Kabanata 7

2 2 0
                                    


"Daddy, dalin mo yung cake!!" utos ni Lucifer sa daddy niya.

Agad ko syang pinalo sa braso tsaka tumingin sa daddy niya.

"Ako na po ang magdadala," ngiti ko tsaka kinuha ang cake na nasa upuan.

Pero ilang segundo ko palang nabitbit agad na kinuha sakin ni Lucifer yon.

"Ako na," nguso niya.

Natawa naman ako.

Naunang maglakad ang Daddy at Mommy niya palabas ng simbahan. Kaming dalawa ay sabay na naglakad.

"Baliw ka, nakakahiya.." sabi ko habang palabas kami ng simbahan.

Napatingin siya sakin, "Bat naman? Tsaka gusto ka din nilang makilala,"

"Bakit naman nila alam na nageexist ako?"

"Basta," iwas niya ng tingin.

May itatanong pa sana ko pero napatingin ako sa kotse na huminto sa harapan namin. Binuksan ni Lucifer ang pinto sa likuran.

"Get in," lingon niya sakin.

Tumango naman ako at sumakay sa kotse. Napatingin ako sa front seat, ngumiti sakin ang mommy nya.

"Usod, baby" sabi niya.

Agad naman akong umusod sa kabilang side para makaupo siya.

Hindi maprocess sa utak ko ang lahat ng nangyayare, pero wala akong maramdamang iba kundi saya. Siguro mamaya ko nalang poproblemahin ang mga problema, pag uwi ko.

Sure naman akong, galit nanaman sakin si tatay.

Napapikit ako ng maramdam ko ang  biglang sakit ng ulo. Marahan kong sinampal ang pareho kong pisngi para magising. Napatingin ako sa labas ng bintana dahil sa ganda ng tanawin.

"Inaantok ka?" rinig kong tanong ng katabi ko.

Napalingon naman ako sa kanya, "Ah medyo, pero okay lang..kaya pa naman,"

Umusod siya sakin tsaka tinapik ang balikat niya.

"Here, tulog ka muna. Gisingin nalang kita pag nasa pupuntahan na tayo," ngiti niya.

Iiling na sana ko kaso napahikab nanaman ako. Natawa siya at hinawakan ang ulo ko para ihiga sa balikat nkya. Napahinga ko ng maluwag dahil sa ginawa niya.

Nakaramdam ako ng pahinga.

Gumaan ang puso ko na sa bawat araw ay sobrang bigat.

Hindi ko inaakala na sa kanya ko lang pala mararamdaman ang pahinga sa nakakapagod na mundo.

Sana ganito nalang lagi. Sana ganito nalang lagi ang puso ko. Payapa.

Nagising ako sa isang mahinang tapik sa pisngi ko.

"Baby...wake up, we're here na,"

Dahan dahan akong napadilat at kinusot ang mga mata tsaka umupo ng maayos.

"Ayoko sana kitang gisingin kase mukhang ang himbing ng tulog mo, kaso gusto ko rin makita mo kung gano kaganda ang lugar dito," ngiti niya.

Napalingon ako sa sinabi niya, "Ayos lang, sapat na yon,"

Tumango naman siya. Nagulat ako ng ayusin niya ang buhok ko. Inangat ko din ang kamay ko para ayusin yon dahil feeling ko mukha akong bruha.

Napatingin ako sa harapan.

"Nasan sila?" tanong ko.

"Nauna nang bumaba,"

Nakakahiya dahil mukhang hinintay pa ko ni Lucifer na gumising! Kanina pa ba kami nakarating dito? Kanina pa ba sila gising? Nakakahiya!

There's A Rainbow Always After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon