Kabanata 1

17 4 0
                                    


Napangiti ako ng makarating sa simbahan. Ramdam ko ang pagod at hingal dahil sa layo ng nilakad para lang makarating dito kahit na tirik na tirik ang araw ay hindi ko yon inalintana.

Bawat makikita at mahahagip ng mata ko ay puro masasayang mukha ang nakikita. Masayang pamilya, masayang magkakaibigan, kitang kita naman sa bawat ngiti nila na wala silang dinadalang problema.

Napatingin ako sa tuktok ng simbahan. Marahan pa kong napangiwi dahil sa sikat ng araw. Napabuntong hininga ko tsaka nagpatuloy sa paglalakad palapit sa pinto ng simbahan upang tumayo doon para magtinda.

"Ate, magkano po?" tanong ng isang babae na bata sakin.

Nginitian ko naman siya, "bente pesos lang.."

"Pabili po,"

Tumango naman ako at binigyan siya ng isang balot na sampaguita, "Eto oh.."

Tinanggap niya yon at inabot sakin ang bayad.

Tinanaw ko ang bawat sasakyan na dumadaan.

Sabi nila, hindi daw matatawag na buhay ang isang buhay kung hindi mo mararanasan ang mga problema, paghihirap at pagsubok. Dahil hindi naman puro sarap at saya ang mararanasan natin sa araw araw.

Na dapat alam natin na may mga bagay sa mundo na kailangan nating paghirapan, na kailangan nating pagisipang mabuti, na kailangan nating pagtiyagaan muna bago ito makuha.

Dahil hindi naman lahat ng bagay na gusto mo ay makukuha mo. Hindi lahat ng bagay na gusto mong makamit ay maabot mo. Hindi lahat ng bagay ay para sayo.

Minsan ko na rin natanong sa sarili ko kung bakit kailangan pang dumilim, na kung bakit kailangan pang lumubog ng araw, na kung bakit didilim tas maya maya lang ay babalik ito para lang mag bigay ng liwanag. Bakit hindi nalang puro liwanag diba?

Pero dahil sa sarili ko, nasagot ko ang mga tanong na yan. Na hindi naman talaga lumulubog ang araw dahil ang mundo mismo ang tumatalikod sa araw.

Pero kahit na tumalikod man sayo ang lahat, na kahit talikuran ka na rin ng mundo. May isang 'Siya', na kailan man ay hindi ka tatalikuran.

Pag may problema tayo, wag tayong mainis o magalit. Dahil yun yung way ni God para turuan, samahan at itama nya tayo sa mga ginagawa natin. Lahat naman ng tao ay may problema o may pinagdadaanan. Yung iba magaling lang talagang magtago.

Natauhan lang ako ng marinig ko ang mga palakpak na nagmula sa loob ng simbahan, hudyat na tapos na ang misa. Agad akong naghanda bago lumabas ang mga tao.

Napangiti naman ako ng may bumili sakin. Patuloy ako sa pagbebenta at pagtanggap ng bayad. Maya maya lang ay konti nalang ang tao at ubos na rin ang paninda ko.

Naglakad ako papasok sa loob ng simbahan hanggang makarating sa upuan na malapit sa altar.

Lumuhod ako at pinagsaklop ang mga kamay tsaka yumuko. Matapos magdasal ay umupo muna ko don para magpahinga.

Gusto kong maiyak dahil ramdam ko ang pag ginhawa ng puso ko. Alam mo yon? Yung pagkagising mo sa umaga, problema na agad yung bumungad sayo, yung sakit na agad ang naramdaman mo, pilit na pinipigilan ang mga luha para lang masabi mo sa sarili mo na malakas ka, kahit hindi naman talaga.

Pero isang dasal, nawala lahat. Gumaan ulit ang loob mo. Yung feeling na gusto mo ng sumuko pero nung nasabi mo na kay God lahat ng problema mo, parang nagkaroon ka ng lakas para lumaban ulit.

Para magpatuloy ulit.

Sa tuwing natatapos akong magtinda ng sampaguita, dito ko lagi dumidiretso. Minsan naman ay umaattend pa ng misa. Dito sa tahanan na to ako lagi nagkukwento ng mga problema ko, dito ako lagi humihingi ng tulong pag di ko na kaya, pag sumusuko na ko, na kapag wala na kong lakas para bumangon ulit. Dahil sa bahay, wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko.

Saksi si God sa bawat luhang pumapatak sa mga mata ko. Saksi si God kung ano ano ang mga paghihirap na pinagdaanan ko. Pero kahit na pinaparanas nya sakin yon, hindi ako nagalit sa kanya. Sa totoo lang, pinagpapasalamat ko pa.

Hindi ko namalayan na tumulo na ang luha sa pisngi ko. Nakangiti ko iyon na pinunasan tsaka tumayo upang lumabas na.

Napatingin ako sa lalaking nakaluhod at nagdadasal. Kitang kita ko sa mukha nya ang mga gustong sabihin. Napaiwas ako ng tingin dahil dumilat ang mga mata nya at nakakunot noo syang napatingin sakin.

Hindi ko naman inaakala na mararamdaman nya ko! Kahiya.

Mabilis akong naglakad palabas dahil sa kahihiyan na naramdaman ko.

Pagbalik sa bahay ay nakahinga ako ng maluwag dahil wala pa ang tatay ko. Umupo ako at nilapag lahat sa lamesa ang napagbentahan. Hindi ko maiwasang mapangiti matapos bilangin yon.

"May pambili na tayo ng kakainin, tay.." bulong ko.

Tumayo ako tsaka dumiretso sa tulugan ko. Nang makahiga doon ko lang naramdaman ang pagod at sakit ng katawan. Hindi ko namalayan na nakatulog ako.

Nagising ako sa isang malakas na tunog.

"Tangina! Talo nanaman!" sigaw ni tatay.

Napatingin ako sa lapag dahil may mga bubog. Nagising ang diwa ko ng mag basag nanaman siya ng isa pang baso.

"Ano?! May kita ka ba ngayon?! Akin na!" sigaw niya sakin.

Ramdam ko ang ngatog ng tuhod ko habang tumatayo. Mabilis kong kinuha sa damitan ko ang pera at binigay sa kanya. Pahablot niya yon na kinuha sakin.

"Eto lang?!!" nagtatakang tanong niya.

Takot naman akong tumango at napayuko. Pero mabilis akong napaluha ng maramdam ko ang palad niya sa pisngi ko.

Sinampal niya ko.

"Bakit eto lang?!! Wala kang kwenta! Manang mana ka sa ina mo!"

Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sobrang sakit. Hindi ko inangat ang ulo ko para tignan siya.

"Wala kang kwenta! Siguro lumalandi ka lang!" galit na sabi niya sakin.

Doon napaangat ang ulo ko, "H-Hindi po, naubos po ang paninda ko at yan lang po ang n-napagbentahan.."

Kita ko ang galit sa mga mata niya.

"Sana ay gumawa ka ng paraan! Wala kang silbi!" sabi tsaka ko hinawi ng malakas kaya natumba ko.

Napangiwi ako sa sakit.

Naramdaman kong may tumamang barya sa katawan ko, "Ayan! Magluto ka ng kakainin mo!"

Pag tapos non ay lumabas siya ng bahay. Habang ako ay nasa sahig parin dahil sa sakit.


There's A Rainbow Always After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon