Matapos mag pacheck up ay pumunta kami sa mall para mamili ng mga gamit ng baby namin.
Babae, ang anak namin sabi ng doctor.
Kitang kita ko ang saya sa mukha ni Lucifer dahil sa balita. Sobrang dami din nyang tanong sa doctor ko. Kung ano ang mga bawal sakin, kung ano ang pwede, kung ano ang vitamins na kailangan ko, kung ano ang dapat inumin at kainin ko.
Natatawa nalang ang doctor habang kausap siya. Kita ko naman sa kanya kung gano siya kaexcited na lumabas ang baby namin. Ako din naman. Hindi na ko makapaghintay.
"Tignan mo to, cute ba?" tanong niya habang hawak ang isang higaan na pang baby.
Kunot na kunot ang noo niya habang namimili ng gamit para sa magiging baby namin. Para bang gusto nalang nyang bilin lahat yon.
"Gusto ko yung kulay pero yung design kase pang baby boy siya," sagot ko.
Napatingin naman siya sa design. Agad niya yon na binalik. Hinawakan niya ulit ang kamay ko tsaka kami naglakad para maghanap pa ng iba.
Panay ang tanong niya sakin pag may nahahawakan siya. Nakangiti naman akong sinasagot siya. Hindi siya papayag na hindi muna magtanong sakin bago ilagay yon sa cart. Gusto daw nyang marinig ang opinion ko.
Maya maya lang nasa damit na kami ng pang baby.
"Tired?" tanong niya.
Tumango naman ako.
Hinawakan niya ang kamay ko tsaka hinila sa isang sofa. Pinaupo niya ko don.
"Upo ka nalang muna, ako nalang ang pipili. Bago natin bayaran papakita ko muna sayo, okay?"
I nodded. Bago tumalikod ay hinalikan muna niya ko sa noo.
Sinundan ko ng tingin kung san siya pupunta. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood syang namimili ng damit. Kunot ang noo niya habang tinitignan ang mga yon. Mukha syang stress pero hindi ko alam kung bakit ang gwapo gwapo parin niya.
Maya maya lang ay may lumapit na babae sa kanya. Sa tingin ko ay nagtatanong yon. Nilingon siya ni Lucifer pero agad din na binalik ang tingin sa mga damit. Nakita kong tumango si Lucifer tsaka ako tinuro. Napatingin sakin yung babae. Nawala ang ngiti nito sa labi. Umalis ang babae sa tabi ni Lucifer.
Makalipas ang ilang oras ay sa wakas natapos din siya sa pamimili. Tulak nya ang cart na punong puno, palapit sakin. Umupo siya sa tabi tsaka sinandal ang ulo sa balikat ko.
"5 minutes," sabi niya tsaka ako niyakap.
Ramdam ko ang pagod niya dahil sobrang lalim ng bawat pag hinga nya.
Kahit matagal naman ay pagbibigyan ko siya.
Tinignan ko ang mga gamit na nasa cart. Napangiti ako dahil ang ganda ng mga yon, daig pa niya kong pumili. Kumpleto ang lahat ng kailangan ng baby namin.
Humiwalay siya sa yakap at tumayo. Nilahad niya ang kamay upang tulungan akong makatayo. Hawak niya ang kamay ko habang ang isa naman ay tinutulak yung cart.
Matapos mag bayad ay nagpatulong syang magbitbit ng mga pinamili sa isang lalaki hanggang sa makabalik kami ng kotse.
"Thank you, here." Sabi niya tsaka binigyan ng bayad ang lalaki.
Pinagbuksan niya ko ng pinto para makasakay ako. Patakbo syang umikot papunta sa driver seat. Habang nasa biyahe ay nakatulog nanaman ako. Nang makarating sa bahay ay pinakuha nya sa mga yaya ang pinamili.
Hinatid niya ko sa kwarto at inalalayan na mahiga. Inayos niya ang kumot ko. Ramdam ko ang pagod. Pero ayos lang naman sakin dahil ang dahilan naman ng pagod ko ay para sa anak namin.
Naramdaman kong humiga siya sa tabi ko. Agad ko syang niyakap.
"Thank you," sabi ko.
Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Pero doon tayo sa totoo, piliin mo yung taong may malinis na intensyon sayo. Yung totoong pure ang pagmamahal sayo.
Nahanap ko na yung tao na yon.
At wala na din akong balak pa syang pakawalan.
Bawat araw na dumaan ay lagi syang nasa tabi. Lagi nyang binibigay ang mga bagay na kailangan ko. Hindi siya umalis sa tabi ko kahit na minsan ay hindi maganda ang mood ko. Lagi nya kong iniintindi. Lagi niya kong inuuna. Habang tumatagal ay mas lalo ko syang minamahal. Habang tumatagal ay mas lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya.
Makalipas ang ilang buwan ay dumating na pinakahinihintay naming lahat. Agad akong dinala sa hospital dahil sumakit ang tiyan ko, buti nalang talaga at nasa tabi ko non si Lucifer.
Pagdating sa hospital nakahinga ako ng maluwag dahil agad naman akong inasikaso. Hindi binitawan ni Lucifer ang kamay ko. Patuloy sa pagtulo ang luha ko. Hanggang sa ilabas ang anak namin nasa tabi ko sya. Kailangan ko ng lakas para ilabas ang anak namin.
"Baby, kaya mo yan..." sabi niya sakin
Pinilit kong umiri kahit na hinang hina na ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay narinig ko ang malakas na iyak ng baby namin.
Bago mawalan ng malay ay nakita ko pa ang luha sa mga mata niya habang tinitignan ang anak namin.
Isa yon sa pinakamagandang nangyare sa buhay ko na kasama siya.
Pero siguro nga ganon talaga ang buhay, hindi ka laging nasa taas dahil kailangan mo rin maranasan sa baba. Hindi ka laging masaya dahil kailangan mo rin na maranasan ang lungkot.
Nang manganak ako ay tatlong araw pa kong nag stay sa hospital bago nakauwi sa bahay. Hindi nawala ang mga ngiti ni mommy at daddy pati na rin ni Lucifer habang inaalagaan ang anak namin.
nakangusong sabi niya habang pinapadede ko si Lianna.
Lianna Gabriella, ang pinangalan nya sa anak namin. Matagal na daw nyang pinagisipan yan. Lianna daw para katunog ng pangalan ko.
Mabilis na lumipas ang araw. Bawat ay araw hindi ko alam kung bakit parang lagi akong nanghihina at nahihilo. Hindi ko yon sinasabi kay Lucifer dahil ayokong mag alala siya. Tsaka siguro, dahil lang ito sa pagod.
Pero doon ako nagkamali.
Nang isang araw akong maligo ay nagulat ako dahil puro pasa sa ibat ibat parte ng katawan ko. Nakaramdam ako ng takot. Hindi ko alam kung san nagmula ang mga pasa na yon.
Binalewala ko yon, pero sa mga sumunod na araw mas nadadagan pa ito. Doon ako nagsimulang mag panic. Hinintay kong makauwi sa Lucifer upang sabihin ang tungkol sa mga pasa ko.
Pero hindi ko alam ang sunod na nangyare, agad na nagdilim ang paningin ko.

BINABASA MO ANG
There's A Rainbow Always After The Rain
Non-Fiction"Life is never called life without problems.." Kahit na mahirap at masakit ang dinadanas ni Eliana sa araw araw ay hindi siya sumuko. Kahit na sa sariling ama pa niya ito nararanasan ay hindi niya ito iniwan. Ang akala ni Eliana ay puro lungkot nal...