Kabanata 4

6.1K 405 434
                                    

Kabanata 4

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 4

Panauhin

***

Narating namin ang isang pamayanang mga kubo ang bumalot sa buong paligid. Maraming tao rito at halos lahat ng lalaki ay nakabahag at nakatapis naman ang mga babae. May ilan ding naka-topless na babae at parang normal lang 'yon sa kanila. May mga tao ring may dala-dalang mga halaman at hayop. Nakangiti ang halos lahat ng nandito sa pamayanan kaya namamangha ako. Ganito pala ang 'itsura ng Pilipinas noon. Ganito pala 'yong mga nasa pictures sa mga history books. Parang pumasok din ako sa teleserye ni Marian Rivera na Amaya at parang sintulad din ito ng palabas ng Disney na Moana.

Mayamaya pa, isang napakalaking kubo ang nadatnan namin. May mga palapag pa 'yong kubo na 'yon at naaakyat 'yon gamit 'yong hagdang gawa sa kawayan. May mga pulang watawat din ang nakaladlad kung saan-saan. May mga malalaki ring banga ang naka-display sa labas ng kubo.

"Narito ka na sa aking tahanan, binibini," biglang wika ni Bughaw kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingala lang siya sa bubong ng kubong gawa sa mga tuyong halaman na parang dayami.

"I-ito ang bahay mo? Bakit ang laki naman?" taka kong tanong.

"Sinabi ko na sa iyo na anak ako ng isang Datu, hindi ba?" nakangiti niyang saad at humarap na siya sa akin.

So, may royal blood din itong si Bughaw? Ibig sabihin, si Troy gano'n din? Kaya pala ang weird niya kanina no'ng may nakakita sa amin sa dalampasigan. Kaya pala pilit niya akong pinayuko at pinalayo sa kanya dahil may dugong bughaw pala ang lalaking ito.

"Tila gulat na gulat ka yata, binibini?" tanong pa niya. Akma sana siyang lalapit pero may lumabas sa malaking kubo na 'yon. May maliit na entablado sa harap ng kubo at doon ito pumunta.

"Anak, sino iyang dilag na iyong kasama?" tanong ng matandang lalaki. Mahaba ang buhok niya at napakarami niyang tattoo sa katawan niya. May tela rin sa ulo niya na nakapulupot at may espada sa gilid ng bahag niya. Ang dami niya ring alahas tulad ng hikaw at kwintas na kulay ginto.

"Mahal na ama, siya po ang aking bagong alipin," magalang na sagot ni Bughaw.

Napapikit na lang ako at huminga nang malalim. Kailangan ko na lang patulan 'yong sinasabi niya dahil baka may kung ano pang mangyari sa akin dito. Napatungo ako at pinagsalikop ko ang mga kamay ko.

"Napakaganda ng iyong alipin aking anak. Hindi ba siya isang bayarang-"

"Hindi, ama. Alipin lamang po ang turing ko sa kanya at wala na pong iba," narinig kong pinutol ni Bughaw 'yong sasabihin ng tatay niya. So, ang mga alipin pala minsan parang sex slave kasi parang gustong sabihin ng Datu ay 'bayarang babae.' Hindi nga pala pantay ang karapatan ng mga babae dito sa panahong ito.

"Ikaw talaga'y lumaki nang mabuti, anak." Narinig ko 'yong mga yapak ng matandang lalaki hanggang sa makita ko 'yong paa niyang nasa tapat na ni Bughaw. "Mukhang maayos kong maipapamana ang barangay na ito sa iyo," aniya pa.

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon