Kabanata 11

3.2K 257 144
                                    

Kabanata 11

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 11

Pangkat Hinaharap

***

Isang linggo na ang lumipas at parang walang panganib ang nagbabadyang darating sa akin. Hindi man lang nagparamdam ang Pangkat Hinaharap sa amin. Hindi na rin muna ako pumasok sa school. Para na rin 'yon sa sarili kong kaligtasan dahil hindi naman pwede si Bughaw roon at lagi akong bantayan. Magtataka pa 'yong mga kaklase ko kung bakit ako may babysitter. At, baka agawin pa nila si Bughaw sa akin. Ayaw ko mangyari 'yon. Ang dami ko pa namang malalantod na schoolmates.

Dito na rin natutulog sa sala si Bughaw. Pinahiram siya ni Troy ng mga damit na malalaki at maluluwag para sa kanya. May mga damit din na sobrang sikip kay Bughaw kaya kitang-kita ang batak na batak niyang muscles.

Tumutulong rin si Bughaw sa mga gawaing-bahay kaya natutuwa naman si Tita dahil nagkaroon ng silbi si Bughaw rito. Minsan, sinasama ni Tita si Bughaw para i-offer ang mani-pedi services niya at dumarami ang gustong magpaayos ng kuko kay Tita dahil may kasama siyang poging nilalang. Hindi naman ako pwede magpaiwan kaya sumasama na rin ako sa kanila. Natatawa na lang ako kasi parang gulung-gulo si Bughaw sa mga nangyayari.

Ngayong Sabado ng tanghali, naghahanda naman kami para magbenta ng turon. Nagsisiyesta ngayon si Tita kaya kaming dalawa lang ni Bughaw ang gagawa't magluluto nito.

"Ito ba ang pagkaing pinatikim mo sa akin noon?" takang tanong ni Bughaw habang pinapanood ako magrolyo ng wrapper.

Nasa kusina kami ngayon. Hindi ko muna siya pinatulong dahil baka masira niya pa 'yong mga turon kaya hinayaan ko lang siyang panoorin ako.

"Ah, oo. Ito 'yon. Naaalala mo pa pala."

"Oo naman, Binibini. Napakasarap niyon. Tila bumabalik ang nakaraan kong panlasa. Natatandaan mo ba no'ng panahong iyon, ika'y nagalit dahil sinabi kong papalitan natin ng Tayana ang ngalan ng pagkaing iyan," nakangiting sabi niya. Tila may liwanag na tumapat sa mga ngipin niya kaya nagkislapan ang mga 'yon.

Bigla namang pumasok sa isipan ko ang alaalang iyon. Sinabi niya pa noon na gusto niya akong maalala tuwing kakainin niya 'yon kaya nagalit ako sa kanya. Ang bastos lang kasi no'n para sa akin. Para bang may hidden meaning pa siya at ayaw ko ng malaman pa kung ano 'yon.

Umirap na lang ako sa kanya. "Oo naalala ko. At, buburahin ko na rin 'yong nakakahiyang event na 'yon."

Hinimas-himas ko naman ang ulo ko at tila may dinukot na hangin. Ipinakita ko naman sa kanya ang nakapormang bola kong kamao. "Nakikita mo 'to? Ito 'yong alaalang 'yon. Itatapon ko na." Tila naging isang basketball player naman ako at kunwaring ni-shoot iyon sa basurahan. Winagwag-wagwag ko rin ang palad ko matapos gawin 'yon.

Natawa lang siya sa ginawa ko. "Nakatutuwa ka talagang pagmasdan, binibini," komento niya kaya parang may kakaibang kiliti ang dumaloy sa buo kong katawan.

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon