Kabanata 13

2.6K 242 70
                                    

Kabanata 13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 13

Piitan

***

"Takipsilim. Bughaw. Alam ko kung ano ang pakay ninyo rito at narito ako upang tulungan kayo," sabi ni Makisig.

Inilahad ni Makisig ang kanyang palad at taimtim kaming tinitigan na tila nagpapahiwatig na magtiwala kami sa kanya. Pinihit ko ang tingin kay Bughaw at napansing nakapikit lang siya habang nagtitiim ang kanyang panga. Walang pasintabi nang bigla na lang siyang gumapang palabas dito sa ilalim ng kubo. Sinundan ko na lang siya.

Nang makalabas kami, puro lupa na ang katawan namin ni Bughaw.

"Bakit mo nalaman na nandito kami?" nagtataka kong tanong habang pinapagpag ang katawan kong binalot ng lupa.

"Dahil kabilang ako sa Pangkat Hinaharap," seryoso niyang sambit.

Natigilan ako sa ginagawa ko. Parang kinubkob ako ng isang kakaibang kilabot sa aking katawan. Tila nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko dahil sa narinig ko.

Naalala ko bigla noong gabing nasa itaas ako ng puno at nakita ko siya na kausap 'yong isang lalaking may hiwa sa mukha. Totoo ngang parte siya ng Pangkat.

"Ngunit huwag kayong mag-alala," mabilis niyang sabi. "Hindi ako kasapi ng mga manghuhuli. Isa akong umalohokan ng Pangkat."

"Umalohok-ano?"

"Ako'y tagapagsalita't tagapagbalita."

"Akala ko mandirigma ka?"

"Paumanhin, ako'y nagsinungaling-"

Iwinagayway ko naman ang kamay ko para pahintuin siya sa pagpapatawad niya.

"O siya siya, apology accepted na. Nagmamadali kami. At saka, nasaan 'yong iba? 'Yong ibang Pangkat Hinaharap?" tanong ko habang nilibot ang paligid na puro bahay-kubo lang naman.

"Nasa isang salu-salo."

"Wala ka ro'n? At saka, bakit may salu-salo?"

"Hindi ako dumadalo sa mga ganoong bagay. At, ginawa nila iyon dahil nadakip nila ang iyong kaibigan."

"Okay," sabi ko sabay marahang tumango. "Speaking of kaibigan, nasaan si Shell? Alam mo kung nasaan siya?"

Tumango lang si Makisig.

"Pero," himas-babang wika ko. "Hindi ba ako nararamdaman ng Pagkat?"

"Nararamdaman ngunit dahil nakatuon ang kanilang pansin sa salu-salo, tila ang iyong diwa ay dumaang hangin lamang. Ngunit ako, dahil wala ako roon, ika'y agad kong naramdaman," paliwanag niya dahilan para umawang nang bahagya ang bibig ko. Napatango na rin ako.

Bigla namang hinawakan ni Bughaw ang braso ko kaya awtomatikong umikot ang ulo ko sa kanya.

"Binibini, tayo'y humayo na," seryoso niyang turan.

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon