"San ba kase tayo pupunta? Bat kailangan may takip pa ang mga mata ko?" tanong ko.Narinig ko ang tawa niya, "Basta, secret muna."
Napailing nalang ako dahil yan ang laging sinasagot niya. Nakailang tanong na ko pero ayaw niya talagang sabihin.
Pagkagising ko kanina ay agad niya kong pinaligo. Mag ayos daw ako. Tinanong ko kung bakit pero ngiti lang ang natatanggap ko. Wala akong nagawa kundi sumunod sa utos niya dahil tinutulak niya ko papasok sa banyo.
Naging mahaba ang biyahe kaya mas lalo akong nacucurious kung san ba niya ko dadalin. Nakakainis dahil itim lang ang nakikita ko.
"Nandito na tayo!!" deklara niya.
Tatanggalin ko na sana ang panyo sa mga mata ko pero agad nyang pinigilan ang kamy ko.
"Wait lang! Wag excited," natatawang sabi niya.
Napailing nalang ako.
Narinig ko ang tunog ng pagsara ng pinto at maya maya lang narinig ko namang bumukas ang pinto sa gilid ko.
"Let's go," sabi niya tsaka hinawakan ang kamay ko.
"Hindi ko pa ba pwedeng tanggalin??"
"Not yet, baby."
Inalalayan nya ang ulo ko para hindi ako mauntog. Nang makababa ay inayos ko ang dress na suot ko.
Sa totoo lang, hindi naman talaga ko nagdedress pero kinulit niya ko ng kinulit kanina. Wala nanaman akong nagawa kundi ang pumayag. Gusto niya daw kase na partner kami. Nakawhite long sleeve siya at jeans. Habang ako naman ay sleeveless na white dress.
"Walk, dahan dahan lang," utos niya.
Sumunod naman ako. Hinawakan kong mabuti ang kamay nya dahil baka mamaya madapa pa ko. Panay lang ang lakad ko dahil wala pa syang sinasabi na tumigil. At hanngang ngayon hindi parin nya inaalis ang piring ko.
"Ok, wait." Binitawan niya ang kamay ko.
Agad naman akong kinabahan, "San ka pupunta??"
"Sa likod mo. Tatanggalin ko na yung piring mo, pero kung ayaw mo namang tanggalin edi sige. Maglakad ka ng--"
"Tanggalin mo na. Dami mong sinasabi eh!" singhal ko.
Narinig ko syang tumawa bago pumunta sa likuran ko. Naramdaman ko ang unti unting pag luwag ng tali sa mukha ko hanggang sa matanggal ng tuluyan. Pumikit muna ko dahil masyado akong nasanay sa dilim.
Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko. Umawang ang mga labi ko sa bumungad sakin. Hindi ko alam kung ano ang una kong titignan.
"Wow..." namamanghang sabi ko.
Umaalon ang puso ko sa sobrang saya. Para kong bumalik ulit sa sinaunang panahon.
"Nasa Intramuros tayo.." sabi niya.
Lumingon ako sa kanya tsaka siya niyakap. Mas lalong humigpit ang yakap ko dahil gumanti siya.
"Isa to sa mga gusto kong puntahan!! Thank you!!" masayang bulong ko.
Habang yakap ko siya ay pinagmasdan ko ang bawat tanawin. Hindi ako makapaniwala na nandito na ko ngayon. Sobrang dream come true!
"I love you." Bulong niya.
Natigilan ako. Parang lumulutang ang puso ko sa sinabi niya.
"I love you too." sagot ko.
Humiwalay siya sa yakap tsaka hinawakan ang kamay ko, "Let's go.."

BINABASA MO ANG
There's A Rainbow Always After The Rain
Non-Fiction"Life is never called life without problems.." Kahit na mahirap at masakit ang dinadanas ni Eliana sa araw araw ay hindi siya sumuko. Kahit na sa sariling ama pa niya ito nararanasan ay hindi niya ito iniwan. Ang akala ni Eliana ay puro lungkot nal...