Kabanata 18

2.4K 235 20
                                    

Kabanata 18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 18

Ang Ikalawang Hakbang ni Datu Akmad

***

Dinala na ni Bughaw si Amihan sa kanyang silid. Nagpatawag naman siya ng ilan pang babaylan dito sa barangay para tingnan ang kalagayan ni Amihan.

Pinatawag naman kami ulit ni Datu Langit sa kabisera ng kubo. Nagtipon-tipon muli kami at naka-ikot kami sa mababang mesang gawa sa kawayan. Nandito si Datu Langit, Dayang Ragat, Nitumbok, Kali, Makisig, Bughaw at ako. Sa palagay ko, may ibabalita na naman si Kali. May kakaiba rin kay Kali dahil kanina ko pa siya inoobserbahan. Aligaga siya, 'di mapakali, nagpapawis at namimilog ang mga mata niya.

"Ihayag mo na ang iyong nalaman, Kali," maotoridad na utos ni Datu Langit.

Bumigat ang hangin sa paligid at paisa-isang tumitimibok ang puso ko. Hinintay naming may ilabas si Kali sa kangyang bibig.

Umumbok ang kanyang lalamunan at nagsimula nang magsalita. "M-may bagong natuklasang kapangyarihan si D-Datu Akmad," nginig-labing utal ni Kali.

"Ano ... naman ... 'yon?" tanong ko habang marahang humihinga. Gumapang ang isang nakakikilabot na bagay sa aking likuran.

"Lalong lumakas si Datu Akmad dahil sa dagdag na hiwaga sa kanyang katawan," ani Kali, bakas sa kanyang mga mata ang takot at bahagyang dumahilig ang kanyang mga kilay.

"Maaari bang ipaliwanag mo nang mabuti upang kami'y maliwanagan," mahinahong utos ni Datu Langit.

Napaubo si Kali. "Aking naulinigan na kaya na niyang lumakbay sa iba't ibang panahon."

"Paanong iba't ibang panahon?" tanong ni Bughaw. "Nakakayanan din naman natin ang ganoon."

"Tama si Bughaw. Maaari bang ipaliwanag mo pa ito?" usisa ni Makisig, taimtim na siyang nakatutok kay Kali.

Bahagyang umawang ang bibig ni Kali at humigop nang hangin. "Tayo, tayong mga taong nakainom ng tubig-itim, ay kaya lamang makatawid sa panahon ng babaeng iyan," aniya at tinuro ako, nagpatuloy pa siya, "at sa panahon natin. Dalawang panahon lamang ang kaya nating tawirin. Ngunit, kaya na ni Datu Akmad tumawid sa iba't ibang panahon. Ako'y nauunawaan ba?"

Nagtagpo ang mga mata namin ni Bughaw. Seryoso ang kanyang mukha pero ang akin naman ay puno ng takot. Namawis bigla ang mga palad ko.

"Oo, nauunawaan," sagot ni Makisig na sinang-ayunan din ni Bughaw. Tumango naman sina Datu Langit at Nitumbok. Napahawak naman sa dibdib si Dayang Ragat, puno ng pag-aalala ang kanyang magandang mukha.

"So, ano 'yong nakuha mong balita tungkol do'n?" tanong ko.

"Aking nalaman na aayusin niya raw ang takbo ng panahon. Nais niyang magapi ang mga dayuhang kukubkob sa ating lupain. Nais niyang siya ang maghari. Nais niyang magpatuloy ang ating lahi," paliwanag ni Kali.

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon