Kabanata 10

3.2K 280 50
                                    

Kabanata 10

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 10

Bunyag

***

"Yana?" bungad na tanong sa akin ni Troy. Nanlalaki ang mga mata niya at tila hindi niya alam ang gagawin niya. Parang kauuwi niya lang din galing sa school.

Narito na kami sa bahay, kani-kanina lang kami dumating ni Bughaw, at pinaghahandaan na kami ni Tita Rita ng makakain. Nasa kusina siya ngayon habang kami naman ay nakaupo sa kahoy na sofa.

Agad namang ibinaba ni Troy ang bag niya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit kaya tila napipi ako. Masakit, Troy, tama na!

Pero na-miss ko 'yong gan'to. Na-miss ko 'yong amoy niyang pinaghalong pawis at pabangong panlalaki. Na-miss ko 'yong mukha niyang napakagwapo. Na-miss ko 'yong buong katauhan niya. Nakaramdam na lamang ako ng isang mainit awra sa buo kong katawan.

"Yana, okay ka lang? Ano'ng ginawa ng lalaking 'to sa 'yo?" Kinalas niya na ang sarili niya sa pagkakayakap at ipinatong niya ang dalawang palad niya sa balikat ko. Maramdamin siyang tumitig sa akin. Nanginginig pa ang mga talukap niya habang nakapako ang titig sa akin.

"Wala naman, Troy."

Umupo siya sa tabi ko at masamang tumingin kay Bughaw. "Hoy, Bughaw, bakit mo kinuha si Yana, ha?" pagtataas niya ng boses.

"Kapatid, dahil iyon ang ikabubuti ng iyong kaibigan. Ngunit, nagkamali ako dahil hindi pala siya ligtas sa aking panahon," paliwanag ni Bughaw.

"Dapat sinabi mo man lang sa 'kin na siya pala 'yong babaeng tinutukoy mo, Kuya!" singhal ni Troy.

"Kapatid, patawad. Lingid din sa aking kaalaman na siya pala ang babaeng pakay ko rito."

Pagalit na umismid si Troy at sa akin siya bumaling. "Wala ba talagang nangyari sa 'yo, Yana? Bakit ka bumalik?" nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako. "Wala, Troy. Okay ako at walang masamang nangyari kaya please, 'wag ka nang mag-alala," sabi ko at tipid na ngumiti. "Si Shell? Sa'n si Shell?"

Napabuntong-hininga siya. "Text ko lang." Inilabas niya 'yong cellphone niya at t-in-ext na si Shell. Dumating naman dito sa sala si Tita Rita na may dala-dalang tray ng tsitsirya, tinapay, prutas at turon.

"Meryenda muna," nakangiti niyang alok. Umupo naman si Tita sa isa pang upuan sa gilid namin. Malamlam niya akong tinitigan pero hindi mawala sa mukha niya ang nakapintang ngiti. "Anak, masaya ako kasi nandito ka na ulit."

Sinuklian ko na lang siya ng isang ngiti. Parang niyayakap ako ng hangin kaya pakiramdam ko, ligtas na ako sa poder ng mga mahal ko sa buhay.

"Sino naman ito? Hindi mo siya ipinakilala sa akin kanina dahil agad-agad kayong pumasok dito at ikaw lang ang napansin ko," sabi ni Tita Rita at tinitigan si Bughaw.

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon