Pinagmasdan ko ang nakaukit na pangalan ni nanay sa lapida. Nakangiti ko iyon na hinihimas na para bang nahahawakan ko siya.Umihip ang malakas na hangin kaya tinangay ang mga tuyong dahon papunta sa lapida. Inalis ko naman yon at humiga.
Hindi ko inalintana ang sinag ng araw habang pinagmamasdan ang maganda at asul na langit. Ginawa kong unan ang magkabila kong braso.
Sana pwede pang ibalik ang dati. Yung mga araw na ayos lang ang lahat. Yung mga araw na nandito pa si nanay sa tabi ko. Hindi ko parin matanggap ang pagkawala niya.
Parang gusto ko nalang patigilin ang ikot ng mundo. At isipin nalang ang magagandang nangyare sa buhay ko. Kahit saglit lang. Kahit pansamantala lang.
Napapikit ako ng maramdaman ang biglang hangin. Para kong niyayakap non. Nang dumilat ay tumayo na ko tsaka muling tinignan ang lapida ni nanay.
Mabilis akong sumakay sa isang tricycle upang makarating agad sa simbahan. Walang misa ngayon, at hindi rin ako magtitinda. Gusto ko lang na kahit papaano ay guminhawa naman ang puso ko.
Pagpasok sa simbahan ay agad akong lumuhod at taimtim na nagdasal. Umupo muna ko pagtapos dahil ayoko pang umuwi. Buti nalang talaga nung nagising ako ay wala si tatay sa bahay kaya madali akong nakatakas.
Napatingin ako sa gilid ko ng may maramdaman akong umupo.
"Hi!!" ngiti niya.
Umawang ang mga labi na agad ko naman tinikom.
"B-Bakit ka nandito? Wala namang misa ah?" takang tanong ko.
Napatingin ako sa damit niya. Nakauniform siya at doon lang pumasok sa isip ko na first day of school ngayong araw. Kung nag aaral pa ko ngayon ay sana nasa college na ko.
"Eh ano naman? Bat ikaw nandito rin?"
Napailing nalang ako at binalik ang tingin sa harapan.
"Wala lang, nag thank you," sagot ko.
"Yung panyo ko??"
Agad naman akong napalingon sa kanya. Nawala sa isip ko ang panyo!
"A-Ano kase...hmm..h-"
"Just kidding!" tawa niya.
Nakahinga ako ng maluwag.
Sa totoo lang, ay hindi ko pa nalalaban ang panyo niya. Nakalimutan kong laban kahapon. Sa sobrang dami ba naman ng nilaban ko ay talagang mawawala yon sa isip ko.
"Napano yang sugat sa noo mo??" kunot noong tanong niya.
Napahawak naman ako sa noo, may sugat pa yon at sariwa. Pero tumigil na din naman sa pag dugo.
"Wala.." iling ko.
"Anong wala? Kusa lang nalagay dyan?"
Natawa naman ako sa tanong niya.
"Nauntog lang," simpleng sagot ko.
Lumapit sya sakin. Agad naman akong napaatras dahil sa sobrang lapit niya. Nakatingin sya sa noo ko.
"Ginamot mo ba to?" tanong niya.
Amoy ko ang hininga niya dahil sa sobrang lapit. Mas lalo kong naamoy kung gano siya kabango.
Iniwas ko ang tingin bago tumango.
Napahinga ko ng maluwag ng lumayo siya at umayos ng upo. Tumayo na ko dahil maglalakad lang ako sa pag uwi. Baka magalit nanaman si tatay pag naabutan na wala pa syang kakainin.
"Uuwi ka na??" tanong niya at tumayo na rin.
"Oo, bakit?"
Umiling sya at nilahad ang daan sakin para sabihing magpatuloy na ko sa paglalakad.Hanggang sa makalabas ay kasabay ko parin siya sa paglalakad.
"Una na ko, bye!!" ngiti ko.
Ngumiti din siya sakin at kumaway.
Habang naglalakad ay hindi ko alam kung bakit ang gaan gaan ng loob ko. Pagdating sa bahay wala parin si tatay kaya mabilis akong kumilos upang maghanda ng pagkain.
"Walang hiya!!! Wala nanaman akong pera! Tanginang yan!"
Halos mapatalon ako sa sobrang lakas na sigaw ni tatay.
Tinapos ko ang paghahanda ng pagkain dahil alam kong kakain na siya. Marahas syang humila ng upuan tsaka nagsandok ng kanin at ulam.
"Ikaw?! May pera ka pa ba dyan?!" tanong niya sakin.
Dahan dahan naman akong umiling. Dahil wala naman talaga kong ilalabas na pera. Hindi naman kase ako nagtinda ngayon at lahat naman ng napagbentahan ko ay binibigay ko sa kanya.
Pinalo nya ang lamesa na gumawa ng malakas na ingay. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Eto nanaman.
"Ano ka ba naman! Wala ka talagang kwenta Eliana!"
Inis syang tumayo at sinipa pa ang upuan kaya tumumba yon. Nakayuko lang ako. Naramdaman ko ang paglabas niya ng bahay. Napaupo ako sa sobrang panghihina.
Walang kwenta. Ganyan lagi ang sinasabi niya sakin kahit na alam ko naman na ginawa ko ang lahat. Kahit ano pala ang gawin kong pagsisilbi sa kanya ay walang kwenta parin ang nakikita niya sakin.
Napahilamos ako ng mukha dahil sa sobrang panlulumo. Inayos ko ang pinagkainan nya. Wala akong maramdaman na gutom dahil sa galit palang niya ay busog na ko.
Kahit gusto ko ng sumuko ay hindi ko magawa. Baliktarin man ang mundo, tatay ko parin siya. Kahit sa susunod na oras, araw, buwan at taon, tatay ko parin siya. Hindi magbabago yon. Tatay ko parin siya kahit panong gawin ko.
Napabuntong hininga ko.
Tulad nga ng sabi ko kahapon ay ngayon ako mag titiklop ng damit. Atleast kahit sandali ay makalimutan ko naman yung lungkot at panlulumo ko kanina.
Inabot ako ng hapon dahil sa bagal kong magtiklop. Bawat damit yata ay dinadasalan ko pa bago itabi. Nang matapos ay nagligpit din ako ng bahay. Kung may libro siguro ako ng pang college, edi sana kahit ako lang magturo sa sarili ko ay gagawin ko.
Hindi parin bumabalik si tatay hanggang sa mag gabi. Hindi ko nga alam kung san sya pumupunta pag nilalayasan niya ko.
Nakakain na ko't lahat lahat ay hindi parin dumadating si tatay. Binuksan ko ang pinto upang silipin kung nasa labas lang ba siya dahil baka may kausap, pero wala.
Kahit na lagi niya kong binubugbog or sinasaktan, kahit na lagi syang galit sakin at laging sakin sinisisi ang mga problema niya, kahit hindi ko na maramdaman na anak niya ko. Mahal ko parin ang tatay ko.
Kahit na sinasabihan niya ko ng walang kwenta at umuukit sa puso ko ang bawat masasakit na salitang sinasabi niya, tatay ko parin siya.
Napabuntong hininga ako tsaka sinarado ang pinto. Pagtalikod sa pinto ay nahagip ng mata ko ang kalendaryo na nakasabit.
Mapait akong napangiti.
"Birthday ko na pala bukas..." bulong ko.

BINABASA MO ANG
There's A Rainbow Always After The Rain
غير روائي"Life is never called life without problems.." Kahit na mahirap at masakit ang dinadanas ni Eliana sa araw araw ay hindi siya sumuko. Kahit na sa sariling ama pa niya ito nararanasan ay hindi niya ito iniwan. Ang akala ni Eliana ay puro lungkot nal...