Kabanata 9

3.1K 294 61
                                    

Kabanata 9

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 9

Ang Pagbabalik Sa Kasalukuyan

***

Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Umungol ako habang nag-iinat ng braso at leeg ko. Humikab muna ako saka pinagmasdan ang paligid.

At, bakit parang nasa kubo ako ni Bughaw?

Iginawi ko ang mga mata ko sa kurtina ng pinto niya, sa mga anito na naka-display rito sa silid niya, sa mga malalaking banga at sa mga sulong nakakabit sa mga kawayang dingding.

Bakit ako narito? Ang huli kong memorya ay pumunta ako ro'n sa pahingahan ni Bughaw. Sigurado ako ro'n.

May nakapatong namang tela sa akin, parang kumot. Inangat ko 'yon dahil pakiramdam ko ay parang wala akong saplot. Pagkaangat ko no'n, namilog ang mga mata ko saka nag-init ang pisngi ko. Wala nga akong damit! Nasa'n na 'yon?

Bumilis ang paghinga ko na mistulang may humahabol sa akin. Inikot ng mata ko ang buong silid pero hindi ko maaninag 'yong tapis na suot-suot ko kagabi. Wala rin dito si Bughaw.

Ipinaikot ko na lang sa katawan ko ang kumot na ito at akmang babangon nang biglang may humawi sa kurtina sa pintuan ng silid na ito. Nakagat ko ang labi ko at nagkarerahan sa bilis ng tibok ang lahat ng pulso ko.

"Gising ka na pala, Binibini?" malumanay na tanong sa 'kin ni Bugaw saka may sumilay na ngiti sa kanyang mukha.

Mabilis pa sa liwanag kong hinigpitan ang kumot na ito paikot sa katawan ko. "A-anong ginawa mo sa 'kin? Bakit ako nakahubad, ha?!" diretsahan kong tanong habang nangangatal ang boses ko.

Natawa siya at umiling. "Wala, binibini."

"P-pero bakit ako nandito?"

Naglakad siya papalapit sa akin pero iniharap ko ang palad ko sa kanya para pigilan siya. Itinaas naman niya ang kamay niya na parang sumusuko.

"Dinala ka rito kagabi ni Makisig. Basang-basa ka, binibini."

"S-si Makisig?" taka kong tanong.

"Sinuway mo ang utos ko sa iyo na huwag lalabas kung hindi ako kasama." Naging seryoso naman ang mukha niya.

"N-naging curious lang naman ako kasi si Ana, eh," nahihiya kong sagot.

"Ana? Sino si Ana?"

"'Yong batang kapangalan ko. Tinatawag ko na siyang Ana kasi naiilang ako. Basta, preference ko na 'yon."

Napatango na lang si Bughaw saka humugot ng isang malalim na hinga. Naging seryoso naman ang mukha niya.

"Kailangan mo ng bumalik sa hinaharap. Alam ko na ang nangyari sa iyo kagabi. Naisalaysay na iyon ni Makisig nang ihatid ka niya rito at ni Amihan kanina lamang." Nagkamot naman siya ng batok. "Napagalitan pa ako ni Amihan."

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon