Hi! This is the final chapter (kabanata) Thank you for letting me share my thoughts! I appreciate it more than you'll ever know. Sorry for all the typos and errors.
---------------
Kabanata 19
Life goes on and on...
Tama nga, pag tapos ng saya ay may kapalit agad itong lungkot...sakit.
Sana nananaginip nalang ako. Sana sandali lang to. Sana matapos ang problema sa buhay ko. Kase ano bang naging kasalanan ko para maranasan ko ang lahat ng to?
Sobrang sakit isipin na gigising ako para lang makaramdam ng sakit. Paulit ulit. At mas lalo pang lumalala. Sobrang nagsisisi ako na hindi ko sinabi agad ang mga nangyayare sakin.
Basta gumising nalang ako isang araw na nakahiga na ko sa hospital bed. Sobrang sakit ng ulo. Mas lalo pang dumami ang mga pasa ko.
Agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko ng may biglang pumasok.
Hindi ko na magawang kumilos ng maayos dahil kapag kumikilos ako ay nararamdaman ko ang sakit.
"Anong masakit sayo?" tanong niya ng nakangiti.
Pero alam ko naman na pagod na din siya. Alam ko naman na gusto na din nyang sumuko. Kahit nakangiti pa siya hindi matatago ng mga mata niya ang pagod.
Umiling ako.
Ayokong sabihin na lahat masakit. Ayokong sabihin na ang sakit sakit na ng puso ko.
Ayokong sumuko.
Hindi ko pa kaya. Hindi ko pang kayang iwan ang mga mahal ko. Gusto ko pang makita na lumaki ang anak ko. Gusto ko pang makita na pumasok siya sa school. Gusto ko pang masaksihan ang bawat kaarawan sa buhay niya. Gusto ko pang makita kung pano mag mahal ang anak ko.
Pero sobrang daya. Napakadaya ng pagkakataon at panahon.
Ayoko pang sumuko pero yung katawan ko na mismo ang sumisigaw ng pagsuko. Leukemia ang kalaban ko sa araw araw.
Pero hanggat kaya ko pa hindi ako susuko.
Mabilis naman akong nalunasan, theraphy at kung ano ano pa. Sobrang saya ko non dahil three months after the operation naging successful naman daw...pero hindi ako pinauwi dahil kailangan pa daw na obserbahan.
Hindi parin ako nakaalis sa hospital.
Bawat araw ay nasa tabi ko si Lucifer para alagaan ko. Minsan naman dinadala niya si Lianna sakin. Kapag nakikita ko ang anak ko kahit papaano ay nadadagdagan ang lakas ko.
Kay Lucifer at Lianna nalang ako kumukuha ng lakas. Nagkakaroon ako ng dahilan para lumaban.
Pero siguro nga, ganon talaga ang buhay. Hindi natin alam ang mangyayare, hindi natin hawak ito. At heneram lang din naman natin ito sa Kanya.
Isang araw na pagbisita sakin ni Lucifer ay inaya ko siya na magpakasal na. Nagulat sya sa desisyon ko. Pero agad din syang pumayag at inayos lahat ng kailangang ayusin.
Gustuhin ko man na sa simbahan ikasal, ay hindi pwede dahil hindi na kaya ng katawan ko. Ayos lang sakin na sa hospital kami ikasal basta sa kanya ko ikakasal.
Mga malapit na kamag anak lang ang nandito sa kwarto upang saksihan ang pag iisang dibdib namin ni Lucifer.
"Eliana..." tawag niya habang hawak ang kamay ko. Nakatingala ako sa kanya.
Sobrang gwapo niya sa araw na to. Hinding hindi ko makakalimutan ang mukha niya.
Hinding hindi.

BINABASA MO ANG
There's A Rainbow Always After The Rain
Non-Fiction"Life is never called life without problems.." Kahit na mahirap at masakit ang dinadanas ni Eliana sa araw araw ay hindi siya sumuko. Kahit na sa sariling ama pa niya ito nararanasan ay hindi niya ito iniwan. Ang akala ni Eliana ay puro lungkot nal...