Chapter 23

7 1 0
                                    

Chapter 23



Pagtapos ng gabing yun, hindi na ako tinanong ni Sylas ano meron at bakit pinauwi ko agad siya. Maybe, he's also avoiding us to fight.


Katatapos lang namin mag-enroll, I usually enroll right away pag ina-announce na nilang pwede na especially itong si Sylas, mas punctual pa 'to sakin. Pero ngayon, pareho kaming nalate because this guy accompanied his cousin to have a vacation before school starts. He tried inviting me but I just have no energy to come with them so as a compromise, sinabi kong iintayin ko siya at sabay kaming mag-enroll. At dahil na din sa late enrollment namin, hindi nagawa ni Sylas ipagsabay ang mga classes namin.


"Okay lang yan, babe. Wala naman na tayong magagawa." I said. Wala naman na talaga kaming magagawa kahit pilitin namin, sermon lang matatanggap namin.


"Yeah fine, mahahatid-sundo pa din naman kita."


On the way kami ngayon sa NBS para bumili ng mga school supplies, kahit ilang try kong huwag magamit lahat ng binibili ko every year para naman may stock ako, hindi ko naman din nagagawa. I'm just thankful na hindi nasasayang mga sketches ko dahil nilalagay ko lahat yun sa portfolio ko.


Kumuha lang ulit ako ng maraming sketch pad dahil sa isang sem ata nakaka-dalawa ako nito. So sa isang tao, apat o lima ang nagagamit ko. Matapos namin bumili, as usual si Sylas na naman nagbitbit ng paper bag ko, dumiretso kaming Pepper Lunch para kumain. Nang dumating yung pagkain, kahit alam ni Sylas na mainit, sumubo agad siya.


"Ah shit!" Bago ko pa siya bigyan ng tissue, tinawanan ko muna siya sa katangahang ginawa niya. Halata naman kasing mainit pa, kitang-kita kaya yung usok sa plato tapos susubo siya dyan. "Tawa ka dyan." Masama ang tingin niyang sabi sakin.


"Alam mo ng mainit e, sumubo ka pa din." Nakangiting sabi ko.


"E gutom na 'ko e." Sabi niya at hinipan ang pagkain bago niya isubo. Ewan ko pero ang cute niya talaga pag nagtatanga-tangahan siya. Matapos namin kumain, naglibot-libot lang kami sa mall dahil ang tagal ko ng hindi nakakapunta sa mall na ito yung dahilan, kung pupunta naman kasi ako dito, isa lang ang pakay ko at yun ang NBS.


Naglalakad kami nang hilain ako ni Sylas papasok sa Forever 21. Hila-hila niya 'ko hanggang sa makarating kami sa women's section. Binigyan ko lang siya ng mukhang nagtataka pero bago pa niya 'ko sagutin, he started fanning all the clothes in the rack.


"What are you doing babe?" I asked still confused on what he's doing.


"Go shop for yourself, my treat." He said not looking at me. Busy na siya ngayon magtingin-tingin ng damit. Napaka-random naman nitong boyfriend ko.


"Huh? May mga damit naman ako sa bahay, why do I need to shop for more?" Totoo naman may mga damit pa 'ko. Lahat naman din yun maaayos pa at nagagamit ko pa. Ano ba akala nitong lalakeng 'to?


"I know but I just want to treat my girlfriend, is it not able?" He asked now looking at me. "Just pick what you want then you try it tapos sasabihin ko kung okay or hindi." Ayun nga, gusto lang pala akong magsukat nito. Siguro kung araw-araw akong nagsho-shopping for clothes paniguradong hindi ko 'to pagbibigyan. At dahil madalang na lang din kami lumabas ni Sylas, pinagbigyan ko na siya. I start looking for clothes that I think will suit me just then Sylas gave me the shopping bag full of clothes.

Before Series #1 : Before MidnightWhere stories live. Discover now