Mabilis na lumipas ang panahon. Makalipas ang ilang buwan ay mas lalo pang lumala ang mga nangyayare sa bawat araw ko.Gigising ako para laging damhin ang sakit ng katawan. Makakatulog sa gabi dahil sa iyak at takot. Gigising sa umaga para umiyak nanaman.
Akala ko, mapapagod na si tatay na saktan ako. Akala ko natauhan na siya. Akala ko tapos na, pero mali lahat ng akala ko. Dahil paulit ulit lang ang nangyayare. Walang araw na hindi niya ko sinaktan. Walang araw na hindi ako umiyak dahil sa kanya.
Walang palya.
Pero siguro nga may awa pa Siya sakin. Kahit konti. Pero hindi ako nagagalit sa kanya. Patuloy parin ako sa pagpapasalamat at pag hingi ng tawad. Walang araw o oras na hindi ako umiyak sa simbahan.
Pero nandyan parin si Lucifer para damayan ako. Nasa tabi ko siya lagi para may maiyakan ako. Ni minsan ay hindi ako nagkwento sa kanya ng kung ano ano ang nangyare sakin. Kung san ko nakukuha ang bawat pasa at sugat na natatamo ko dahil kay tatay.
Hindi niya pinipilit na mag kwento. Nasa tabi ko lang siya lagi. Yun lang ay ayos na sakin. Malaking tulong na para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
Nakakaiyak na pag gumising ka sa umaga, bigla ka nalang agad makakaramdam ng pagod kahit na wala ka pang ginagawa. Yung pagod ka lang pero hindi ka naman malungkot. Yung gusto mo lang humilata, makabawi ng lakas.
Bawat araw na gigising ako ay ako lang din ang nagpapalakas sa sarili ko. Lalo na pag hindi kami nagkikita ni Lucifer.
Pero naisip ko rin na pano kung yung mga nangyayare sakin ay mga requirements lang ng mga hinihiling ko? Kumbaga, no pain, no gain. Parang kapag sa isang mobile games, kapag mas mahirap yung level, mas malaki yung makukuha mong experience kapag nalampasan mo yung level na yon.
Pero pano naman kung hindi ako humiling ng sobra sobra? like peace of mind tas simpleng buhay. Bawat problema, sakit, at iyak na nararanasan ko ngayon, iniisip ko kung deserve ko ba ang lahat ng to. Sana matapos na lahat ng sakit na nararamdaman ko bago ko pa isipin na sana mamatay nalang ako.
Pero siguro nga deserve ko. At kulang pa ang sakit na nararanasan ko.
Nasa biyahe palang pauwi ay sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Ang daming pumapasok sa isip ko. Na sana tumagal ang pagtakbo ng sinasakyan ko. Na sana tumigil muna ang oras para makapag isip ako ng maayos.
Nang matanaw ang bahay namin ay sunod sunod ang naging pag lunok ko. Kabado akong bumaba sa tricycle tsaka nag bayad. Hinintay ko muna yon na makaalis bago humarap sa pinto ng bahay.
Bukas yon at sobrang tahimik. Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko habang papalapit sa bahay. Huminga ko ng malalim bago dahan dahan na pumasok.
Nakita ko si tatay na nakatalikod sa gawi ko. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Napapikit ako ng mariin ng maapakan ko ang isang bagay na gumawa ng ingay. Agad syang napalingon sakin.
Kitang kita ko ang mapupulang mata niya, ang itim na itim nyang eyebags at ngayon ko lang din napansin na sobrang laki ng pinayat niya.
"Eliana.." nakangiting sabi niya.
Kinikilabutan ako kung pano niya ko tignan. Nakangiti siya pero ang mga mata ay nanlilisik. Sunod sunod ang naging paglunok ko ng lumapit siya sakin.
Napaatras ako pero agad nyang hinawakan ang mga braso ko. Tsaka sinarado ang pinto. Matapos isarado yon ay hinarap nyang muli ako. Tinitigan nya ang mukha ko na para bang pinagaaralan.
Nanindig ang balahibo ko dahil marahan nyang hinaplos ang pisngi ko gamit ang likod ng palad niya.
"T-Tay..." nagmamakaawang tawag ko.
BINABASA MO ANG
There's A Rainbow Always After The Rain
Kurgu Olmayan"Life is never called life without problems.." Kahit na mahirap at masakit ang dinadanas ni Eliana sa araw araw ay hindi siya sumuko. Kahit na sa sariling ama pa niya ito nararanasan ay hindi niya ito iniwan. Ang akala ni Eliana ay puro lungkot nal...