Epilogo

4.7K 345 179
                                    

Epilogo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Epilogo

Makalipas Ang Sampung Taon

***

"Ma'am Azul, I'm a big fan of yours po!" tili ng isang dalagang nasa harap ko habang pinipirmahan ang libro ko para sa kanya.

"Salamat," nakangiti kong sabi.

Nasa isang book signing event ako ngayon dahil bigla na lang sumikat ang libro kong pinamagatang 'Tawirin ang Dantaon: Takipsilim'. May English version na rin ito na ang title ay 'Crossing Centuries: Twilight.' Hindi pa rin ako makapaniwala dahil sa kaganapang ito.

May mga nag-o-offer na rin sa akin na gawing pelikula iyon pero sa dami ng mga iyon, hindi ko alam kung sino ang pipiliin kong maging distributor at gagawa ng film nito.

Halos maghahatinggabi na rin nang matapos ang book singning event ko dahil sa dami ng taong um-attend. Gusto ko kasi lahat ay mapirmahan at ayaw kong pumili lamang. Gusto kong ma-greet lahat ng taong bumasa at na-inspire sa sarili kong kwento, literal na sarili kong kwento.

Nasa parking lot na ako at nandoon nag-aabang ang aking asawang si Bughaw. Pagod na pagod siyang yumakap sa akin dahil magdamag daw silang naglaro ng anak namin. Pinangalan namin siyang Takipsilim.

"Love," aniya habang binubuksan ang pinto ng kotse. "Kiss," nakanguso niyang sambit. Hinalikan ko naman siya sa labi at ngumisi. Pumasok na ako sa loob ng kotse at gano'n din siya.

Tinatawag ko na rin siyang 'Bughaw' dahil 'di ko talaga type 'yong 'Klark' niyang pangalan. Naging big time na rin siya dahil sa ginawa niyang virtual reality na tila makakabalik ka sa nakaraan. Natupad na rin ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling kumpanya.

Gano'n din ako, nakapagtapos na rin ako ng culinary arts at ang aking restaurant na 'Turon ni Yana' ay naging patok. At nagta-trabaho sa akin si Ana kaya minsan lagi ko siyang ka-bonding pero sa tingin ko nawiwirduhan siya sa akin minsan. Si Makisig naman ay lagi ring kumakain sa restaurant ko. Suki ko na nga siya, eh, at lagi rin kaming nag-uusap sa mga bagay-bagay. Isa siyang freelance digital artist ngayon. Hindi ko rin alam bakit iyon ang naging trabaho niya. Javier na rin ang pangalan niya rito sa kasalakuyan. Nagtataka lang ako dahil hindi sila magkaibigan ni Bughaw. Pero noong nagkita sila dahil dumalaw noon si Bughaw at saktong nandoon din si Makisig, parang nag-click agad silang dalawa. Ngayon, best of friends na sila. Ako naman ay naging instant celebrity dahil sa librong ginawa ko.

Masaya kaming nabubuhay ngayon ni Bughaw dahil sa paghihirap at pagsusumikap namin bilang mag-asawa. May times na nag-aaway kami pero agad din iyon nawawala dahil nilalambing niya ako. May times na busy kami sa isa't isa pero naghahanap pa rin kami ng oras para magkaroon ng bonding time.

Masasabi kong, kahit na masaklap at maraming balakid ang hinarap ko noon, nakuha ko pa rin ang nais ko. Hindi pa naman siguro dito nagtatapos ang kwento namin ni Bughaw. Mailalathala pa rin ang bago naming kwento at mababasa pa rin ito ng mga tao dahil sa kasaysayang nasa likod nito.

~Wakas~

Crossing Centuries [WATTYS 2020 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon