Kabanata 14

2.8K 237 91
                                    

Kabanata 14

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 14

Unang Pagkikita

***

Tila may nagdi-disco kahit na tirik na tirik ang sikat ng araw dahil sa walang katapusang pagbukas ng napakaraming portal. Iniluwa niyon ang daan-daang nakabahag. Hindi ko akalaing napakarami pala ng Pangkat Hinaharap. Napako ako sa pwesto ko at may dumaloy na kuryente sa likod ko para mangilabot ako. Nilinga-linga ko sina Bughaw, Makisig at Shell. Mabibigat at malalalim ang paghinga nila.

Napalunok na lang ako ng laway nang biglang may bolang ilaw ang nabuo sa harap ko mismo. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako nasilaw niyon. Hindi na ako nakakilos. Naging monumento na lang ako sa kinatatayuan ko. Pero nawala ang takot na bumalot sa akin nang iniluwa niyon si Amihan.

Napahawak pa siya sa dibdib niya. "Tama nga ang aking kutob. Nasa panganib ka," hapong-hapo niyang sabi.

Bumalik ulit ako sa sarili ko at naalala 'yong plano namin ni Bughaw. Nailigtas na namin si Shell kaya kailangan na niyang bumalik sa present.

"Bughaw," tawag ko. "'Yong plano natin."

Tumango naman siya bilang pag sang-ayon. Hinawakan niya ang braso ni Shell at binuksan ang portal.

"Sorry, Shell. Basta, 'wag kayong mag-alala sa akin at sabihin mo kay Tita Rita na mahal na mahal ko siya. Paalam," mabilis kong sabi.

"Pero, Yana-" Naputol na niya ang sasabihin niya dahil tinulak na siya ni Bughaw paloob ng portal. Napahilamos ako ng mukha dahil masyado nang magulo ang buhay ko. Tapos ngayon, sinusugod na kami ng Pangkat Hinaharap.

Ang bibigat ng yabag nilang lahat kaya tila may libo-libong toro ang nagsisitakbuhan.

"Ako na ang bahala sa kanila. Tumakbo na kayo!" madiin na utos ni Amihan.

"Hindi maaari," 'di pagsang-ayon ni Bughaw.

"Ayaw ko rin," sabi ko.

"Ang titigas talaga ng ulo ninyo," sermon pa niya. "Bubukas na lamang ako ng tulay at pumasok na tayo agad bago pa nila tayo magapi."

Hindi na kami tumugon pa at hinayaan na lang si Amihan na buksan ang portal. Mabilis siyang gumuhit ng bilog sa hangin. Palapit na rin nang palapit ang Pangkat Hinaharap sa amin. Matatalim ang tingin nila sa amin, lalo na sa akin.

Nang mabuo na ang portal na ginawa ni Amihan, lumusot na kami ro'n.

***

Dinala kami ng portal sa tabi ng isang waterfalls. Nasasaksihan ko ang napakalakas na pagragasa ng tubig mula sa itaas. Dumadampi rin sa balat ko ang mga patak ng tubig mula roon.

Bumaling naman ang tingin ko sa mga kasama ko. Inaayos ni Amihan ang kanyang maitim na pambabaylang kasuotan. Mahaba ang telang iyon na abot sa kanyang bukung-bukong. Hinahagod naman ni Bughaw ang kanyang mahabang buhok palikod. Dinig ko ang paisa-isa naming hinga dahil na rin sa kaba naming nararamdaman.

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon