Kabanata 17

2 2 0
                                    


"Mommy!!! Daddy!! CPA na ko!!!"

Tuwang tuwa na sigaw ni Lucifer habang papalapit samin matapos bumaba ng stage. Niyakap niya ang mommy at daddy niya.

Nakangiti ko silang pinagmasdan.

"Congrats son!! I'm so proud!!"

"Congratulations, anak!!!" tsaka ito muling niyakap.

Kitang kita ko sa mga mata ni mommy at daddy na proud na proud sila sa anak.

Bigla ay pumasok sa isip ko si nanay at tatay. Nakaramdam ako ng lungkot. Sana nakapagtapos din ako ng pag aaral at makita ang ganyang ngiti nila.

Gusto ko rin na makitang proud sila sakin. Gusto ko din masuklian ang lahat ng paghihirap at pag aalaga na ginawa nila sakin nung bata pa ko. Gusto ko na ulit silang makasama.

Natauhan lang ako ng biglang lumapit sakin si Lucifer at yumakap. Niyakap ko sya pabalik.

"Congrats!! Proud na proud ako sayo.." nakangiting sabi ko kahit hindi niya ko nakikita.

Humiwalay siya sa yakap. Naramdaman ko nalang na dumampi ang labi niya sa labi ko. Nag init ang mukha ko sa ginawa niya.

"I deserve a reward!" tawa niya.

Yes.

Hindi pa niya alam na buntis ako. Tsaka hindi pa niya napapansin yon dahil hindi pa naman malaki ang tiyan ko. Plano ko talaga na ngayon sabihin.

Huminga ko ng malalim tsaka ngumiti sa kanya, "Buntis ako.."

Tumango lang siya.

Nagtaka naman ako sa naging reaction niya. Bakit ganon lang? Ayaw nya ba? Hindi ba sya masaya? Nangilid agad ang luha sa mga mata ko.

"Buntis ka..." bulong niya at nanlalaki ang matang napatingin sakin, "Buntis ka?!!!"

Mukhang doon lang naprocess sa utak niya ang sinabi ko. Mas lalo akong naiyak tsaka tumango.

Halos mapatili ako ng buhatin niya ko.

"Tatay na ko! Tatay na ko!!!" sigaw pa niya.

Tinakpan ko ang bunganga niya dahila ang daming nakatingin samin, "Shhh!! Nakakahiya.."

Binaba niya ko tsaka niyakap ng mahigpit. "Tatay na ko, dalawa na ang baby ko!!! I love you so much!!"

Humiwalay siya sa yakap tsaka lumuhod sa harapan ko at hawakan ang tiyan ko. Kitang kita ko kung panong tumulo ang luha sa mga mata nya.

"Anak, bilisan mong lumaki ha? Hihintayin ka namin..." sabi niya tsaka kiniss ang tiyan ko.

Muli syang tumayo at pinunasan ang luha.

"Kailan pa??"

"Last week, ako at ang mommy mo lang ang may alam tas yung daddy mo naman kanina lang," tawa ko.

Tinignan niya ang mommy niya, napatingin naman ito samin ng nagtataka. Natawa nalang ako.

After ng graduation niya ay nagpunta kami sa isang restaurant para don nalang mag celebrate, hindi daw kase nakapagluto si mommy.

Puro tawanan at kwentuhan ang ginawa namin bago kumain. Sobrang dami ko din nalaman about kay Lucifer. Panay kase ang kwento ng mommy nya sakin kahit na pilit pinapatigil ni Lucifer.

Syempre, curious din naman ako kung anong buhay ng magiging asawa ko.

Magiging asawa...

Sobrang gandang pakinggan.

Pag uwi namin ay agad naman akong hinatid ni Lucifer sa kwarto.

"Hindi pa ko inaantok.." sabi ko.

Umiling siya sakin, "Kailangan mong mag pahinga,"

Napabuntong hininga nalang ako sa kakulitan niya. Hindi pa ko inaantok pero ramdam ko naman ang pagod. Pumikit ako. Naramdaman kong tumabi na din siya sakin.

Umusod ako upang mayakap siya. Inangat nya ang ulo tsaka pinaunan sakin ang braso niya. Sumiksik naman ako sa dibdib niya. Napapikit ako dahil sa mabangong amoy niya.

"Good night," sabi ko.

"Good night. Sleep tight, baby.." tsaka ako hinalikan sa ulo.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko.

Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising, tinignan ko ang tabi ko pero wala na don si Lucifer. Napaangat ang tingin ko sa pinto ng bumukas yon.

"Good morning, bangon na. Ngayon ang check up mo," sabi niya at lumapit sakin.

Napangiti naman ako dahil mukhang mas naalala pa niya na check up ko ngayon, kesa sakin. Kinusot ko ang mga mata ko tsaka bumangon.

Napatingin ako sa kanya. Nakabihis na siya at bagong ligo. Napanguso naman ako, tsaka kumuha ng tuwalya at dumiretso sa banyo.

Matapos maligo ay sabay kaming bumaba papunta sa kusina. Nandon na ang mommy at daddy niya. Nakangiti silang napatingin samin

"Good morning po," bati ko.

"Morning, hija. Ngayon ba ang check up mo?" tanong ni Daddy.

Tumango naman ako.

Pinaghila ko ng upuan ni Lucifer tsaka inalalayan na umupo. Humila din siya ng upuan palapit sa side ko.
Napailing nalang ako ng kuhanan niya ko ng plato at pagsandukan ng kanin.

Tumingin siya sakin, "Ano gusto mong ulam?"

Tinuro ko naman ang gusto. Tumango siya tsaka kumuha non at nilagay sa plato ko.

"Eat," utos niya tsaka lang siya kumuha ng para sa kanya.

Sinimulan ko ng kumain dahil baka malate kami sa check up. Napatingin ako sa kanya ng bigla syang tumayo.

"Magtitimpla lang ako ng gatas mo," ngiti niya tsaka ako tinalikuran.

Nakangiti naman akong tumango at bumalik sa pagkain. Maya maya lang ay bumalik na syang may dalang isang basong gatas. Nilagay niya yon sa gilid ng plato ko.

"Ubusin mo yan." maawtoridad na sabi niya bago kumain ulit.

Napatingin ako kay mommy at daddy. Si mommy ay natatawang umiling at si daddy naman pinipigilan na matawa.

Hindi na ko magtataka kung mas higit pa sa pagaalaga nya sakin ang pag aalagang gagawin niya sa magiging anak namin.

Sure naman akong magiging mabuti syang ama. Wala pa man ang anak namin ay nakikita ko na sa kanya yon. Sa kung pano niya ko alagaan at kung pano niya ko mahalin.

Matapos kumain ay agad kaming bumiyahe papuntang hospital. Hindi ko nga namalayan na nakatulog ako sa biyahe. Nagising nalang ako ng may maramdam sa labi ko.

"Wake up, nandito na tayo..." ngiti niya.

Kinusot ko ang mga mata tsaka inayos ang mukha pati na rin ang buhok ko. Habang nag aayos ako ay bumaba na sya ng sasakyan upang umikot sa side ko.

Binuksan niya ang pinto para makababa ako. Tulad ng lagi nyang ginagawa, inalalayan niya ang ulo ko para hindi mauntog. Nang makababa ay inayos ko naman ang damit ko.

Sa totoo lang, nagulat nalang ako isang araw na puro dress ang nakasabit sa damitan ko. Sobrang dami non at puro dress talaga. Ang sabi nya ganon daw ang kailangan kong isuot para hindi ako mahirapan.

"Let's go," aya tsaka ako hinawakan sa kamay.

Tumango ako. Sabay kaming naglakad papasok ng hospital. Bawat madadaanan namin na babae ay napapalingon sa kanya. Hindi na ko magtataka. Sobrang gwapo niya kase sa suot niya ngayon.

Pero sorry sila, dahil ako ang mahal.

Napailing nalang ako sa naisip. Napatingin siya sakin ng nagtataka.

"Why? You look so happy," tanong niya.

Natawa naman ako. "Nothing. I love you,"

"I'm so nervous, pero isang i love you mo lang, nawala lahat." Seryosong sabi niya, "I love you so much,"

There's A Rainbow Always After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon