Chapter 03

14 2 0
                                    

*Remember that I changed their schools so to clear things out, Sylas and Allison are in their first year of college at University of the Philippines Diliman Branch and their taking BS Architecture. That's the only thing I change so you don't have to worry. Happy reading!!

Chapter 03


"Sylas, huy! Ano bang problema mo?" Tanong ko nang maabutan ko na siya maglakad. Napakahaba naman kasi ng biyas nito para mahabol ko agad. Nasa harap na kami ng sasakyan ko ng maabutan ko siya.

"Akin na susi mo." Sabi niya at hindi man lang sinagot ang tanong ko. Nice talking!

"No. Tell me what's going on first before I lend you my keys." I fired back. Kanina pa ko pinapatay ng curiosity dito pero ayaw niya pa din sabihin. Ano bang ginawa ni Jace sa kanya?

"Do you really wanna know?" I nodded. "Fine, that guy you're with earlier bothered me. And I know wala akong karapatan sabihan ka na layuan mo yun and I promise Tita that I will help you make friends and if I keep you away from that guy then it isn't helping." He explained that made me more confused.

"Why? Ano bang ginawa ni Jace sayo at bothered ka sa kanya?"

"Hindi ko alam, parang kanina lang kasi nahihiya ka pa kay Tracy makipag-usap tapos makikita kitang lalabas ng room mo na masaya kausap yung lalake. But I thought about it just now, OA lang ako so give me your keys now and let's go eat." Sagot niya habang iniintay na ibigay ko ang susi. Hindi ko na lang muna siya sinagot dahil hindi ko din alam ano ang sasabihin ko kaya kinuha ko na lang ang susi sa bag ko at inabot sa kanya.

"I honestly have no choice to be friends with Jace earlier because I really need a partner for that class and he seems really nice to talk to so please don't get bothered by him anymore." Sabi ko nang makapasok na kami ng sasakyan. Tinanguan niya ko at ini-start na ang sasakyan.

Mabilis lang kami nakarating sa Mang Larry's dahil malapit lang pala yun sa building ng college namin. Lunch time ngayon kaya nahirapan kami makahanap ng lamesa kaya naisip naming bumili na lang at sa sasakyan na kainin.

Nag-order lang ako ng pancit canton, dalawang barbecue at mango shake. Ganon din ang inorder ni Sylas pero nakadoble ang kanya, meaning, dalawang canton, apat na barbecue at buko juice. Kahit malakas siya kumain, nagagawa niya pa din maging fit. Sana lahat! He's too committed in his workout sessions kaya wala siyang problema sa mga kinakain niya pero ilang beses ko na din siyang sinabihan na magsimula na siya ng healthy diet hindi yung kain pa din siya ng kain ng carbs at fats.

Mabilis lang din kami natapos kumain at bumalik na agad sa Building 2 for my last class and so is Sylas na mukhang masaya na dahil nakakain na siya. Feel ko talaga gutom lang 'to kanina kaya ang grumpy e. And luckily, magkaklase kami sa class na 'to kaya baka makatulong 'to mawala sa isip niya si Jace.

But I guess destiny isn't on my side today.

"Hey Alli, andito ka din. What a small world." Jace said walking towards me. Agad ko namang tinignan si Sylas na ngayon ay parang naiinis na naman. I still don't get why he's bothered by Jace. As if namang may gagawin sakin na masama 'tong lalakeng nasa harap ko.

"H-hi, well parehong Architecture ang kinuha natin so most likely madami din tayong subjects together." I greeted him back and tug Sylas' shirt to get his attention. Tumingin naman siya agad sakin at minataan ko siyang bumati din.

"Oh hi, I'm Sylas, Allison's friend." He said and lend his hand in front of Jace.

Jace shook Sylas' hand and smiled, "Jace here, nice to meet you." Hindi nakatakas sa tingin ko ang pagtingin ng masama ni Sylas kay Jace.

Before Series #1 : Before MidnightWhere stories live. Discover now