Kabanata 8

3.4K 296 56
                                    

Kabanata 8

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 8

Kabilang Barangay

***

Tatlong araw na ang lumipas matapos mangyari 'yong eclipse. Medyo nasasanay na rin ako rito sa buhay nakaraan. Lagi akong bumibisita kina Aling Diwa at nakikipaglaro kay Ana. Pero hindi ko 'yon pwede gawing mag-isa. Lagi kong kasama si Bughaw saan man ako magpunta.

Paminsan-minsan, may mga chismosa pa ring nagkakalat ng mga malisyosong chismis na hindi naman talaga totoo, tulad ng ginagamit lang ako ni Bughaw, pampalipas ako ni Bughaw, at kung anu-ano pang kadiring isyu. Pinabayaan ko na lang 'yon. Naiinggit kasi sila sa kagandahan ko. Well, sabi lang naman sa akin ni Ana na ako na raw yata ang may pinakamagandang mukha rito sa barangay nila.

Kada araw na kasama ko si Bughaw, mas lalo na ring lumalalim 'tong nararamdaman ko sa kanya. 'Yong saya at kaba tuwing nakangiti siya sa mga pinaggagagawa ko. 'Yong pagtalon ng puso ko tuwing kinikindatan niya ako nang walang dahilan. Grabe ano, sa lalaking nagmula pa sa nakaraan tumibok ang puso ko.

Gabi na ngayon at hindi rin ako makatulog sa 'di maipaliwanag na dahilan. Minsan kasi parang hindi ko lang type matulog at gising na gising pa rin ang diwa ko. Bumangon ako rito sa sahig at sinilip si Bughaw sa kama niya. Mahimbing na siyang natutulog.

Nilapitan ko siya at nakita kong bahagyang nakaawang ang bibig niya. Ang hot niya tingnan. Napakagat ako ng labi at may mga kung anu-ano namang SPG scenes ang nag-slide show sa utak ko. Agad kong iniling ang ulo ko para maalog 'yon at mawala.

Napabuntung-hininga na lang ako at umupo sa gilid ng kama niya.

Ilang araw na ako rito pero 'di ko pa rin alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ako hinahanap ng mga taong sinasabi mo.

Tumayo ako at lumabas sa kubo ni Bughaw. Gusto ko munang may pagkaabalahan para dalawin ako ng antok. Napakalamig ng simoy ng hangin dito sa labas at dinig na dinig ko rin ang mga tunog ng mga kuliglig. Tila sabay-sabay silang kumakanta ng isang awitin na bumalot dito sa buong kalupaan.

May mga bantay rin dito sa labas at may hawak silang sulo. Bumaba ako rito sa kubo at nagsimulang maglakad-lakad. Hiniram ko naman 'yong isang sulo mula sa isang bantay. Hindi naman siya nagtanong kung saan ako pupunta kasi isang alipin naman ang tingin nila sa akin.

Wala ng katao-tao sa buong barangay. Sarado ang mga kubo. Ang sulo ko lamang ay ang nagbibigay liwanag sa buong paligid nang biglang makarinig ako ng kaluskos. Mabilis kong nilingon ang ulo ko at nilinga-linga ang buong paligid. Itinapat ko rin ang sulo sa harap ko at in-extend ang kamay ko para mapailwan 'yong mga madilim na parte.

"Sino 'yan?" tanong ko sa kawalan.

"Ate Takipsilim!" sabi ng isang bata at agad ko rin siyang nakita dahil pinaikot-ikot ko ang sarili ko sa pwesto ko. Si Ana lang pala.

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon