Saktong pagharap ko sa pinto ng bahay ay isang malakas na sampal ang sumalubong sakin. Hindi ko alam kung ano ang kinapitan ko para lang hindi ako matumba. Ramdam ko ang biglang pagkahilo at sakit ng ulo ko."Sana bago ka lumandi! Nag iwan ka muna ng kakainin ko! Walang hiya ka! Balak mo pa kong gutumin!"
Hindi pa nakakabawi naunang sampal ay naramdaman ko nanaman ang mabigat na palad ni tatay sa kabilang pisngi ko. Agad akong natumba.
"Napakalandi mo talaga! Manang mana ka sa nanay mo!!" sigaw niya sakin.
Napaiyak ko lalo ng hawakan niya ang buhok ko tsaka ako kinaladkad papasok ng bahay. Nang makapasok ay basta nalang nya kong binato.
"Mag hapon kang wala! Hindi mo man lang ako naisip!"
Galit na galit ang mga mata niya habang nakatingin sakin. Patuloy ang pagtulo ng luha ko. Pero hindi ko yon magawang punasan dahil namimilipit ako sa sakit.
Gusto kong mag makaawa sa kanya. Gusto kong lumuhod sa harapan niya para lang sabihin na tama na. Na hindi ko na kaya at sobrang sakit na.
Pero malaking katarantaduhan kung gagawin ko yon dahil alam kong hindi siya makikinig sakin. Lalo na't ang nakikita ko lang sa kanya ngayon ay galit at lasing pa.
Tay...
Pinilit kong gumapang para lang makalayo sa kanya. Pero ganon siya kabilis na makalapit sakin at hinawakan ang buhok ko para itingala ang mukha ko tsaka muli nanamang sinampal.
Tila namanhid ang mukha ko sa ginawa niya. Mas lalong sumakit ang ulo ko.
"Dapat lang sayo! Bakit hindi ka nalang sumama sa nanay mo!"
Nag angat ako ng tingin sa kanya. Patuloy parin sa pagtulo ang luha ko.
"S-Sana nga...sana nga sumama nalang ako kay nanay.." sagot ko.
Natawa siya sagot ko at parang mas lalo ko pang nagalit. Malakas nyang sinipa ang tiyan ko. Agad akong napahiyaw sa sakit at namaluktot. Halos mag abot ang baba at tuhod ko dahil pagkabalutot.
"Sumasagot ka pa talaga! Hindi mo na ko ginalang!"
Hindi ko alam kung anong parte ng katawan ko ang hahawakan at tatakpan. Dahil buong katawan ko naman ay masakit.
Parang pinipiga ang puso ko habang nakatingin sa tatay ko. Wala akong makitang awa sa kanya. Wala akong makitang kahit konting pagsisisi.
Tama na.
Hindi ko na kaya.
"B-Bakit hindi mo nalang ako patayin, Tay?" umiiyak na tanong ko.
Bakit kailangan pahirapan pa niya ko? Bakit kailangan bawat araw pa niya kong saktan? Bakit hindi nalang niya ko agad patayin? Para naman isang sakit nalang.
Hindi siya nakasagot.
Pinilit kong bumangon kahit sumasakit ang ulo ko.
"T-Tutal lagi mo naman akong s-sinasaktan eh...patayin mo nalang po ako.."
Patuloy na sumisikip ang dibdib ko. Parang may nakaharang dito at pinipigilan akong huminga.
Pero eto na e, sinimulan ko na.
"Tay...bakit nyo po ginagawa s-sakin to? Bakit nyo po ko sinasaktan?...A-Ano po ang nagawa kong m-mali para gawin n-nyo sakin to?.."
Ilang beses ko ng tinanong ang sarili ko kung bakit niya ginagawa sakin to. Kada matutulog at gigising yun lang ang laging tanong na pumapasok sa isip ko. Na bakit? Ano ang nagawa kong kasalanan?
"Manahimik ka Eliana!" sigaw niya.
Pero umiling ako, "Tay tao po ako...h-hindi po ako hayop at mas lalong hindi po ako bagay na basta basta nyo lang tinatapon kung saan...tay kilala nyo pa po ba ko?"
Umiwas siya ng tingin. Huminga ko ng malalim.
"A-Anak nyo po ko..." humihikbing sabi ko.
Kase baka nakalimutan na niya eh. Kase baka hindi niya alam na may anak siya. Baka akala niya ibang tao ako.
"G-Gusto kong magalit sayo tay...pero hindi ko magawa," iling ko at pinilit inalis ang mga luha. "M-Mahal ko po kayo eh...kase tatay po kita...Alam mo po ba kung anong m-meron kahapon?"
Hindi parin niya tinitignan. Kita ko ang bawat taas ng baba ng dibdib niya. Parang may bato sa puso ko nakadagan. Nahihirapan akong magsalita at huminga. Pinilit kong kinalma ang sarili.
"Birthday ko tay kahapon..." hikbi ko, "Isa lang ang hiniling ko tay...n-na sana...maging masaya ko kahit sa kaarawan ko lang. Hindi mo man lang ako nagawang batiin dahil pag dilat palang ng m-mga mata ko...g-galit mo na agad ang sumalubong sakin..."
Panay ang paghikbi ko.
"Tumigil ka Eliana, wag mo kong artehan." Mariin na sabi niya.
Napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi niya. Naramdaman kong umalis siya sa harapan ko. Nagulat pa ko ng biglang lumagabog ang pinto dahil sa pag sara nito.
Napabuntong hininga ko tsaka humiga sa sahig dahil hindi ko na magawang tumayo pa. Wala na kong lakas. Ubos na ubos. Walang natira.
Nakatingin lang ako sa kisame habang patuloy na bumagbagsak ang mga luha sa mata ko. Hinayaan ko yon na tumulo ng tumuluho. Sana sa bawat pag tulo ng luha ko, nababawasan ang sakit na nararamdaman ko.
Pero hindi.
Kanina lang ay ang saya saya ko pa. Kanina lang ay hindi mabura sa mga labi ko ang ngiti. Pero bakit ang bilis namang mawala?
Totoo nga yung sabi na pag tapos mong sumaya, may kapalit agad yon na lungkot. Pero yung sakin hindi lungkot kundi sakit. Sakit sa labas at sakit sa loob.
Napakadaya.
Pano kung hindi ako dumating sa buhay ng tatay ko? Magiging masaya kaya siya? Magiging maganda kaya ang buhay niya?
Bawat araw ay pinipilit ko na wag umiyak, pero wala akong magawa dahil kusa yon na pumapatak.
Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi tsaka pilit na bumangon. Napahawak ako sa ulo dahil parang biglang umikot ang paligid ko.
Tinignan ko sa salamin ang mukha ko. May konting dugo sa putok kong labi at namumula ang magkabilang pisngi ko. Kumuha ko ng bulak at betadine para gamutin ang sugat na nasa labi ko.
Matapos non ay pumunta ko sa higaan. Nang makahiga naramdaman ko ang lahat ng sakit at pagod.
Sabi nga nila, ang buhay daw ay parang laro. Pag natalo ka sa level na yon ay babalik ka ulit sa simula pero kailangan mong mag isip ng ibang paraan para makaalis sa level kung saan ka natalo. Pero siguradong wala ng talo pag nakuha mo na ang buhay na para sayo at ang nawala sayo.
Kung ganon, nagsisimula palang pala ang laro.
BINABASA MO ANG
There's A Rainbow Always After The Rain
Nonfiksi"Life is never called life without problems.." Kahit na mahirap at masakit ang dinadanas ni Eliana sa araw araw ay hindi siya sumuko. Kahit na sa sariling ama pa niya ito nararanasan ay hindi niya ito iniwan. Ang akala ni Eliana ay puro lungkot nal...