Kabanata 12

3 3 0
                                    


"Eliana..."

Natigilan ako sa paglalakad tsaka napaharap sa likuran ko. Agad akong napangiti ng makita siya.

"Nay!!!" sinalubong ko siya ng yakap.

Humiwalay ako sa yakap at muli syang hinarap. Nakangiti niya kong pinagmasdan at inalis ang buhok na nasa mukha ko.

"Gusto mo bang pumunta sa park??" tanong niya.

Bigla naman akong nabuhayan sa sinabi niya at tumango ng tumango. "Opo, nay!!!"

Nakangiti nyang hinawakan ang kamay ko tsaka kami naglakad papunta sa park. Pag dating ay agad akong tumakbo sa fountain at umikot ikot upang damhin ang simoy ng hangin.

Hindi mainit ngayon. Makulimlim ang paligid pero mukha namang hindi uulan. Napatingin ako kay nanay na nakangiti akong pinagmamasdan.

Kakaway na sana ko pero agad syang nawala.

Agad akong napabangon sa pagkakahiga. Napahawak ako sa dibdib dahil nahihirapan akong huminga. Hindi ko alam kung bakit para kong tumakbo ng sobrang layo dahil sa sobrang hingal.

Napapikit ako ng biglang lumiwanag sa may bandang paanan ko. Tinakpan ko ng braso ko ang mata para hindi masilaw sa isang liwanag.

Nang medyo nawala ang liwanag ay dahan dahan kong binaba ang braso upang tignan kung anong meron don. Ganon na lang ang pag awang ng mga labi ko dahil sa nakita.

"Eliana...anak," ngiti niya sakin.

Pumikit ako at dumilat ulit dahil baka namamalik mata lang ako. Pero hindi. Nandon parin siya.

"Nay!!!" Agad kong tinanggal ang kumot na nakatabon sakin tsaka bumaba ng kama at tumakbo palapit sa kanya.

Nilahad niya ang kamay upang salabungin ako ng yakap. Agad na tumulo ang luha ko dahil sa sobrang higpit ng yakap niya.

Nakaramdam ako ng kapayapaan sa puso ko.

Sobrang miss na miss ko na ang nanay ko.

Humiwalay siya sa yakap tsaka ko tinignan ng mabuti. Inangat niya ang kamay upang punasan ang luhang patuloy na tumutulo.

"Ang laki laki mo na Eliana..."

Napapikit ako ng parehong kamay na niya ang humawak sa mukha ko. Dinama ko ang bawat dampi ng kamay niya.

Nay....

"Sobrang proud na proud ako sayo anak. Sobrang swerte ko na naging anak kita Eliana..." ngiti niya.

Hindi ako nagsalita. Nakinig lamang ako sa sinasabi niya.

"Eliana...anak, lagi mong tatandaan na nasa tabi mo lang ako para gabayan at suportahan ka sa bawat ginagawa mo."

Tumango ako.

"Wag na wag kang susuko kahit na anong mangyari. Lagi mong tatagan ang loob mo."

"Nay, sasama nalang po ako sayo...please," sabi ko.

Nakangiting syang umiling sakin.

"Hindi pwede Eliana, meron pang naghihintay sayo. Hindi mo pa oras.."

"Ayoko na pong bumalik n-nay...dito nalang po ako--"

"Baby..."

Natigilan ako ng marinig ang boses na yon. Hinanap ko kung saan nagmumula. Tinignan ko ang loob ng kwarto, pero wala ng ibang tao bukod samin ni nanay.

Napatingin ako kay nanay, nakangiti siya sakin at kinuha ang kamay ko.

"May naghihintay sayo anak..."

"A-Ayoko na po kay tatay nay..." iyak ko.

Marahan nyang piniga ang kamay ko, "Eliana...makinig ka sakin," hinawakan niya ulit ang pisngi ko, "Kahit anong mangyare ay tatay mo parin siya. Kahit panong gawin mo ay hindi mapapalitan yon. Oo, marami syang nagawang mali sayo pero wag na wag kang magtatanim ng galit dyan sa puso mo...lagi mong iisipin na siya ang nagpalaki at nag alaga sayo."

Umagos nanaman ang luha ko sa sinabi niya. Pinunasan niya yon.

"Please wake up..."

Napakunot ang noo ko dahil narinig ko nanaman ang boses niya.

"Eliana, always remember that the hardest dream is the one that you can't begin. Those losses were just your stepping stone. There is a bright future ahead. Bago ka magbitiw ng salita, isipin mo munang mabuti ang desisyon, milyong beses mo munang pag isipan. Wag pairalin ang inis o galit.." ngiti niya.

"Ang dami ko pang gustong gawin para mapasaya ka, Eliana...please wake up,"

"Everything happens for a reason, Eliana..." dahan dahan nyang binaba ang kamay nasa pisngi ko tsaka lumayo sakin.

"Nay..."

"Marami pang mangyayare, marami ka pang dapat harapin..kayo. Ienjoy mo ang bawat araw. Wag na wag kang susuko. Mahal na mahal kita anak...pakisabi na rin sa tatay mo na miss na miss ko na siya. Wag kang mag alala, dahil muli tayong magkikita. Bumalik ka na, Eliana.."

Napatakip ulit ako ng muling lumiwanag. Napaatras pa ko dahil hindi ko kinaya ang liwanag non. Maya maya lang ay nawala na ang liwanag. Dahan dahan kong inalis ang braso sa mata.

Wala na si nanay.

Mapait akong napangiti bago tumango.

"Gagawin ko po ang sinabi nyo nay.." bulong ko.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata pero agad ulit napapikit dahil sa liwanag na sumalubong sakin dahil sa ilaw.

"E-Eliana.." rinig kong tawag ng nasa gilid ko.

Hindi ko sya nagawang lingunin agad dahil hindi pa napaprocess sa utak ko ang nangyayare. Pero naramdaman ko ang mabilis nyang pagtayo at lumabas ng kwarto. Maya maya lang ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang doctor at isang nurse.

Lumapit sila sakin upang tignan ang kalagayan ko. Kung ano ano pa ang ginawa nila sakin. Pagtapos non ay humarap sila sa parents ni Lucifer upang mag usap.

Habang si Lucifer naman ay hindi inalis ang tingin sakin habang hinila ang upuan at tinabi yon sa side ko tsaka umupo.

"Eliana..." mahinang tawag niya.

Ngumiti ako sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko tsaka iyon hinawakan at marahan pinaglaruan. Napakunot ang noo ko ng makita kong mangilid ang luha sa mga mata niya.

"S-Sorry...hindi ko alam na ganon pala ang ginagawa sayo ng tatay mo," kita ko sa mukha niya ang galit pero pilit na pinapakalma ang sarili.

Umiling ako at hinawakan din ang kamay niya, "Wala kang kasalanan, talagang hindi mo alam dahil hindi ko naman kinukwento sayo,"

Inabot ko ang mukha niya ay pinunasan ang luhang tumulo.

"Sa totoo lang, ako ang dapat mag sorry. Puro nalang problema ang binibigay ko say--"

"No, that's not true, baby.." iling niya at mas lalong lumapit sakin para abutin ang mukha ko.

Napabuntong hininga ko. "Thank you, kase dumating ka...akala ko walang tutulong sakin sa mga oras na yon, pero mabait Sya sakin..binigyan nya ko ng pag asa...at ikaw yon," ngiti ko.

Akala ko wala na kong pag asa. Hindi ko na magawang lumaban sa mga oras na yon. Akala ko katapusan ko na. Pagod na pagod na ko. Pero nung makita ko sya, doon ko narealize na kailangan ko pa palang lumaban.

May dahil pa pala para lumaban ulit.




There's A Rainbow Always After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon