Kabanata 1

19.3K 743 549
                                    

Kabanata 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 1

Siya si Thayana Alcante

Kasalukuyang Panahon

***

"Turon! Turon kayo diyan!" sigaw ko sa mga bahay-bahay na dinadaanan ko. Kanina pa ako naglalako ng paninda kong turon. Kaunti pa lang ang bumibili kaya natatakot ako na baka masayang lang 'tong mga turon na ginawa namin ni Tita Rita. Hindi naman ako puwedeng pumasok sa mga subdivision malapit dito sa barangay namin kasi masyadong mahigpit ang mga guwardiya ro'n.

Nagpahinga muna ako sa tapat ng sari-sari store nina Shell, isa sa mga kaklase at kaibigan ko sa Hacopa National High School. Tagaktak na rin ang pawis ko dahil mula pang alas dose ako naglalako at alas tres na ngayon. Inilabas ko naman 'yong mga bente-benteng bills sa belt bag ko.

"20. 40. 60," pagbilang ko habang isa-isang tinutupi ang mga perang papel. Napaawang na lang ang bibig ko dahil 'di ako makapaniwala. Naka-60 Pesos lang ako ngayon? Kailangan ko pang maglako. Bakit ba kasi walang gustong magmeryenda ng turon? Ang sarap kaya ng turon ko.

Isusuksok ko na sana 'yong nabilang kong pera pero biglang may humablot niyon. "Hoy, takte! Magnanakaw! Magnanakaw!" matapang kong sigaw. Agad ko namang hinabol 'yong batang lalaking humablot ng pera ko. Kainis naman oh! Kung kailan kaunti nga lang 'yong benta ko saka pa may dudukot! Humanda ka sa akin.

Habang tumatakbo ako parang may nakalimutan yata ako. Ay, tae! Nalimutan ko 'yong bilao ng turon! Pabalik na ako sa sari-sari store nina Shell at saktong nakita kong lumabas siya ng bahay nila.

"Shell, bantayan mo lang 'yang turon ko ah," mabilis kong sabi, hingal na hingal din ako. Mukhang bagong gising pa siya. Buhaghag 'yong buhok ni Shell at nakasuot pa siya ng pajama. Hapon na siya nagising, ha.

"Ikaw ba 'yong sumisigaw ng magnanakaw?" tanong niya habang nagkakamot ng ulo.

"Oo, hahabulin ko pa. Sige, bantayan mo lang 'yan ah," sabi ko habang papalayo na sa kanya.

Itinuon ko muli ang paningin ko sa dinaanan ng batang humablot ng 60 Pesos ko pero hindi ko na siya maaninag. Wala ring bakas kung saan siya lumiko. Pag didiretsuhin ko 'tong street, lalabas na ako sa main road at marami na ro'ng jeep at tricycle. May mga eskinita rin sa gilid pero, ano, iisa-isahin ko ba 'tong mga 'to? Napalagutok na lang ako ng dila. Kainis!

Huminto ako sa katatakbo at napapadyak na lang sa sementadong daan. Wala man lang tumulong sa akin niisa. May mga tao na ring nagsisilabasan sa mga bahay nila. Napabuntung hininga ako at napapikit sa inis.

"Yana!" may humiyaw sa akin sa may 'di kalayuan kaya naidilat ko ang mga mata ko. Nakikita kong si Troy 'yon at papalapit siya sa akin. Nakasuot siya ng isang pulang v-neck shirt at isang jersey pants. Pawis na pawis din siya kaya baka katatapos niya lang maglaro ng basketball.

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon