Kabanata 7

4K 330 132
                                    

Kabanata 7

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 7

Bakunawa

***

Bumalik kami sa silid ni Bughaw. Hindi niya na ako kinausap. Tahimik lang siya habang nag-aayos ng telang ipupulupot niya sa ulo niya. Nakatayo lang ako sa sulok habang nakatungo. Nawalan na rin ako ng ganang ibigay sa kanya 'yong turon kaya inilagay ko ito sa likod ko habang hawak-hawak ko.

"Kumain ka na ba ng agahan?" kaswal niyang tanong.

"Opo," magalang kong sagot habang nakatungo. Narinig ko naman ang mga yabag niyang papalapit sa akin hanggang sa makita ko na ang mga paa niyang nakatapat sa akin. Bigla niyang hinawakan ang baba ko at marahan niyang inangat 'yon. Nagtama ang mga mata namin kaya napalunok ako.

"Bakit tila nag-iba ang pakikitungo mo sa akin? Dahil ba pinagsabihan kita kanina?" maramdamin niyang tanong. Hindi naman ako sumagot dahil tila unti-unting nagiging semento ang buo kong katawan. Imbis na matunaw ako, tumitigas ako. At ang puso kong ito, tumatalon na naman. Ano ba ang ginagawa niya sa akin?

"Paumanhin kung nagawa ko iyon sa iyo kanina. Ako'y nag-aalala lamang. Ayaw kitang mapahamak dahil sa aking kapabayaan. Kaya kung aalis ka man, huwag kang matakot na sabihin iyon sa akin upang masamahan kita," sabi niya sabay ngiti, 'yong klase ng ngiti na nakatanggal ng semento sa katawan ko.

"Samahan mo ako sa hapag. Hali ka na," aya niya at inalis niya ang kamay niya sa baba ko. Hindi ko naman sinunod 'yon kasi nga kumain na ako. "Ayaw mo bang kumain?"

"Nakapag-agahan na ako," mahinang sagot ko.

"Saan naman?"

"Kila Aling Diwa."

"Iyon ba ang pinagkaabalahan mo ngayong umaga?"

Tumango ako. Para namang may sumaping lakas ng loob sa katauhan ko at ipinakita sa kanya 'yong turong nakabalot sa dahon ng saging.

"Ano naman 'yan?" taka niyang tanong habang tinititigan 'yong turon.

"Ito 'yong ginawa namin. Nagluto ako ng turon."

"Luto? Pagkain iyan?" May pagkasabik sa tono ng boses niya kaya napangiti ako. Sumilay ang mga mata niya sa akin at napangiti rin siya. "Ang ganda mo lalo kapag ika'y ngumingiti, binibini."

Wala sa sarili ko siyang hinampas sa braso. Nagulat naman ako sa ginawa ko. Nanlaki ang mga mata ko at siya naman ay hinimas-himas ang braso niya. "Hala, sorry."

"Wala ito," nakangiti niyang sabi. "Nais kong matikman ang iniluto mo."

Bigla niyang kinupit 'yong dahon ng saging at umupo sa gilid ng kama niya. Tinitigan naman niya ako. "Ano? Ayaw mo ba akong samahan?" tanong niya habang tinatapik ang kama niyang gawa sa kawayan na may mga tela.

Hindi ko alam kung lalapit ba ako sa kanya kasi nao-awkward-an na ako sa kanya. Tuwing tumititig siya, tila may kung anong kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Ano ba ito? Pag-ibig ba ito o nag-a-assume lang talaga ako? 'Yong nararamdaman ko naman kasi kay Troy dati parang puppy love lang. Kilig-kilig pero nawawala rin. Pero kay Bughaw, kakaiba eh. Parang hinahatak niya ako gamit lang ang mga mapupungay niyang mga mata at makalaglag pangang katawan at ngiti.

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon