Kabanata 20

2.3K 242 50
                                    

Kabanata 20

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 20

Ang Bunga

***

Tila may pumupukpok sa ulo ko habang iminumulat ko ang aking mga mata. Una kong nadama ang malambot na higaan. Pakurap-kurap akong dumilat dahil sinalubong ako ng isang nakabubulag na ilaw sa kisame, napakaliwanag niyon. Sinalag ko iyon gamit ang braso ko.

May malagamot namang samyo ang pumaloob sa ilong ko. Ang malamig ring hangin dito ay tila tinutusok ang balat ko.

"Thayana, anak?" narinig kong sabi ni Tita Rita, nag-aalala siya. Hinanap ng tainga ko ang boses niya pero naramdaman ko na lang ang mainit niyang palad sa braso ko.

Unti-unti ko na ring tinanggal ang kabilang braso kong nakasalag sa nakasisilaw na ilaw. Nag-adjust din naman ang mga mata ko matapos ang ilang saglit. Iginala ko ang paningin ko at parang nasa ospital yata ako. May mga nurses na naglalakad kung saan-saan at may mga higaan din sa tabi-tabi.

Nang ibaling ko kay Tita Rita ang ulo ko, tumambad sa akin ang namumugtong mga mata niya, bakas pa ang nanuyong luha kanyang pagod na pisngi. Parang naglakbay bigla ang emosyon na iyon mula kay Tita at nanirahan ito sa akin. Napahawak ako sa puso ko dahil naramdaman kong nadudurog iyon. Parang naduduwal ako at nangilid na lang bigla ang luha ko. Napapasinghot na rin ako. Naalala ko bigla ang katawan ni Bughaw. Ang paghihingalo niya sa harap ko. Ang dugong bumalot sa kanya. At ang mga huling salitang iniwan niya sa akin.

Parang naghina ang katawan ko at lumalabo muli ang paningin ko. Nag-agusan muli ang mga luha mula sa aking nagdurusang mata ko. Niyakap na lang ako ni Tita Rita. Tuloy lang ang pagtangis ko at siguro napapansin na rin ako ng ibang nurse dito dahil inaagaw ko ang atensyon nila.

"Tita, wala na po si Bughaw," umiiyak kong turan.

"Anak ..." iyon lang ang sinabi ni Tita Rita. Ramdam ko ang bigat at dalamhati sa boses niya.

"W-wala na po si Bughaw. Patay na siya, patay na. Patay na rin si Datu Akmad."

Tahimik lang na nakikidalamhati sa akin si Tita. Hinayaan niya lang ako sa pag-iyak hanggang sa wala na akong mailabas pang luha. Mayamaya, kumalas na rin siya sa pagkakayakap.

Nagtagpo ang mga mata namin at binigyan niya ako ng isang malungkot na ngiti habang hinihimas-himas ang pisngi ko.

"May mahalaga rin akong sasabihin sa 'yo anak," malambing niyang sabi. "Pero, huwag kang mabibigla at umiyak muli, ha?" babala niya.

Marahan ko namang pinunasan ang luha ko habang sumisinghot. "Ano po 'yon Tita?"

Taimtim niya akong tinitigan. Napalunok muna ako ng laway habang hinihintay ang mahalaga niyang sasabihin.

"Anak, hindi ko alam kung paano 'to nangyari pero nag-iba ang daloy ng panahon."

Tila may sumapak sa aking bibig at nahawakan ko iyon. Nanigas ako sa pwesto ko.

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon