Aziel's P.O.V,
Isang araw pakong nag stay sa hospital bago palabasin, hindi narin bumalik si Nero at hindi naman na dumalaw si Nigoriya, inaalagaan nalang ako nila sylene, aeron, levi at charm.
Suot ko ang uniform at sabay kaming papasok ni charm
"Woaah!! HAHAHA Chill chill tayo dyan parang hindi late ah!" Birong saad ni charm at napatawa ako. Normal na ata sa amin ang pagiging late.
Nang makarating kami sa room, napatigil sa pag discuss si maam.
"Were sorry, were late."sabay naming saad.
"Take your sits."saad ni maam at nagmadali na kaming umupo, nagtama ang tingin namin ni aziel, may mga pawis to sa noo. Kakadating lang din ata.
~~~~~
"Ariel?"saad nung lalaki sa labas nang classroom, agad kaming nagtinginan ni charm,balak sana naming kumain magkasama.
"Go lang, wait na lang kita."saad niya at lumapit na ako sa lalaki.
"Sumama ka sakin, pinapatawag ka ni sir sachiel."saad niya at nauna, tahimik na lang akong sumunod.
Nang makarating kami nang principal office, nagulat akong makita sila nero, aziel, danica at nigoriya.
"Take your sit." Saad ni sir at umupo na lamang ako sa tabi ni danica. Tumingin ako sakanya, patanong na tingin.
"Di ko din alam, wala naman akong ginawang masama."bulong niya na ikinatawa ko.
"So, Pinili ko kayo para mag alaga nang mga bata sa pansamantala. Anak sila nang mga teacher, tuwing umaga lang naman ito habang nagbabakasyon pa ang mga nagaalaga sakanila."saad ni sir at tumango na lamang kami.
"Hanggang kelan?"tanong ni nigoriya.
"Dalawang araw lang naman."saad ni sir at tumango na lamang kami. "Alam niyo naman ang daycare room diba?, kaya ko din kayo pinili is nakita ko sa schedule niyo na may free time kayo, medyo busy kasi sila charm sa paghahandle. Please be responsible."saad ni sir at nag 'opo' nalamang kami.
"Maari na kayong umalis."saad ni sir at lumabas na sila charm, tumingin pa sa akin sila nigoriya bago lumubas, nagpaiwan na lamang ako, saktong sakto dahil kailangan kong makausap si sir.
Nang wala na sila ay humarap ako sakanya.
"Sir, may alam po ba kayo na trabaho?"agad na sabi ko at kita ko namang ngumiti si sir.
"Sure, may coffee shop ang asawa ko ipapasa kita roon, pero makakaya mo bayun?. Sa umaga babysitter ka, hapon mag aaral ka, gabi mag tratrabaho ka ."saad ni sir at umiling nalang ako.
"Hindi napo bago sa akin iyon, kaya ko po ito."saad ko at napatawa si sir. Pagpunta ko rito sa school ay binigyan nila ako ng 5000 pesos para sa gastusin ko, gusto ko makapagipon para narin sa pambayad ko sa hospital para kay mama, paubos narin ang perang naipon ko. Hindi naman ako katulad nila charm na mayaman,ayoko rin mang hiram at umasa sa ibang tao.
"Okay, okay."saad niya.
"Uhm, pwede din po pagkatapos nang pagbabantay namin sa bata uhm kinabukasan po nun, pwede uhm, bumisita sa mama ko?"saad ko. Bat andaming uhm?
"Sure."saad niya, agad naman akong lumabas ngunit ramdam kong may kasama ako, napatingin ako sa paligid ngunit walang ka tao-tao, napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
~~~~
"Ariel!." agad akong lumabas nang dorm namin at nandoon si danica kasama si aziel at nigoriya.
"sinamahan lang namin siya."agad na sabi ni nigoriya at napatawa kaming dalawa ni danica.
"Okay."saad ko at nauna na kami ni danica,nagkwentuhan pa kami. Medyo malapit na siya sa akin, sweet at mabait siya.
BINABASA MO ANG
Lorem Academy: Where Magic Flows.
Fantastik"If you are born in this world, Then you must learn how to survive." Lorem Academy, Lorem means Elite. School that full of magic, and advance technology and learning. The best school for a human with a magic and believes in magic. But, one day. The...