Pagdating sa bahay ay nanlaki ang mga mata ko dahil puro kalat ang bumungad sakin. Tuluyan akong pumasok at nakitang nakayuko si tatay sa lamesa habang kaharap ang isang bote ng alak. May sigarilyo pang nakaipit sa daliri niya.Abot-abot ang kaba na nararamdaman ko dahil baka mamaya magising siya at saktan nanaman ako. Pero hindi na ko magtataka kung mangyare nanaman yon.
"Mahal na mahal kita Delia...bakit mo kami iniwan..."
Napahinto ako sa pagpupulot ng kalat dahil sa narinig. Napatingin ako kay tatay at kitang kita ko ang tubig na nagmumula sa mga mata niya.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ng magsimula na syang umiyak at paulit ulit na banggitin ang pangalan ni nanay.
Agad na nangilid ang luha sa mga mata ko. Ang hirap pigilan dahil kusa na itong pumapatak. Tinakpan ko ang bibig upan hindi marinig ni tatay ang aking pag hikbi.
"Delia...a-ano bang nagawa ko para iwan mo kami?" bulong pa niya.
Mas lalo akong napahikbi. Nahirapan akong huminga dahil sa pagpipigil at umiyak ng tahimik. Lahat ng sakit ay nasa dibdib ko na bababa sa puso ko at doon mananatili.
Napakasakit.
Isa lang naman ang hiling ko ngayong araw. Ang maging masaya. Yung walang iniisip na problema. Yung masaya lang, tas masaya ulit, paulit ulit na saya.
Hindi ba pwede yon?
Hindi ko ba pwedeng maramdaman yon?
Sa totoo lang ay hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Parang buhay nalang yung katawan ko pero yung puso ko patay na. Parang tanging pagtayo at pag upo nalang ang ginagawa ko sa bawat araw.
Gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng mamatay. Pano kung patay na ko? Magiging masaya na ulit kaya ang tatay ko?
Dahan dahan akong lumapit kay tatay at pinigilan na wag humikbi.
"T-Tay..."
Hindi niya ko tinignan.
"Tay..." tawag ko ulit.
Pero hindi niya ko pinapansin.
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ko para lumapit sa kanya at yumakap.
"Lumayo ka sakin Eliana!!" agad nyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.
Parang tinutusok ang puso ko habang tinitignan syang galit na galit sakin. Wala na kong makitang pagmamahal sa kanya. Hindi na siya yung tatay ko.
"Sa tuwing nakikita kita!" sabi niya at alam kong nilalaban na wag mautal.
Napaiyak ako at hinintay ang susunod nyang sasabihin kahit na alam kong ikakadurog ko yon.
Huminga siya ng malalim, "Sa tuwing nakikita kita naaalala ko ang nanay mo! Naaalala ko kung pano niya tayo iniwan!"
Pano ko nagagawang tumayo ngayon sa harapan nya kahit na nanlalambot ang mga tuhod ko? Pano ko nagagawang manatili sa harapan niya kahit pwede ko naman syang talikuran?
Marahan pa niya kong kinabig para lang makadaan siya, buti nalang at napakapit ako sa upuan na nasa gilid ko.
Hindi ko siya magawang sundan ng tingin.
Nakakapagod.
Pagod na ko.
Pagod na pagod. Pero imbis na sumuko ay pumikit ako upang magdasal na sana bigyan pa niya ko ng lakas para lumaban.
Eto na ata yung birthday na sana hindi nalang nangyare. Hindi ko akalain na ngayong birthday ko pa ipapamukha sakin ng tatay ko na ayaw niya kong makita.

BINABASA MO ANG
There's A Rainbow Always After The Rain
No Ficción"Life is never called life without problems.." Kahit na mahirap at masakit ang dinadanas ni Eliana sa araw araw ay hindi siya sumuko. Kahit na sa sariling ama pa niya ito nararanasan ay hindi niya ito iniwan. Ang akala ni Eliana ay puro lungkot nal...