Kabanata 5

4.2K 343 161
                                    

Kabanata 5

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 5

Ang Dayang-Dayang Ng Kabilang Bayan

***

Gabi na nang makauwi kami sa kubo ni Bughaw. Narito na kami sa silid niya. Nakasindi na rin ang mga sulo at nakalatag na rin 'yong telang hihigaan ko sa sahig.

Hindi pa rin maalis sa isipan ko 'yong nangyari kanina sa dalampasigan. Hindi na kami nag-usap ni Bughaw pagkatapos niyon. Naging abala siya sa pagtingin sa iba't ibang gamit at naging isang punong kahoy lang ako ro'n, 'di na gumalaw.

Sinakop kasi ako ng hiya. Hindi ko alam kung bakit. Pero parang nahihiya na ako kay Bughaw. Gan'to ba pag tinamaan? Teka, tinamaan na ba ako kay Bughaw? Ang bilis naman, porket may 'itsura, pumatol agad itong puso ko.

"Binibini, mukhang malalim ang iniisip mo?" tanong sa akin ni Bughaw. Nakaupo siya sa gilid ng kama niya at ako naman ay sa sahig.

Papahiga na ako nang magtagpo ang mga mata namin. Sinsero siyang tumingin sa akin at tila may bumubulong sa aking tainga na lumapit sa kanya. Nag-iinit ang buo kong katawan pero pakiramdam ko ay nakalutang ako sa malamig na simoy na hangin.

"Binibini," tawag niya.

Saka lang ako natauhan. Inilayo ko ang tingin sa kanya. Nagsimulang maglundagan ang puso ko.

"Binibini, tila may bumabagabag sa inyong isipan." Narinig ko naman ang mga yabag niyang papalapit sa akin.

Naramdaman ko na lang ang malambot niyang palad sa balikat ko na nagpalambot din dito. Nakailang lunok muna ako bago tumingala.

Nang itinapat ko ang mukha ko sa kanya, tipid siyang nakangiti sa akin at saka umupo rito sa sahig.

"Binibini, kanina mo pa ako hindi kinakausap. May suliranin ba?" Banayad ang boses niya na parang isang hele. Boses pa lang niya 'yon pero kabighabighani na. Ano bang bagay ang hindi nakakaakit sa kanya?

"W-wala naman akong problema. Kailangan ko lang mag-rest muna, Bughaw."

"Nais mo bang mahiga sa aking higaan at ako'y sa sahig na lamang?"

Umiling ako. Nakakahiya na sa kanya. At saka, alipin lang ako rito.

"Hindi na, Bughaw. Salamat na lang." Inihiga ko na ang aking sarili sa sahig. Kahit na may tela rito, ang malamig na simoy ng gabi ay umuusbong mula sa siwang ng mga kahoy sa ilalim. Niyakap ko na lang 'yong sarili ko pero may itinaklob si Bughaw sa aking isa pang tela. Nagkatitigan uli kami.

"Magpahinga ka na." Saka siya umalis sa harapan ko at nahiga sa kama niya.

Hindi ko pa ito naramdaman sa kapatid niyang si Troy tuwing may ginagawa ang lalaking iyon sa akin noon. Ito na ba 'yong totoong pag-ibig? Pinakiramdaman ko na lang 'yong kwintas na binigay niya sa akin kanina. Hinaplos-haplos ko iyon. Ramdam ko ang hindi pagkapantay-pantay ng kwintas dahil mala-kadena ang hitsura niyon.

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon