Kabanata 12

2.8K 271 51
                                    

Kabanata 12

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 12

Balak

***

Pakurap-kurap kong minulat ang mga mata ko. Nasapo ko rin ang ulo ko dahil tila may sumuntok niyon. Naramdaman ko ring nakahiga ako sa isang malambot na kama at ang walang pinturang kisame ng kwarto ko ang bumati sa akin. Ngiwing ginala ng mata ko ang paligid. Walang tao rito pero naririnig kong may nag-uusap sa labas.

Bumangon ako sa kama habang hawak-hawak pa rin ang mainit at maumbok na bukol sa ulo ko. Napaungol din ako sa sakit na naramdaman. Inilapat ko na sa sahig ang mga paa ko at naglakad palabas ng kwartong ito.

Dumako ako sa salas at naroon sina Bughaw, Troy at Tita Rita, nakaupo. Sabay-sabay nilang pinihit ang ulo nila at nasa akin na ang atensyon nila. Mabilis din silang tumayo at lumapit sa akin si Bughaw.

"Binibini, maayos lang ba ang iyong pakiramdam?" nag-aalalang tanong niya. Ikinawit niya ang kanyang braso sa baywang ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Umiling naman ako. "H-hindi. Masakit ulo ko."

"Umupo ka muna." Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo na ako rito sa salas.

"Yana," tawag sa akin ni Troy. "Aware ka ba sa nangyari kaninang hapon?"

"Kaninang hapon? Ano'ng oras na ba?"

"Alas nwebe ng gabi, anak," sagot ni Tita.

"Bakit may bukol ako?" tanong ko pa habang banayad na hinimas-himas ang bukol sa ulo ko.

"Binibini, ika'y nauntog kanina. Tila nawalan ka ng kaluluwa dahil sa kaganapan na naangkin ng Pangkat Hinaharap ang iyong kaibigang si Shell," pahayag ni Bughaw.

Wala sa sarili akong napasinghap habang nanlalaki ang mga mata. Oo nga pala. May nangyari kanina. Naalala kong nagtatangis si Shell habang hinahatak siya ng Pangkat Hinaharap. Wala akong nagawa kundi panoorin lang siya dahil mahigpit na hinahawakan ni Bughaw ang braso ko. Wala akong nagawa hanggang sa hinigop si Shell at ang Pangkat Hinaharap ng mga bolang liwanag. Hindi ko naman namalayang may kumawalang patak ng luha galing sa aking mata.

Wala akong nagawa para iligtas siya.

Wala akong nagawa bilang kaibigan niya.

Wala. Wala.

At dahil iyon kay Bughaw.

Tinitigan ko si Bughaw nang mabuti. Nakaramdam ako nang pagbigat ng hangin at uminit ang aking pakiramdam. Tila may kung anong kalan ang nagpakulo sa aking dugo. Siya ang dahilan kung bakit nakuha si Shell.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at bumuwelo upang mahampas ko ang pisngi ni Bughaw. Nang dumapo 'yon sa mukha niya, tumilapon ang mukha niya. Bigla niyang sinapo ang namumula niyang pisngi. Bakat pa roon ang hubog ng kamay ko.

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon