Kabanata 8

2 2 0
                                    


"Baby, tayo ka dyan. Picturan kita," utos niya.

Napailing nalang ako tsaka siya sinunod.

"1...2....smile!!" bilang niya.

Nagsmile naman ako.

Lumapit siya sakin upang ipakita ang kuha niya. Napangiti naman ako dahil ang ganda non. Sa likuran ko ay ang bulkan at ang papalubog na araw.

Natigilan lang kami sa pagtingin ng marinig namin ang mahinang ubo. Sabay kaming napatingin sa Mommy at Daddy niya.

"San kayo galing Mommy?" tanong ni  Lucifer.

"Naglibot lang, sabi mo kase--"

"Mommy, kunan mo kami ng picture!!" putol ni Lucifer sa sasabihin ng mommy niya tsaka binigay yung cellphone niya.

Tumango naman ito at tinanggap.

"Tara, dito tayo. Kita yung view," hila sakin ni Lucifer.

Kasunod naman namin ang Mommy at Daddy niya. Agad kaming pumwesto at nagsmile.

"1...2..smile!!"

Hindi ko alam kung ilang beses kaming nakuhanan ng picture. Lumapit kami sa mommy niya upang tignan ang mga picture.

"Nice," sabi ni Lucifer.

Hawak niya ang cellphone habang ako ay nakikitingin lang.

Sa unang picture ay pareho lang kaming nakangiti sa camera, habang ang isang kamay ni Lucifer ay nasa likuran ko. Sa pangalawa naman ay pareho kaming nakatalikod at nakatingin sa bulkan at sunset. Sa pangatlong kuha ay ako nalang ang nakatingin sa tanawin habang si Lucifer naman ay nakatingin sakin.

Ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko habang tinitignan ang bawat pictures namin. Aakalain sa mga yon na may relasyon kaming dalawa.

Napailing nalang ako sa naisip at lumayo sa kanya.

Napaangat ako ng tingin dahil biglang bumukas ang mga street lights. Hindi ko namalayan na gabi na pala. Ngayon ay marami na ang tao. Marami na rin ang nagtitinda. Maraming batang naglalaro.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa bawat makikita ko. Parang wala man lang akong naramdaman na pagod ngayong araw. Hindi ko lang alam mamaya pag uwi ko.

Umihip ang malakas na hangin kaya tinangay ang buhok ko, inayos ko yon tsaka tumingala upang tignan ang mga bituin. Mas lalo akong napangiti dahil sa ganda non.

"Let's go na!! Gabi na, baka mapagalitan na si Eliana," tawag samin ng daddy ni Lucifer.

Maya maya lang ay nakabalik na kami sa kotse nila. Hindi ko magawang tanggalin ang paningin ko sa labas ng bintana. Parang gusto ko nalang bumalik don ulit, kase hindi naman ako magsasawa kung ganon kaganda ang tanawin.

Naramdaman kong umandar na ang sasakyan. Pero hindi ko parin inalis ang tingin ko sa lugar.

"Eliana..."

Napalingon ako kay Lucifer, "Hmm?"

"San ang bahay nyo?"

Doon lang ako natauhan. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang bahay namin, dahil alam kong magagalit si tatay.

"Sa simbahan nyo nalang ako ibaba, tas magtatricycle nalang ako pauwi.." sabi ko.

Kahit kita ko ang pag aalinlangan sa mukha niya, tumango parin siya. Tinapik nkya ang balikat niya.

"Tulog ka ulit," ngiti niya.

Dahil ramdam ko rin naman ang pagod ay tumango ako tsaka umusod papalapit sa kanya at inihiga ang ulo sa balikat niya.

There's A Rainbow Always After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon