Kabanata 2

6 3 0
                                    


Pinilit kong tumayo kahit sobrang sakit ng tagiliran ko. Napakapit ako sa isang upuan na malapit sakin. Pero agad akong napabagsak ulit dahil mas lalo kong naramdaman ang sakit ng katawan.

Napaiyak ako dahil ramdam ko rin ang bubog na tumusok sa binti ko. Napatingin ako don at nakitang mabilis na dumugo.

Patuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Wala akong oras para punasan pa yon. Kahit hinang hina ay kumapit ulit ako sa upuan upang makatayo. Nang makatayo ay iika ika pa kong naglakad paupo sa tulugan ko.

Nang makakuha ng konting lakas ay naglakad ako papalapit sa isang cabinet upang kunin ang betadine at bulak. Bumalik ako sa upuan upang tanggalin ang bubog tsaka ito ginamot.

Matapos gamutin ay kinuha ko ang walis tambo at dust pan para linisin ang mga bubog na nakakalat sa sahig. Lalong kumirot ang bewang ko ng yumuko ako.

Hindi ko alam kung panong linis ang ginawa ko. Lumabas ako ng bahay upang bumili ng makakain. Gusto kong magpasalamat sa tatay ko dahil hindi kulang ang ibinigay niya sakin na pambili.

Pagbalik ay nagsaing at nagluto ako. Hindi man lang nabawan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko namalayan habang kumakain ay tumutulo nanaman ang mga luha ko.

Wala akong maisip na dahilan para gawin niya sakin yon. Wala akong maisip na dahil para lagi niya kong saktan. Pero ang daming dahilan para iwan ko siya, pero hindi ko magawa.

Na bakit sa tuwing iniisip ko na umalis nalang sa bahay na to ay nakukonsensya ko. Na papasok sa isip ko na tatay ko siya, tatay ko na pinalaki ako ng maayos, tatay ko na inalagaan ako sa mga nagdaang panahon. Pero tatay ko parin ba siya sa mga ginagawa niya sakin ngayon?

Ganto parin kaya ang gagawin niya kung buhay si nanay? Ganto parin kaya ang sasapitin ko sa mga kamay niya kung nandito si nanay?

Napabuga ko ng malalim tsaka pinunasan ang pisngi.

Nawalan ako ng ganang kumain kaya niligpit ko na ang pinagkainan. Lumabas ako ng bahay upang kunin ang kumot at unan na nabasa kanina.

Madilim na ang paligid.

Inayos ko ang tulugan ko tsaka humiga. Pinikit ko ang mga mata ko na sana sa pagdilat ay mawala na ang sakit at galit na nasa puso ko.

Kinabukasan, ay laking pasasalamat ko dahil payapa ang naging gising ko. Kinusot ko ang mga mata ko at dahan dahan na bumangon. Napatingin ako sa paligid pero walang bakas ng tatay ko.

Umuwi ba siya?

Naglakad ako papunta sa kwarto pero wala din naman akong nakitang tao don.

"Ano ba...nakikiliti ako!!"

"Hindi na ko makapaghintay,"

Napatingin ako sa pintuan ng marinig ko ang boses ng isang babae at ni Tatay. Napatingin sila sakin.

Nakaakbay si tatay sa babae at ang kamay naman ng babae ay nakayakap sa bewang ni Tatay. Nawala ang ngiti ng babae ng sa kanya tumama ang paningin ko, napaiwas siya ng tingin.

"Sino siya, Tay??" takang tanong ko.

Natawa naman si Tatay, "Wala ka ng pakielam don Eliana! Umalis ka nga dyan!" galit na sigaw niya.

Natigilan naman ako at umalis sa pintuan ng kwarto para makapasok sila na agad sinara ang pinto.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at nakatingin lamang sa pinto. Gusto kong takpan ang tenga ko sa naririnig mula sa loob. Sumasakit ang puso ko. Hindi ako nasasaktan para sa sarili ko, kundi nasasaktan ako para sa nanay ko.

Bago pa tuluyang tumulo ang mga luha ko habang nagkakainan silang dalawa sa loob ay umalis na ko don tsaka pumasok sa banyo. Ayokong ipakita kay tatay na umiiyak ako dahil nasasaktan ako sa ginagawa niya para kay nanay, dahil alam kong ikakagalit lang niya yon.

