Kabanata 3

6.7K 430 239
                                    

Kabanata 3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 3

Bumalik Tayo Sa Nakaraan

Pre-Colonial Philippines

Year 1400s

***

Nakarating kami sa isang masukal na gubat. Ang sinag ng araw ay tumatagos mula sa mga siwang ng mga sanga sa itaas. Luntiang luntian ang buong paligid. Dinig ko rin ang iba't ibang huni ng ibon dito.

"N-nasaan tayo?" kabang tanong ko kay Bughaw habang pinagmamasdan ang paligid.

Binitawan niya na ang palapulsuhan ko at humarap siya sa akin.

"Binibini, narito na tayo sa nakaraan."

Namilog ang mga mata ko at napanganga ako sa sinabi ni Bughaw. Wala na ako sa present ngayon? At, anong timeline? Panahon ba ng Kastila, Amerikano, Japanese o pre-colonial era?

"Ngunit, huwag kayong mag-alala. Maaari ko naman kayong ibalik sa inyong panahon," nakangiting sambit niya. Napansin niya siguro 'yong reaksyon kong gulat na gulat.

"Now na. Gusto ko ng bumalik!" bulalas ko. Naiwan do'n si Troy sa bakanteng lote. Baka mag-alala 'yon sa 'kin.

"Hindi maaari, binibini. Hindi ngayon."

"May pasok ako sa school, Bughaw. Naiwan din do'n si Troy at baka hanapin ako ng Tita ko!" bulyaw ko. Nilinga-linga ko naman ang paligid. Walang katapusang puno ang sumasakop sa paningin ko. "Pabalikin mo na ako!"

Umiling lang siya.

"Hindi nga maaari, binibini. At saka, ayos lang naman ang aking kapatid sa hinaharap." Humalukipkip siya kaya naging kapansin-pansin ang maskulado niyang bisceps. Napatitig ako ro'n at napalunok ng laway. Grabe, ah! Fini-flex niya ba sa 'kin 'yong mga braso niya? Pero teka, kapatid? Sino 'yong kapatid niya sa hinaharap?

Nakita ko na lang na bahagya siyang tumawa. Pinagtatawanan niya ba ako ngayon? Takte naman!

"Binibini, magiging ayos lang kayo sa aking tabi. Ako'y nagsasabi ng totoo." Itinapat niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang dibdib at bahagyang tumungo.

"Okay, okay. I believe you na." Hindi ko na alam kung ano na rin ang pinagsasabi ko. "Pero, sino 'yong kapatid mo sa present?" taka kong tanong. Nabanggit niya kasi kanina.

"Mabuti't dahil sa maitim na inumin na iyon ay nauunawaan ko ang inyong makabagong wika," nakangiti niyang saad. Sa totoo lang, ang cute niya ngumiti. Parehas sila ni Troy kaso mas maskulado at may abs nga lang 'tong si Bughaw. Ay, teka! Medyo hawig sila ni Troy. Hindi kaya-

"Tama kayo binibini. Kapatid ko ang inyong matalik na kaibigan," sabi pa niya na parang nabasa niya 'yong nasa utak ko. Hindi na mabura sa mukha niya 'yong napakaganda niyang ngiti.

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon