Makalipas ang ilang araw ay sinabi ng doctor na pwede na daw akong umuwi. Hindi pa lubos na bumabalik ang lakas pero atleast mas nakakakilos na ko.Ang parents ni Lucifer ang nagbayad ng bill. Sobrang hiyang hiya na ko dahil ang dami ko ng utang sa kanila. Ang dami na nilang nagagawang mabuti sakin. Sabi ko pag nagkaroon ako ng lakas ay babayaran ko lahat ng ginastos nila sakin, pero agad silang tumanggi ng sabihin ko yon.
Pero kahit anong ayaw nila, babayaran ko parin.
Sabi ni Lucifer ay kinuha daw niya ang mga damit at gamit ko sa bahay. Kaya lahat ay nasa bahay nila. Ang sabi ko ayos lang na doon nalang ako sa bahay dahil wala na din naman doon si tatay, pero hindi siya pumayag. Kailangan ko daw ng mag aalaga.
Kaya ngayon nandito ako sa bahay nila. Pero bahay pa nga bang tawagin ang ganitong kalaki? Para sakin, ay mansion na to. Sobrang ganda ng bawat kagamitan at halatang mamahalin. Sobrang taas ng kisame dahil sa second floor.
Hanggang ngayon ay wala parin akong balita sa tatay ko, basta ang alam ko lang ay nakakulong siya. Syempre masakit din para sakin yon, dahil tatay ko yon.
Pero kailangan nyang pag bayaran ang ginawa niya sakin.
Lumakad ako papalapit sa mga picture frames at isa isa yon na pinagmasdan. Hindi ko yon magawang hawakan dahil takot akong makabasag.
Napangiti ako ng maagaw ng isang picture ang atensyon ko. Sobrang cute ni Lucifer habang nasa isang pool at naliligo. Kasama nya don ang mommy at daddy nya. Halatang sa mukha nila na masaya sila.
Bigla ay namiss ko sina nanay at tatay. Na sana katulad nila Lucifer ay ganon nalang kami kasaya.
Sana...
"Alam mo bang nilalagnat pa si Lucifer ng araw na yan, pero dahil nga makulit siya ay pinayagan nalang namin,"
Gulat akong napalingon sa likuran ko. Nakangiti ang mommy ni Lucifer sa picture frame tsaka ako tinignan.
"Good morning po.." bati ko.
Ngumiti siya sakin, "Good morning den Eliana, nag breakfast ka na ba??"
Tatango na sana ko pero agad na kumalam ang sikmura ko. Narinig kong natawa siya. Nahihiya naman akong napatingin sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko at inakay papunta sa kusina.
"Wag kang mahiya, Eliana. Ituring mo na din tong bahay mo.." sabi niya habang pinaghila pa ko ng upuan.
"Thank you po," sabi ko tsaka umupo.
Tumango siya sakin at humila din ng upuan. Binigyan niya ko ng plato at inilapit sakin ang iba't ibang klase ng ulam. Tingin palang ay alam ko ng masarap yon!
"Damihan mo ang kain, magagalit si Lucifer pag ginutom kita..." natatawang iling niya.
Natawa din ako.
Sumandok ako ng kanin tsaka kumuha ng ulam. Hindi maiwasan na hindi mapangiti. Kung dati ay wala kong pagpipilian, ngayon naman ay hindi ko alam ang pipiliin kong ulam.
Nang masyahan sa ulam ay sumubo na ko. Mas lalo akong nagutom dahil unang tikim palang ay masarap na. Napatingin ako sa nanay ni Lucifer, nakangiti syang pinagmamasdan ako.
Dahil sa hiya ay binagalan ko ang pag nguya.
"Kain na din po kayo.." aya ko.
Pero tumango lang siya, "Tapos na kong mag breakfast, sa totoo lang ay ako ang nagluto ng mga yan.."
Napaawang labi ko sa gulat.
"Talaga po??" hindi makapaniwalang tanong ko.
Nakangiti syang tumango, "Masarap ba??"
Sunod sunod naman ang pag tango ko. Natawa siya.
"Ang sarap mo pong mag luto, Tita!!"
"Thank you hija,"
Nagpatuloy ako sa pagkain kahit hiyang hiya ako dahil nakatingin lamang siya sakin. Siguro kung wala nakatingin sakin ay baka naubos ko na agad ang kinakain ko.
Pareho kaming napalingon ni tita ng may pumasok sa kusina.
"Good morning!!" nakangiting bungad ni Lucifer at kasunod ang daddy niya.
Tumayo naman ako upang salubungin siya, "Morning, tara kain tayo!!" tinignan ko ang daddy niya, "Good morning po,"
Tumango naman siya sakin, "Good morning din, hija"
Muli kong hinarap si Lucifer at hinawakan siya sa kamay upang hilahin pabalik sa lamesa. Ang daddy naman niya ay dumiretso sa tabi ni Tita.
"Kakagising mo lang?" tanong sakin ng katabi ko.
Nahihiya naman akong tumango sa kanya, "Oo eh, dapat kase ginising mo na din ako.."
"Ayaw ko. Mahimbing tulog mo eh," sabi noya habang sumasandok ng kanin at ulam.
"Sus, ayos lang naman sakin!!"
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Nagulat ako ng lagyan nya muli ng kanin ang plato ko kaya agad ko siya pinigilan.
"Busog na ko!!"
Kumunot ang noo niya, "Kumain ka pa! Look, ang payat mo oh!!"
Ginala pa niya ang paningin sa buong katawan ko. Bigla ay nakaramdam ako ng hiya.
"Hindi ako payat!" inis na sabi ko.
"Payat ka, Eliana."
"Hindi nga sabi!! Ang dami ko ng nakain kanina!!"
Umiling siya, "Then eat again, ang payat mo nga."
"Hindi ako payat," seryosong sabi ko.
Kumunot ang noo niya sakin, "Payat."
Napanguso ako. Hindi ko siya tinignan. Nakatingin lang ako sa platong nilagyan niya ng panibagong kanin at ulam.
Hindi ko gagalawin yan. Naiinis ako.
"Eat,"
Pero di ako kumilos. Busog na ko at wala na din space para sa panibagong pagkain nanaman. Ramdam kong napatingin siya sakin. Hinawakan niya ang likod ng upuan tsaka ang gilid para mahila palapit sa kanya.
"Okay, sorry." Mahinang bulong niya.
Hindi ko siya pinansin.
Mas nilapit niya sakin ang mukha, "Hindi ka na payat, baby. Kausapin mo na ko,"
Ayan nanaman yang baby na yan! Napakadaya. Lagi nalang akong natutunaw pag ganyan ang tawag niya sakin!
Napabuntong hininga ko tsaka tumango, "Sige.."
"Hindi ka na galit?" hinawakan niya ang baba ko para iharap ang mukha ko sa kanya.
Sunod sunod ang naging pag lunok ko dahil sa sobrang lapit namin. Gusto kong tignan ang sina tita at tito kung nakatingin ba. Parang gusto ko nalang lumusot sa ilalim ng lamesa para mag tago.
Umiwas ako ng tingin.
"Look at me, kung talagang hindi ka na galit sakin," utos niya.
Walang hiya. Alam niya kaseng titignan ko siya.
Napairap nalang ako tsaka tamad syang tinignan. Lumabas naman ang ngiti sa mga labi niya.
Agad akong napalingon kay tito ng tumikhim siya. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa hiya. Habang ang katabi ko naman ay hindi man lang lumayo sakin kahit konti!
"By the way, kailan ang Graduation mo, Lucifer?" tanong ni Tito.
Nanlaki naman ang mga mata ko tsaka napatingin kay Lucifer, nginitian nya ko bago sumagot sa daddy niya.
"Next month, isama nyo po si Eliana." sabi nya tsaka lumingon sakin at kinindatan ako.
Napailing nalang ako tsaka binaba ang tingin sa pagkain na nasa harapan ko. Lihim akong napangiti habang iniisip na nandon ako sa Graduation niya.
Masasaksihan ko ang tagumpay niya.
BINABASA MO ANG
There's A Rainbow Always After The Rain
Non-Fiction"Life is never called life without problems.." Kahit na mahirap at masakit ang dinadanas ni Eliana sa araw araw ay hindi siya sumuko. Kahit na sa sariling ama pa niya ito nararanasan ay hindi niya ito iniwan. Ang akala ni Eliana ay puro lungkot nal...