Lumabas ako ng banyo tsaka kumuha ng damit at tuwalya para maligo. Hanggang sa pagpasok ko ulit ng banyo ay hindi parin sila lumalabas sa kwarto.

Hindi man lang nahiya sakin ang babae na dinala ni tatay! Hindi naman siguro siya tanga para hindi malaman na anak ako ng kasama nya.

Matapos maligo ay kinuha ko na ang mga sampaguita tsaka lumabas ng bahay. Naglakad ako papuntang simbahan. Ang aga aga pero yun na agad ang bungad sakin.

Pero ano pa nga bang bago? Lagi namang problema ang sumasalubong sakin kada gigising ako.

Naghintay ulit ako sa labas ng pinto ng simabahan hanggang sa matapos ang misa. Pagkalabas ng mga tao ay agad kong silang sinalubong upang pagbentahan ng sampaguita.

Nang matapos magbenta ay pumasok ako sa loob ng simbahan. Lumuhod ako ulit at yumuko. Wala pa man ay bumagsak na ang mga luha ko. Mas lalo akong napapikit habang sinasabi kay God ang sakit sa puso ko.

Pagdilat ay pinunasan ko ang pisngi. Natigilan lang ako ng may maglahad ng panyo sa harapan ko.

"Kunin mo na, di ko pa nagagamit yan,"

Napaangat ang tingin ko sa gilid. Nakangiti siya sakin. Don lang naprocess sa utak ko ang mukha niya.

Sya yung lalaki na muntik na kong mahuli na nakatingin sa kanya!

"Sige na miss, bago ko bumili ng sampaguita mo," ngiti niya.

Doon naman ako natauhan at umiling, "Ayos lang ako, ilang sampaguita ba--"

"Hindi ako bibili hanggat di mo tinatanggap ang panyo ko," putol niya sasabihin ko at marahan pang inangat sa mukha ko ang panyo niya.

Napabuntong hininga ko dahil mukhang seryoso siya sa sinasabi nya. Kinuha ko ang panyo sa kamay niya at pinunasan ang pisngi ko. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

"Bilin ko na lahat yan, magkano?" tanong niya.

Nagugulat naman akong napalingon sa kanya. Natawa siya sa reaksyon ko at umiling iling.

"H-Ha??" takang tanong ko.

"Hakdog." Sagot niya, habang kumukuha ng pera sa wallet.

Napairap naman ako tsaka tinignan ang mga sampaguita na hawak ko at kinwenta.

"60 pesos, tatlong balot to. 20 pesos isang bal-"

"Oh, dami mong sinasabi dyan," sabi niya at inabot sakin ang bayad tsaka kinuha ang sampaguita na nakasabit sa kamay ko.

Napailing nalang ako.

"Sinasabi ko lang, baka kase sabihin mo ang mahal!!" sabi ko.

Natawa siya at napalingon sakin, "Ang mahal nga.."

"Bakit mahal??" kunot noo kong tanong.

"Mahal naman.." natatawang sabi niya.

"Bakit nga mahal?!"

"Wala lang, mahal." Humagalpak siya ng tawa.

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kung bakit niya yon sinabi.

Mahal! Letse!

Pinagpapalo ko siya sa braso, "Baliw ka! Mahal ka dyan!!"

Panay ang iwas niya habang tumatawa. "Ikaw ah..mahal agad tawag mo sakin, tsk!"

Mas lalo ko syang pinalo. Ang kapal ng mukha niya para sabihin yon eh siya naman ang nauna.

Nang mapagod sa kakapalo ay inirapan ko nalang siya. Tumayo na ko dahil kailangan ko ng umuwi.

"Uuwi ka na??" tanong niya.

Tumango naman ako at naglakad. Naramdaman ko ang pagsunod niya sakin hanggang sa makalabas kami ng simbahan.

Hinarap ko siya, "Uuwi na ko, bye!! Thank you!!" ngiti ko.

May sasabihin pa sana siya pero mabilis na kong lumayo at naglakad. Napahinto ako ng makita ko sa kamay ko ang panyo. Binalik ko ang tingin sa kanya pero naglalakad na din siya palayo.

Napagdesisyunan ko naman na lalaban ko muna bago ibalik. Yun ay kung magkikita pa kami.

There's A Rainbow Always After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon