Matapos kumain ay nagpahinga muna kami saglit tsaka tumayo."San tayo pupunta?" tanong ko.
Medyo madilim na ang paligid pero nagtataka ko kung bakit hindi pa binubuksan ang mga ilaw.
"Sa simbahan," ngiti niya.
Tumango naman ako dahil gusto ko din ang ideya na yon. Matagal na din akong hindi nakakapagsimba. Simula nung umalis sa bahay namin ni tatay, ay hindi na ko nakapag simba pa.
Pag pasok sa simbahan ay akala ko may tao, pero wala. Nagtaka naman ako. Hinawakan nya ang kamay tsaka hinila. Pareho kaming lumuhod at nagdasal.
Sa sobrang saya at dami kong hindi na kwento sa Kanya, ay hindi ko alam kung saan sisimulan. Sobrang dami ko din pinagpasalamat.
Naramdaman kong tapos ng magdasal si Lucifer. Pero hinintay niya ko hanggang sa makatapos tsaka nya muling hinawakan ang kamay ko. Napakunot ang noo ko dahil sobrang lamig non.
"Hoy, ayos ka lang? Ang lamig ng kamay mo.." sabi ko.
Kita ko din ang namuong pawis sa noo niya, "Yeah.."
Kahit nagtataka ay tumango nalang ako. Magkahawak kaming lumabas ng simbahan. Nakatingin lamang ako sa kamay naming dalawa. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.
Nang makalabas kami ay madilim na. Medyo hindi ko na rin nakikita ang daan. Bakit ba kase ayaw nilang buksan ang ilaw? Wala bang ilaw dito?
"Bat walang ilaw?" takang tanong ko.
Hindi ko na kase mapigilan.
Pero hindi siya sumagot. Napahinto ako ng lumuwag ang pagkakahawak niya sakin. Kumunot ang noo ko ng lumayo siya sakin ng konti.
"Bakit??" tanong ko.
Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nyang magsalita. Nakatingin lamang siya sakin.
Napalingon ako sa harapan ng biglang sunod sunod na umilaw ang street lights.Umawang ang bibig ko dahil sa sobrang ganda non. Unti unti akong napaharap para tignan ang mga ilaw. Sobrang liwanag na ng paligid.
Kumunot ang noo ko ng may isang babae na tumayo medyo malayo sakin. Napatingin ako sa kaliwa dahil may lumabas din don na babae at tumabi sa naunang babae. Napatingin ako sa kanan ng may lumabas ulit don. Pero agad ulit akong napatingin sa kaliwa ng may lumabas nanaman don.
Nagsunod sunod ang naging paglabas ng mga babae. Salitan. Pagtapos sa kanan ay sa kaliwa naman. Hanggang sa nakahilera na sila sa harapan ko. Nakangiti sila sakin. Lahat sila ay may hawak na kulay puti na box.
Unti unti akong lumingon kay Lucifer na nakatayo parin sa gilid ko at nakatingin sakin.
"Anong meron??" tanong ko.
Pero hindi siya sumagot.
Nanindig ang balahibo ko ng may marinig akong tumutugtog. Lumabas ang isang lalaking may hawak na violin. Napatingin ako sa naunang babae na lumabas ng marinig ko ang tinig niya.
"Not sure if you know this.." kanta niya.
"But when we first met.." kanta naman ng nasa magkabilang gilid niya.
"I got so nervous
I couldn't speak"
Sobrang ganda ng boses nilang tatlo. Sobrang lamig non at para kang tinatangay ng hangin.
"In that very moment I found the one and
My life had found its missing peace"
BINABASA MO ANG
There's A Rainbow Always After The Rain
Não Ficção"Life is never called life without problems.." Kahit na mahirap at masakit ang dinadanas ni Eliana sa araw araw ay hindi siya sumuko. Kahit na sa sariling ama pa niya ito nararanasan ay hindi niya ito iniwan. Ang akala ni Eliana ay puro lungkot nal...