Kabanata 5

3 2 0
                                    


"Eliana!! Bumangon ka dyan at gumawa ng paraan para may makain tayo!!!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw na yon. Kinusot ko ang mga mata ko upang madilat ng maayos.

"Bilisan mong kumilos!! Kakain ka rin! Bahala ka sa buhay mo! Basta ko, hahanap ako ng paraan!" sigaw niya habang lumalabas sa bahay.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Tumayo ako pero agad akong napapikit dahil biglang pagkahilo. Nanatili muna ko sa kinatatayuan para kalmahin ang sarili. Siguro nabigla lang ako sa pagtayo mula sa pagkakatulog.

Naglakad ako papunta sa damitan upang tignan kung may naipit o natira pang pera don. Sana ay meron para naman makabili ako ng pagkain. Napangiti ako dahil may 50 pesos pa kong nakita don. Agad ko yon na kinuha at lumabas para bumili ng itlog.

Laking pasasalamat ko dahil may bigas pa.

Pagbalik sa bahay ay nagluto ako ng kakainin ko. Ramdam ko naman na walang balak bumalik si tatay, dahil sabi niya hahanap siya ng paraan para makakain siya. Hindi man lang niya ko inisip.

At hindi man lang niya ata alam kung anong meron ngayong araw.

Tama nga ko. Dahil dumaan ang maghapon ay hindi bumalik si tatay. Kahit na ganon, naligo at nagbihis ako ng pang simba.

Pagdating sa simbahan ay agad akong pumasok. Sayang nga lang at walang misa ngayong araw. Tulad ng lagi kong ginagawa, lumuhod ako upang magdasal.

Na sana pag uwi ko sa bahay ay may magandang mangyari. Na sana batiin ako ng tatay ko. Na sana kahit ngayon lang bumawi sya sakin.

Pero mas lalo ko lang atang sinasaktan ang sarili ko. Lalo ko lang pinapaasa ang puso ko. Parang ako mismo gumagawa ng ikakadurog ng puso ko.

Eliana, tama na.

Matapos magdasal ay umupo ako at tumingin sa altar. Kaarawan ko ngayon. Dapat masaya ko, dapat ngiti ang mga nasa labi ko. Pero parang wala akong maramdaman kahit konti sa puso ko. Ang bigat. Wala namang nakadagan, pero hindi ako makahinga.

Kaarawan ko pero wala akong kasama.

Napapikit ako ng mariin upang kalmahin ang sarili. Pagdilat ko ay may nakita kong Sundae at Fries sa harapan ko.

"Gusto mo? Kuha ka, dali!! Hati tayo," masayang sabi ng katabi ko.

Kahit hindi ko siya lingunin ay kilala ko na kung kanino nanggaling ang boses na yon. Napangiti ako at agad nag init ang gilid ng mga mata ko.

Napahikbi ako dahil sa biglang bugso ng damdamin. Hindi inakala na ngayon lalabas ang luha at sakit na naipon sa puso ko.

"Hoy!! Bat ka umiiyak?! Gagi," rinig ko ang pagpapanic sa boses niya.

Bahagya akong natawa.

"Tinatanong ko lang naman kung gusto mo eh, bat ka naiyak??"

Pilit kong kinalma ang sarili ko tsaka pinunasan ang luhang nasa pisngi ko. Pero natigilan ako ng maglahad nanaman siya ng panyo.

"Tanggapin mo na, balik mo nalang sakin pag nalaban mo na pati yung isa,"

Napaangat ako ng tingin sa kanya, "Wag na.." tsaka marahang sinagi ang kamay niya.

Humarap siya sa altar, "Lord, ayaw po nyang tanggapin yung panyo. Ayaw niya po ng tulong k--"

"Hoy baliw ka!!" mabilis kong kinuha ang panyo sa kamay niya.

Nagsumbong pa talaga!

Narinig kong tumawa siya. Napanguso ako.

Binalik ko ang tingin sa kanya. Nakita kong sinawsaw niya ang fries sa sundae tsaka iyon kinain. Matapos isubo tumingin siya sakin ang ngumisi.

There's A Rainbow Always After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon