Saktong pagpasok ko sa bahay ay siya namang paglabas ng babaeng kasama ni tatay. Napakunot ang noo ko ng makita ang suot niya.
"Bat mo suot ang damit ng nanay ko?!!" inis na tanong ko sa kanya at lumapit.
Natigilan siya at napatingin sa damit tsaka binalik ang tingin sakin. Tinaasan niya 'ko ng kilay.
"Ano bang pake mo? Pwede ba, tatay mo ang nag abot sakin neto. Kala mo ba gusto kong isuot to?" maarte nyang sabi.
Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.
"Edi hubarin mo! Ayaw mo naman pala eh!" hinawakan ko ang damit na suot niya at pilit na pinapahubad 'yon.
"Ano ba?!! Nasira ng tatay mo ang damit ko!" inis na sabi niya sakin at tinutulak ako palayo.
"Edi suotin mo ng sira!"
"Lumayo ka sakin! Ano ba!!"
"Hubadin mo muna ang damit ni nanay!!"
Hindi ako tumigil. Pilit kong hinuhubad sa kanya 'yon pero ayaw nyang hubadin.
"ELIANA!!!"
Bago pa ko lumingon kay Tatay ay natulak na niya ko. Agad akong natumba at tumama ang noo ko sa kanto ng upuan.
"Napakasadista ng anak mo! Pilit niya kong hinuhubaran!!" sumbong pa ng babae ni Tatay.
Napahawak ako sa noo ko. Nanlaki ang mata ko dahil may dugo do'n. Napapikit ako sa sakit ng ulo ko. Inangat ko ang tingin sa kanila pero agad akong nahilo.
"Anong ginawa mo Eliana ha?!!" sigaw sakin ni Tatay.
Sasagot na sana 'ko pero malakas niya 'kong sinampal. Hindi pa nakakabawi ay muli nanaman niya 'kong sinampal sa kabilang pisngi.
"T-Tama na po t-tay..." umiiyak na sabi ko at lumalayo sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang hahawakan ko. Ang noo ko ba na dumudugo o ang magkabilang pisngi ko na sobrang hapdi.
"Ayusin mo yang ugali mo Eliana! Manang mana ka sa nanay mo! Wala kayong kwenta!" sigaw niya sakin.
Ang akala ko sasaktan nanaman niya ko pero tumalikod siya sakin at nilapitan ang babae niya. Tumingin sakin ang babae at nginitian ako, nang aasar. Gustuhin ko man na sabunutan siya ay hindi ko magawa dahil hindi ako makatayo.
Patuloy lang ang tulo ko ng luha ko. Lumabas sila ng bahay. Pinilit kong tumayo para gamutin ang sugat na nasa noo ko. Patuloy lang iyon sa pagdugo. Ang magkabilang pisngi ko naman ay pulang pula.
Hindi pa 'ko nakakabawi sa sakit na ginawa niya kahapon ay may panibago nanaman. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magtiyaga kasama siya. Hindi ko na nakikita sa kanya ang dating nag alaga sakin.
Kahit na wag na niya kong respetuhin bilang anak, pero sana naman kahit yung mga ala-ala nalang ni nanay. Bakit kailangan nyang ipaheram sa ibang babae ang damit ni nanay? Wala ba syang konsensya?
Napabuntong hininga 'ko matapos gamutin ang sugat sa noo.
Parang gusto ko nalang umiyak ng umiyak ngayong araw pero wala naman magagawa ang mga luha ko. Kahit na masakit ang buong katawan ay kinuha ko parin ang mga labahin.
Pinilit kong tapusin na laban ang mga maduming damit namin ni tatay. Dahil alam kong magagalit nanaman yon pag wala na syang masuot. Pagbubuhatan nanaman niya 'ko ng kamay.
Matapos maglaba ay umupo muna 'ko sa kahoy na upuan namin na syang tinutulugan ko. Nahagip ng mata ko ang isang frame na nakatayo malapit sa t.v, tumayo ako upang lapitan 'yon.
Picture iyon ni nanay. Nakangiti ko iyon na tinitigan. Bigla ay nakaramdam ako ng lungkot.
"Nay..." yun palang ang binabanggit ko pero sunod sunod ng pumatak sa picture frame ang luha ko.
"B-Bigyan mo naman po ako ng lakas...bigyan mo n-naman po ako ng dahilan para lumaban pa.." ngiti ko.
Kung nandito lang sana siya ay sigurado akong ipagtatanggol niya ko. Kung nandito pa siya ngayon sa tabi ko ay may iiyakan pa 'ko at makukwentuhan ng mga problema ko. Sana ay may kakampi pa 'ko.
Niyakap ko ang picture frame at hindi ko na napigilan na mapahikbi.
Ang akala ko si Tatay ang magbibigay sakin ng lakas simula nung nawala si nanay, pero mali. Dahil siya mismo ang gumagawa ng dahilan para mawalan ako ng lakas. Siya mismo yung dahilan para mapagod ako.
Miss na miss ko na yung tatay ko...yung dati kong tatay.
Binalik ko ang picture frame tsaka pinunasan ang mga luha na lagi nalang bumabagsak. Wala akong kakampi, kundi ang sarili ko.
Napatingin ako sa pinto dahil sa lakas ng lagabog no'n.
"Bumili ka ng makakain!" binato niya sakin ang pera at dumiretso siya sa kwarto. Malakas nyang sinarado ang pinto no'n.
Napapikit ako bago yumuko upang pulutin ang perang tinapon niya. Hindi ko alam kung sa'n siya kumukuha ng pera, wala naman syang trabaho kundi ang magsabong ng manok.
Lumabas ako ng bahay upang bumili ng makakain. Hindi na 'ko bumili ng bigas dahil alam kong meron pang tira sa bahay.
Pagbalik ay agad akong nagluto at nagsaing. Nagpakahirap nanaman akong maghipan nang maghipan para lang matapos agad.
Buti nalang nung lumabas si tatay sa kwarto ay nakahanda na ang kakainin nya. Umupo tsaka kumain. Habang ako naman ay nasa gilid nanaman para pag may inutos siya ay mapagsilbihan ko agad.
Sunod sunod ang paghiling ko sa isip na sana ay may matira na pagkain dahil wala na 'kong lulutuin pag naubos niya 'yon. Wala na 'kong kakainin.
Agad akong pumalit sa upuan ng tumayo siya at pumasok nanaman sa kwarto. Sinimot ko ang konting natirang kanin at ulam, pero para sakin ay ayos na 'yon. Malagyan lang ng pagkain ang sikmura ko.
Nung nabubuhay pa si nanay ay hindi ko inisip na hahantong pala sa ganito ang buhay ko. Na dadating pala ang araw na sarili ko nalang ang kinakapitan ko. Na kailangan ko pang manimot ng kanin sa kaldero para lang malagyan ang sikmura ko.
Hindi ko pinangarap ang ganitong buhay, kung may paraan man para makaalis o makaahon ako dito, ay gagawin ko.
Mas lalong hindi ko pinangarap na kailangan ko pang umiyak para lang gumaan kahit konti ang puso ko.
Napatingin ako sa labas. Madilim na. Niligpit ko ang pinagkainan tsaka lumabas upang kunin lahat ng sinampay. Bukas nalang ako magtitiklop para naman kahit papaano ay may gawin ako.
BINABASA MO ANG
There's A Rainbow Always After The Rain
Nonfiksi"Life is never called life without problems.." Kahit na mahirap at masakit ang dinadanas ni Eliana sa araw araw ay hindi siya sumuko. Kahit na sa sariling ama pa niya ito nararanasan ay hindi niya ito iniwan. Ang akala ni Eliana ay puro lungkot nal...