Kabanata 22

2.4K 232 92
                                    

Kabanata 22

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 22

Muling Pagtatagpo

***

"Turon! Turon kayo diyan!" hiyaw ko sa mga bahay-bahay. Kanina pa ako naglalako ng turon at nabibilang lang sa daliri ang mga bumili nito. Tagaktak na rin ang pawis sa noo ko kaya maya't maya ko ito pinupunasan gamit ang bimpo ko.

Umupo muna ako sa tapat ng sari-sari store nina Shell-isa sa mga kaibigan ko at kaklase ko sa Hacopa National High School. Ipinatong ko muna 'yong bilao ng turon sa hita ko at huminga nang malalim.

Chineck ko kung ano'ng oras na sa relos nabili lang sa tiangge sa Divisoria.

3:55 PM, 'yon ang nakalagay ro'n.

Hindi ko na rin tiningnan kung ano'ng laman ng beltbag ko kasi alam ko na kung ano'ng mangyayari. May batang susulpot at hahablutin 'yon. Wala akong lakas para sundin 'yong pangyayari na 'yon. Marami na ring bagay ang naulit. Parang nag-replay lang ang buong buhay ko. Minsan, may mga bagay na hindi ko ginagawa para tingnan kung may epekto ba 'yon pero parang wala. Same lang din ang nangyayari kinabukasan.

Nawala na rin ang kapangyarihan ko. Ilang beses akong sumubok pero ayaw talaga.

Totoo nga rin na nakalimutan ni Troy at Shell ang lahat ng nangyari. Pero umulit lang ang lahat ng nangyari sa amin tulad ng naging crush ko si Troy noon.

Naging magulang ko na rin ang totoo kong magulang. Masaya ako dahil kapiling ko na sila pero 'yong kalagayan ko ngayon, 'yong antas ng buhay namin ng pamilya ko ay katulad lang dating buhay namin ni Tita Rita. Medyo mahirap pa rin kami. Ako, nagbebenta ng turon. Si Mama kumukuha ng kung anu-anong raket. Security guard naman si Papa sa isang mall. Pero hindi ko na rin nakita pa si Tita Rita. Alam ko namang nasa langit na siya at pinapanood ako ngayon. Ang mga mata niya ay laging nakabantay sa akin.

'Yong tungkol naman kay Bughaw, hindi ko pa rin alam kailan at paano ko siya makikita. Wala man lang paramdam pero si Datu Langit at Dayang Ragat na mga magulang niya ay nabuhay rin dito. At ang kanilang anak ay si Troy.

Mayaman ang pamilya ni Troy ngayon, hindi tulad noon na ang pamilyang kinilala niya ay naghihirap din. Parang naipása nga ang pagiging royal family nila, eh. Minsan, bumibisita kami ni Shell sa kanila dahil malapit lang naman ang bahay nila sa lugar namin. Wala akong makitang niisang picture ni Bughaw. Sa may sala nila, ang tanging family picture lang na nando'n ay sina Troy, Datu Langit at Dayang Ragat. Wala ring naikukuwento si Troy na may kuya siya pero ganito rin naman ang nangyari sa akin noon. Hindi naman sinabi ni Troy na may kapatid pala siya at galing siyang past.

Nakaramdam naman ako ng batok kaya napangiwi ako at kinapa ang ulo ko.

"Aray!" daing ko.

"Sir! Nandyan ka lang pala!" nasasabik na sabi ni Troy at pumamaywang pa sa harap ko. Nakasuot siya ng red V-neck shirt na bakas pa ang pawis doon at isang jersey short. Ganitong-ganito rin ang suot niya noon, noong hinabol ko 'yong batang humablot ng 60 pesos ko at siya ang nag-abot sa akin niyon.

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon