tanong," usal ko at pilit tinatagan ang loob kahit wasak na ang boses. "Ayaw mo ba sa akin? Isa lang ba akong mali? Tama ba na magpakamatay na lang din ako kasi kung una pala---"

"Anak, hindi. Magpapaliwanag ako.... Wala pa akong buwan sa pagiging pulis n'on. May mga kaso akong nahawakan at hindi maganda ang takbo. Sobrang ginigipit ako pati ang nobya ko noon." Napapailing siya habang pilit tinitigan ako sa mata. " Handa ako magpamilya pero sa kamalasan ang dumi ng na-e-engkwentro ko sa trabaho, dumating 'yong punto na pamilya ko na ang pinunterya, pinatay ang mommy mo," garalgal na boses niya.

"Isang buwang taong gulang ka pa noon. Napagdesisyonan kong ihabilin ka sa nagsilbing yaya ko; sa asawa ng kinilala mong papa. Kinakamusta kita linggo-linggo n'on hanggang sa nabalitaan ko na binabantaan na kayo sa bahay niyo. Nilimitahan ko ang pagbisita pero nalaman ko na lang na napaslang si yaya para mailigatas ka. Namatay si yaya, ang ina ng Kuya Mon mo. Hindi nagalit sa akin ang papa mo, pinayuhan pa niya ako na dalhin kayo sa probinsya. Dito, dito ko kayo dinala, kayong tatlo."

White Wall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon