Kabanata 6

4.1K 335 146
                                    

Kabanata 6

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 6

Pagkain

***

Magkatabi na kaming nakaupo ngayon ni Bughaw rito sa dalampasigan. Sabay naming pinapanood ang mga ibon, mga alimango at ang alon. Nakasisilaw pa rin ang sikat ng araw kaya naniningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang tanawin.

"Bughaw, paano pala nadala si Troy sa present?" pagsira ko sa katahimikan. Hindi na kasi kami nag-usap pagkatapos no'ng nangyari kanina. Nagpahinga siya dahil hingal na hingal siyang hinanap ako. Hindi muna siya babalik do'n sa salu-salo sa kubo kahit nando'n 'yong Dayang-dayang na bulate. Nag-iinit ang dugo ko 'pag nakikita siya. At saka, gusto ko ring malaman 'yong tungkol kay Troy. Hindi kasi siya nagkukwento at wala siyang nasabing kung anong clue na nanggaling pala siya rito sa past. Nagulat na lang ako noong bago ako hilahin ni Bughaw rito sa panahon niya ay parang magkakilala na sila. At sabi nga rin ni Bughaw ay magkapatid sila.

"Ang aking kapatid?"

Tumango ako.

Napabuga muna siya ng hangin bago magsalita. "Bata pa lamang ako noon at mulat na rin ako sa kaganapan. Ang buong akala ng aking magulang, babae ang aking magiging kapatid dahil iyon ang sabi ng babaylan. Nang isinilang na siya, kilabot ang bumalot sa aking ama dahil alam niyang mahihirapan siya kung kanino ibibigay ang pagiging Datu. Iminungkahi ng babaylan na ihatid sa barangay ni Datu Akmad ang aking kapatid dahil mayro'n silang mahiwagang inuming magpapadala sa aking kapatid sa malayong pook. Ang pook palang iyon ay ang hinaharap. Nalaman ko lamang iyon dahil kinulit ko ang babaylan na iyon at magpunta raw ako sa isa pang babaylan na ngayo'y matalik ko ng kaibigan," mahabang kwento niya.

Bali, para hindi magkaroon ng conflict sa pagitan ni Bughaw at ni Troy, iyon ang naisip ng ama nila? Napakababaw naman. Pero kung tutuusin, iba rin ang panahon dito sa past. Minsan pami-pamilya, angkan-angkan ang nagpapatayan para lang makamit nila ang karangyaan at mataas na posisyon.

"Paano mo naman sinabi kay Troy ito? Alam niya ba 'to? Lahat ng 'to?" sunud-sunod kong tanong.

"Oo. Sinalaysay ko lahat ng iyon sa kanya nang lumaki na siya. Noong simula, naguguluhan siya ngunit natanggap niya na rin naman iyon. Nais niya pa sanang makita ang aming ama ngunit pinagbawalan ko siya dahil tiyak akong magugulat sina Ina at Ama," malungkot niyang sabi at tumungo. Tinutusok-tusok niya na lang 'yong buhangin gamit ang daliri niya.

"Pero bakit ka niya sinapak no'ng nagkita kayo? Tapos grabe siya kung makaasta sa 'yo?"

Bago kasi ako hilahin ni Bughaw rito, parang hindi sila magkakilala. Nagulat na lang ako no'ng tinawag ni Bughaw si Troy na 'Ginoong Troy Carter'. Doon ko na naramdaman 'yong taka, gulat at kaba.

"Dahil binanggit ko sa kanya na may babae akong pakay roon sa hinaharap. Hindi ko lang alam kung ano ang kanyang ngalan at hitsura. Saka, naramdaman ka ng tubig-itim na ika'y nasa tabi-tabi lang," makahulugang sagot ni Bughaw.

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon