Chapter 06
Pagtapos kong bisitahin si Sophie ay nagpaalam na din ako agad kay Jace bago pa may magalit at mainip sa Khaleb.
"Makakapasok ka naman na bukas diba?" Sabi ko nang maalala ko na bukas na yung presentation namin.
"Oo, don't worry." He laughed but then stopped when I heard someone clearing his throat. I already know who it was.
Nagpaalam na ko kay Jace at lumapit kay Sylas at hinila na siya palayo. After what happened inside the emergency room, I kind of feel awkward with the both of them being in the same place.
"Why are you pulling me so hard?" Sylas asked when we stopped in front of my car.
"Wala lang, gutom na ko e. Binilhan mo ba ko ng pagkain?" I changed the topic hoping that he will drop the first one.
"No, I didn't know you will get hungry." Sylas' protective but sometimes I just want to roll my eyes at him nonstop. Akala ko pa naman binilhan niya ko, nasa Khaleb na din naman siya kanina. Tsk.
Hindi na lang ako nagsalita at sinenyasan na siyang buksan ang pinto dahil nasa kanya pa din yung susi ko.
"Gusto mo ba munang kumain?" Tanong niya hindi pa ini-istart yung kotse.
"Hindi na, uuwi naman na din ako." Sagot ko. But then I remember na dito na nga pala nakatira si Sylas pero siya pa din yung nasa driver seat. "Ay mali, palit na pala tayo. Or gusto mong ihatid na kita?" Pag-ooffer ko dahil wala namang mali kung ihatid ko siya, nasa UP na din lang naman kami.
"Huwag na, pwede naman na 'kong sumakay ng IKOT jeep jan." Sabi niya at turo ng waiting shed sa tapat namin.
"Bakit ayaw mo? Ayaw mo bang makita ako ni Tita or ayaw mong makita ako ni Earl?" Sabi ko ng may halong pang-aasar. Earl is Sylas' younger brother, 3 years ang agwat nila at base sa kapatid niya, confident daw siyang magiging girlfriend niya ko. Kaya since nalaman ni Sylas na may crush sakin si Earl, iniiwasan niya na 'kong pumunta sa bahay nila.
"Can you stop? Kadiri! Ang bata-bata ng kapatid ko tapos papatulan mo." Wtf!? I didn't see that backfiring to me. "Ano talo ka din." Tumatawa-tawa siya habang tinuturo ang mukha ko. Epal talaga!
"Umalis ka na nga!" Sabi ko at tulak sa kanya palabas ng sasakyan pero wala din naman akong lakas matulak siya dahil ang laki-laki ng biceps nitong lalakeng 'to. Nagpaalam na siya at ginulo pa ang buhok ko bago bumaba ng kotse.
Babawi talaga ko sayo Sylas Perez!
7 pm na din nang makauwi ako dahil sa traffic na naabutan ko. Dumiretso na ko sa kwarto para maligo at nang makakain na din ako agad ng dinner dahil alam ko namang mamaya pa uuwi si Mama at ako lang ang kakain mag-isa. Pagtapos maligo, bumaba na ko sa kusina at pinaghain na ko ng pagkain ni Ate Marie. Ate Marie is also our house keeper, she's more on keeping the house safe and clean pero yung mga maliliit na bagay like washing the dishes and making the dining table, kami na yun either ni Mama or ako dahil madali naman gawin yun.
"Thank you Ate. Kumain na po ba kayo ni Kuya Bert?" I asked when she finished putting the food in front of me. Siya at si Kuya Bert lang ang nandito sa bahay. Si Kuya Bert naman ay yung gardener namin.
"Opo Ma'am." Sagot niya at nagpaalam ng babalik sa kusina. Tumango na lang ako at nagsimula ng kumain. Pagtapos ay nagligpit na ko at dinala sa kusina para hugasan ang pinagkainan ko, wala na din namang say dito si Ate Marie dahil gawain ko talaga 'to o kaya ni Mama.
Umakyat na ko sa kwarto at nag-toothbrush at skin care para diretso na ko mamaya sa pagtulog. Chineck ko lang ulet ang presentation namin ni Jace para tignan kung kumpleto na ba lahat ng andon. This is my first presentation in the class kaya ayoko magkamali. Nang makaramdam ako ng antok sa pag-aaral ko ng mga sasabihin ko bukas, pinatay ko na ang laptop at humiga na para matulog.
YOU ARE READING
Before Series #1 : Before Midnight
Novela JuvenilAllison Sloane has been in love with her highschool bestfriend, Sylas Perez, for a long time now. Little did she know, Sylas is already planning to court her in their first year of college. They got together and last for three years until Sylas migr...