Kabanata 2

8.3K 509 162
                                    

Kabanata 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 2

Ang Lalaking Nagmula sa Nakaraan

***

"Yana, okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Troy. Nakayakap lang ako sa kanya at nagsimulang tumulo ang luha ko.

Naramdaman ko na lang ding niyakap niya ako at hinimas-himas ang likod ko. Akala ko katapusan ko na kanina.

"Yana, ano bang nangyayari sa 'yo?" tanong pa niya.

Hindi ko na lang siya sinagot. Patuloy pa rin ako sa paghikbi habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"Iuuwi na lang kita," malambot niyang sabi. Kinalas niya ang sarili sa pagkakayakap sa 'kin at inalalayan ako sa paglalakad. May inabot naman siyang panyo sa akin para punasan ang luha ko.

Nakatungo lang ako sa lupa habang naglalakad kami hanggang sa marating na namin ang bahay ko.

"Tita!" hiyaw ni Troy kaya lumabas sa pinto si Tita Rita. Nang makita niya akong nanghihina at akay-akay ni troy, saglit siyang natigilan. Mababakas sa mukha niya ang pag-aalala. Agad niya akong nilapitan.

"Thayana, anak, ano'ng nangyari sa 'yo?" nag-aalala niyang tanong at mahigpit niya akong niyakap. "Bakit ka umiiyak? May nangyari ba? Sa'n ka ba nagpunta? Pinapapabili lang kita ng toyo, ah," sunud-sunod na tanong sa akin ni Tita. Hindi ko naman masagot kasi kinakabahan ako.

Inalis ni Tita ang pagkakayakap niya sa akin at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Thayana, ano ba'ng nangyari?"

Bigla namang ipinatong ni Troy 'yong palad niya sa braso ni Tita Rita kaya nagkatitigan sila. "Tita, pagpahingahin na lang po muna natin si Thayana," suhestiyon niya.

Mabilis na ikinawit ni Troy 'yong kamay niya sa baywang ko at inalalayan niya akong pumasok sa bahay. Nanginginig pa rin ang buo kong kalamnan. Napatitig na lang ako sa kanya at binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti.

Nakaramdam na lang ako ng init sa loob ng aking katawan. Nginitian ko na lang siya pabalik.

"Nandito lang ako," halos pabulong niyang sabi. Gumaan naman ang pakiramdam ko sa tatlong salitang inilabas ni Troy mula sa bibig niya. Hindi ko alam pero bigla na lang kumabog ulit ang puso ko. Inilayo ko na lang tingin ko sa kanya at tumungo na lang sa lupa.

Sa sala niya ako dinala at pinaupo sa kahoy naming sofa.

"Troy, hijo, salamat," sabi ni Tita kay Troy at tumabi siya sa akin. "Gusto mo bang magpahinga muna anak?" tanong naman sa akin ni Tita.

Tumango na lang ako.

"Hali ka, sa kwarto ka muna." Inalalayan ako ni Tita sa pagtayo at inihatid sa kwarto ko. Nang makahiga na ako sa kama, ipinatong niya sa akin ang isang malambot na kumot.

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon