Chapter 24: Saved.

29 18 3
                                    

Ariel's P.O.V,

"Mhhh... Cultural nako madali lang 'to sakin!!" Pagmamayabang ni aeron at inirapan lang namin siya at nagpatuloy sa pag aaral.

"Shhh.. Wag ka maingay ikaw lang maingay dito sa cafe. Kita mo andaming nagaaral." Masungit na saad ni charm.

Nagmumukha na kaming nerd dahil sa aming araw araw na pag rereview. Sobrang hirap na pala rito kapag examination na dahil halos kailangan mong solohin ang lahat nang pinag aralan mo.

Kesa sa karaniwang grade 11/12 ay sakto sakto lang ang lesson na pinagaaral. Dito ay halos hindi mo na mabilang dahil sa sakit nang ulo.

"Paki mo ba ha!, ikaw nga eh mukha ka nang losyang--"

*BOOOGGSSSHHH!*

Natawa kami nang ibinato ni charm ang sapatos niya kay aeron. Napadaing nalang sa sakit si aeron.

"Ang harsh mo talaga. Im just stating the fact." Maarteng saad ni aeron habang patuloy tuloy sa pag hilot nang noo niya.

Kinuha niya ang sapatos at nakangiting inamoy ito.

Kinginang yan.

"Yuckkk! Ang baboy mo!" Nandidiring saad ni bakla at tinakpan naman ni danica ang mata niya at tila nasusuka.

"Hahahahaha!! Lakas mo boy! Ano amoy?" Halos mandiri kami sa sinabi ni levi.

Mga monggoloid talaga kahit kelan. Minsan di mo alam kung isa ba talaga silang student council. Tss.

"Naks ako nga rin." Nababaliw na saad ni nero 'tila inaagaw yung sapatos pero nilalayo naman sakanya ni aeron.

Napatingin naman ako kay charm na nasa tabi ko na namumula.

"Punyeta ka talaga!!!" Asar na sigaw niya at pinag babato nang gamit na kahit anong mapulot niya si aeron.

"Aray! Weyt lang tama na! Aray ha! Masaket! Eto na nga oh!"

"Abay, masaket ba!?" Masungit na saad ni charm at binato niya yung bag.

"Ang harsh mo talaga ahuhu."

Napailing nalang ako at pinabayaan silang mag away. Kailangan kong igihan ang pag rereview dahil minsa sa gantong lesson ay medyo naantok ako.

Yung proffesor namin kasi nag kwekwento muna nang buhay niya bago mag turo.

1 hour na kwento at 30 minutes na turo kaya hindi kami natututo ng maigi. Tss.






"Guys alam niyo sagot sa 234?"

"Ano sagot mo sa 245 kuha lang ako idea."

"Mini mini maynimo~"

"Penge sagot!"

"Patingin nga kung tama sagot mo. Alam ko sagot dyan itatama lang kita ako bahala."

Halos punuin nang bulungan ang mga estudyante nang makalabas ang proffesor na nagbabantay sa amin.

Akalain mo isang class A ay ganto rin kagulo. Sadyang magaling lang ang ibang magpanggap.

Ang karamihan naman sa aming class A ay matatalino at kalahati ay malakas ang kapangyarihan at medyo matalino.

Bawal ka bumagsak dito dahil daw pag bumagsak ka ay ipupunta ka sa lower section or sa mababang class.

Mas mahirap ang maging lower minsan dahil madalas itong parusahan ngunit hanggang 300 lang ang examination nila at sa amin ay 500.

Mas advance at mga professional naman ang nagtuturo sa class A. Pati narin ang B at D. Kapag nadumihan or nang bully kaay babagsak ka at mababawasan ang marka mo. pinapanood rin nang school kung pano ka gumastos.

Lorem Academy: Where Magic Flows.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon