Kabanata 23

3.3K 259 56
                                    

Kabanata 23

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 23

Huling Kabanata

Dalawang Buwan Ang Lumipas

***

Ang bilis nang takbo ng oras. Hindi ko na rin pa nakita o nasilayan si Klark matapos ang dinner namin sa kanila. Dumating kasi kinabukasan 'yong mga Amerikano niyang kaibigan at nag-tour sila sa buong Pilipinas. Simula rin no'ng gabing 'yon, hindi ko na alam kung ano ang nakatadhana sa akin. Noon, iyon kasi ang simula nang paglalakbay ko papuntang nakaraan at naiba na 'yon kaya clueless ako sa magaganap ngayon.

Naging masaya naman ang dinner namin no'n. Ang buong topic ay umikot kay Klark, kung ano ang naging buhay niya sa US. Tumira pala siya sa mga Tito't Tita niya roon. At katatapos lang pala niya mag-college. Software Engineering ang kinuha niyang kurso at may mga companies na sa US ang gusto siyang kuhain. Nakapag-uwi kasi siya ng award sa university niya roon tungkol sa programming. Hindi ko naman masyadong naintindihan 'yon kasi masyado ng teknikal para sa akin.

Kaya rin pala siya umuwi rito ay para dito magtrabaho sa Pilipinas. Nais niyang gumawa ng sarili niyang kumpanya, pero tutulong muna siya sa business ng mga magulang niya.

Nasabi rin ng Mama nila kung bakit walang picture si Bughaw sa bahay. Ayaw daw kasing ma-miss ng Mama nila si Klark. Noon daw kasi, may nilagay silang picture frame ni Klark sa sala at laging umiiyak ang mama nila. Kaya minabuti na lang nilang, tanggalin ito.

In-add ko na rin si Klark sa Facebook pero hindi siya masyadong nagpo-post ng mga pictures. Parang wala ngang laman ang buong timeline niya, eh.

Last week din, g-um-raduate na kami nina Troy at Shell bilang Grade 12. Hihinto naman si Shell sa pag-aaral dahil maghahanap muna siya ng trabaho para may pang-college siya. Si Troy naman ay lilipad na rin sa US para doon ipagpatuloy ang pag-aaral niya. Ako naman, nakakuha ako ng scholarship sa isang foreign company at sila raw ang mag-i-sponsor sa pag-aaral ko. Wala na akong babayaran ni singko man.

Gusto ko talagang magkaroon ng isang restaurant at main theme niyon ay Filipino food. Kaya Culinary Arts ang kukunin ko sa college.

Bumangon naman na ako sa kama at tiningnan ang orasang nakakabit sa dingding. Alas kwatro na ng hapon. Dumiretso naman ako sa banyo para maligo. May pupuntahan pa kasi ako mamaya. Birthday ngayon ni Troy at bukas na rin ang lipad niya papuntang US. Double party mamaya.

Exclusive lang daw 'yong party mamaya para sa family at friends nila. Nahihiya namang um-attend sina Papa at Mama dahil mayayaman daw ang a-attend mamaya. Hindi ko na rin sila pinilit pa kasi may mga trabaho pa silang gagawin.

Binilhan ko naman si Troy ng paborito niyang comic collection. Matagal-tagal na kasi niyang gustong bilhin 'yon pero nagdadalawang-isip siya kaya ako na ang bumili. Kahit marami siyang pera, mas gusto niya pa kasing ipunin 'yon at gamitin sa mahahalagang bagay.

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon