Simula

29 5 0
                                    


"Gumising ka na dyan! Maghanda ka na ng makakain natin!"

Napabangon ako dahil sa sigaw ni tatay at sa malamig na bumalot sa katawan ko. Panay ang ubo ko dahil para 'kong nalunod. Sumakit ang ilong at lalamunan ko dahil nakasinghot ata ako ng tubig.

"Nagugutom na ko! Eto pera!" sigaw pa niya at may binato na mga barya sakin.

Napapikit ako sa sakit ng tumama ang iba sa mukha ko.

"Pag balik ko ay kailangan may nakahanda na sa lamesa! Pag wala lumayas ka na sa pamamahay ko!" yun lang at tinalikuran na niya ko.

Nang makalabas siya sa bahay ay nakahinga ko ng maluwag. Napatingin ako sa damit kong basang basa pati na rin sa higaan ko. Pinulot ko ang mga baryang tinapon niya sakin tsaka tumayo upang magpalit ng damit.

Matapos magpalit ay inayos ko ang higaan kong basang basa. Hindi ko magawang kumilos ng mabilis dahil sobrang sakit ng likod ko sa pagkakahiga sa isang kahoy naming upuan.

Nang masampay ang kumot at unan tsaka lang ako pumunta sa tindahan para bumili ng ulam at bigas.

"Pabili po ng tatlong itlog at kalahating kilo na bigas," sabi ko.

Kumilos naman ito para kumuha ng mga kailangan ko. Binilang ko ang perang binigay sakin ni Tatay. Buti nalang at nagkasya naman.

Kinuha ko ang bigas at itlog tsaka nagbayad. Agad akong bumalik sa bahay upang magsaing at magluto. Kailangan ko pang maghipan ng maghipan para lang magliyab ang lulutuan ko. Halos maubos ang hininga ko kakahipan para lang mabilis na uminit ang kawali.

Natatakot ako na baka dumating na si tatay pero wala pa kong naluluto. Alam ko na ang mangyayari kung sakali. At ayokong mangyari yon.

Napangiti ako ng lumakas na ang apoy at mabilis na uminit ang kawali. Kinuha ko ang mantika na nasa baso tsaka sinalin iyon. Matapos iprito ang itlog, agad ko namang sinalang ang kaldero na may lamang bigas.

Hindi ako umalis sa harapan ng lutuan hanggang sa matapos. Napatalon ako sa gulat ng biglang lumagabog ang pinto.

"Nakaluto ka na ba Eliana?!" tanong niya.

Tinignan ko ang sinaing, "O-Opo, tay.." sagot ko.

"Mabuti naman kung ganon! Kakain na ko!"

Mabilis akong kumuha ng plato upang pagsandukan siya ng kanin at ulam tsaka ko yon nilagay sa lamesa. Naglakad sya papalapit sa lamesa at humila ng upuan tsaka umupo.

Nakatayo lang ako sa gilid niya. Naghihintay kung may iuutos pa ba.

"Magtinda ka mamaya ng sampaguita, talo ako ngayon sa sabungan. Wala tayong kakainin mamaya pag wala kang nabenta," sabi niya habang patuloy sa pagkain.

Napahinga naman ako ng malalim bago tumango, "Opo.."

Maya maya lang ay natapos na siya kumain. Lumabas sya ng bahay at hindi ko alam kung san nanaman siya pupunta.

Lumapit ako sa lamesa upang tignan kung may natira pa ba. Agad akong umupo tsaka sumandok. Ramdam ko ang pagkalam at pagrereklamo ng sikmura ko. Halos hindi ako magkandamayaw sa pagsubo.

Sobrang laking pasasalamat ko na sa tatay ko kapag may natitira syang pagkain. Ni minsan ay hindi niya ko inaya. Ni minsan ay hindi kami nagsabay sa pagkain. Ni minsan ay hindi man lang siya naging mahinahon pag ako ang kaharap niya.

Napapunas ako sa pisngi ng maramdaman ang pagtulo ng luha ko. Napabuga ko ng malalim bago binilisan ang pagkain dahil kailangan ko pang ayusin ang ititinda kong mga sampaguita.

Pagtapos kumain ay naligo ako tsaka nagbihis ng simpleng damit. T-shirt at short lang naman ang meron ako, wala akong pagpipilian. Kinuha ko na ang mga sampaguita tsaka lumabas ng bahay.

There's A Rainbow Always After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon