Habang nasa biyahe pauwi ay hindi maalis ang tingin ko sa singsing. Hindi parin ako makapaniwala. Akala ko isang natural na araw lang ngayon, pero mali. Dahil isa ito sa mga araw na kailan man ay hindi ko makakalimutan."Nagustuhan mo ba?"
Tinignan ko naman siya ay sunod sunod na tumango, "Sobra. Thank you.."
"I love you," ngiti niya tsaka hinalikan ang noo ko.
Siguro ay dahil sa pagod ay nakatulog ako sa biyahe. Nagising na lamang ako dahil sa pagsakop sakin ni Lucifer upang buhatin.
"Di mo naman ako kailangang buhatin!!"
Umiling siya, "I know, pero gusto ko."
Napailing nalang ako at kumapit sa leeg niya para hindi siya mahirapan. Nang makapasok ay kala ko ibababa na niya ko, pero hanggang sa kwarto ko ay buhat niya parin ako.
Maya maya lang ay naramdaman ko na sa likod ko ang malambot na kama. Aalisin ko na sana nag heels ko pero naunahan na niya kong magtanggal non.
Muli nalang akong humiga. Pumikit tsaka inangat ang kamay na may singsing. Napangiti ako ng makita ko nanaman yon. Naramdaman kong umuga ang kama sa gilid ko hudyat na tumabi siya sakin.
Umusod ako papalapit sa kanya tsaka siya niyakap. Naramdaman ko din ang mahigpit nyang yakap sakin.
"Kailan tayo magpapakasal?" tanong ko.
Umayos siya ng higa, "Kailan mo ba gusto?"
Napaisip naman ako.
"Siguro, pag tapos nalang ng graduation mo.."
Naramdaman ko na tumango siya, "Okay."
"San mo gustong magpakasal?" tanong ko naman.
Para sakin, ayos lang kahit saan basta sa kanya ko ikakasal.
"Sa tabi mo," simpleng sagot niya.
Natawa ko sa sagot niya.
"Baby.." tawag niya habang hinahawi ang buhok ko.
"Hmm??"
"I don't want just just like you, I wan't exactly you," sabi niya.
Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya, "Alam mo ba, natatakot talaga kong mag mahal, pero simula ng makilala kita narealize ko na mas nakakatakot pala ang hindi mag mahal,"
Parang kahit anong gawin ko o kahit na gaano pa kalayo ang takbuhin ko sa kanya parin ako babalik. Yung kahit saan ako dumaan, lahat pala yon ay palabalik sa kanya.
Yun ang gusto ko.
Na kahit anong mangyare sa kanya parin ako babalik.
At sa hindi inaasahan ay may nangyare sa gabing yon. Pero hindi ako nagsisisi na ginawa namin yon. Hindi ako nagsisisi na sa kanya ko binigay ang pinakainiingatan ko. Walang kahit anong pagsisisi sa puso ko.
Dahil siya naman ang mahal ko.
Makalipas ang ilang araw ay nagising nalang ako dahil parang umaangat lahat ng kinain ko. Agad akong bumangon upang pumunta banyo. Napalupasay ako sa sahig kaharap ang inidoro.
Panay ang duwal ko pero konti lang lumalabas. Sobrang sakit ng tiyan ko kakaduwal. Ramdam ko rin ang pag tulo ng pawis sa noo ko. Medyo nahihilo din ako.
Maya maya lang ay tumigil na ko sa pag duwal, tumayo ako upang lumapit sa sink at mag hilamos. Nag tooth brush na rin ako.
Lumabas ako sa kwarto upang dumiretso sa kusina. Pero hindi pa nakakapasok ay napaduwal ulit ako dahil sa amoy. Tumakbo ako papunta sa banyo tsaka sumuka.
"Eliana.." rinig kong tawag ni Mommy.
Hindi ko sya magawang harapin dahil naduwal nanaman ako. Nang medyo kumalma ay nag hilamos at nagpunas ako ng mukha.
Tumayo ako. Nasa labas siya ng pintuan at nagaalalang nakatingin sakin. Nginitian ko siya.
"Good morning po," bati ko.
Tumango lang siya tsaka ako hinawakan sa kamay, "Masama ba ang pakiramdam mo?"
Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko, "Medyo masakit po ang ulo ko.."
Hinila nya ko at pinaupo sa sofa na nasa sala. Sinandal ko ang ulo tsaka pumikit upang matanggal ang hilo.
Napadilat ako ng makarinig ako ng ingay.
"Hi, Good morning!!" bumungad sakin si Lucifer na may dalang ice cream.
Agad akong napatayo ay kinuha yon sa kanya. "Wow!!"
Nakaramdam ako ng gutom. Binuksan ko agad yon tsaka tumakbo sa kusina upang kumuha ng kutsara, pagbalik ay agad ko yon na nilantakan.
"Ang sarap!!!" tuwang tuwa na sabi ko.
"Yeahh, para sayo talaga yan.."
Mas lalo akong napangiti. Hindi ako tumigil sa pagsubo hanggang sa maubos ko ang ice cream. Napatingin ako sa harapan ko dahil pinapanood nila ang galaw ko.
Nakaramdam naman ako ng hiya.
"Busog??" tanong ni Lucifer.
Nakangiti naman akong tumango, "Yup!! Thank you.."
Tumayo ako tsaka siya niyakap. Ramdam ko ang gulat niya. Pero ginantihan niya din ako ng yakap.
"Always welcome, baby.."
Humiwalay ako tsaka siya tinignan, "Akyat muna ko sa kwarto, medyo nahihilo kase ako eh.."
Ang nakangiting mukha niya ay napalitan ng pagaalala.
"Why? Ano pang masakit sayo? Bat di mo agad sinabi sakin??"
"Kaya ko naman, tsaka baka dahil lang sa puyat,"
Hinawakan niya ang kamay ko, "Let's go, take a rest."
Hindi na ko nakapagpaalam sa parents niya dahil hinila niya ko agad paakyat sa kwarto. Tumakbo ako papunta sa kama at humiga.
"Rest, Eliana." Utos niya tsaka lumapit sakin upang ayusin ang kumot na nasa katawan ko.
Sa mga sumunod na araw ang gumigising sakin ay duwal. Agad akong napapabangon para tumakbo papunta sa c.r, minsan nga ay halos mamilipit ako para lang may malabas.
Doon ko lang narealize na baka kaya ako ganto ay buntis ako. Natauhan ako ng may biglang pumasok sa kwarto ko. Naghilamos ako bago siya hinarap.
"Mommy..." tawag ko.
Lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko tsaka may nilagay don. Tinignan ko ang nilagay niya. Pregnancy Test.
"Itry mo. Go," utos niya.
Kahit na kinakabahan ay pumasok ako ng banyo upang gamitin yon. Nang matapos ay lumabas ako, nakaupo parin sya sa kama ko.
"Ano??" tanong niya.
Umiling ako dahil hindi pa lumalabas ang resulta. Muli kong tinignan yon. Bumagsak ang luha sa mga mata ko at hindi mapigilang ngumiti.
"Mommy...positive p-po.." humihikbing sabi ko.
Agad syang tumayo upang daluhan ako. Tinignan niya din ang pregnancy test. Niyakap niya ko tsaka hinalikan sa noo.
"Congratulations, hija.."
Hindi tumigil sa pag tulo ang luha ko. Dahan dahan kong hinawakan ang tiyan ko. Para kong nananaginip ngayon. Pero kung panaginip man to ay sana hindi na ko magising.
Mag kakaanak na kami ni Lucifer. Magiging tatay na siya. Magkakaroon na ko ng sariling pamilya.
Anak...
Mas lalo akong napangiti sa mga naisip ko.

BINABASA MO ANG
There's A Rainbow Always After The Rain
Non-Fiction"Life is never called life without problems.." Kahit na mahirap at masakit ang dinadanas ni Eliana sa araw araw ay hindi siya sumuko. Kahit na sa sariling ama pa niya ito nararanasan ay hindi niya ito iniwan. Ang akala ni Eliana ay puro lungkot nal...