Chapter 25

10 1 0
                                    

Chapter 25





Fourth year came so fast, parang halos lahat ng araw ngayon ang bilis na lang natatapos. Yung isang linggo parang naging isang araw na lang sakin dahil sa sobrang daming ginagawa. This year, mas dumadami na ang mga units namin na puro mga plates ang requirements which is I love. Ito naman talaga ang pakay ko bakit ako kumuha ng Architecture e. And most of my classes ay kasama ko si Sy, Jace and Tracy. I thought I can make Sy be friends with Jace but Tracy said na mangarap na lang daw ako.


"Hindi naman imposible na maging magkaibigan sila ah?" Tanong ko kay Tracy. Kanina pa kasi ako nagpapatulong sa kanya paano ko mapagco-close si Sy tsaka Jace dahil tatlo ata sa subjects namin magkakasama kaming tatlo, swerte na lang ako na dalawa dun sa tatlong subjects na yun ay kasama namin si Tracy.


"Why are you forcing it to happen ba?" She asked. Honestly, I don't know. Kahit naman sinabi sa akin ni Sy na wala na siyang ikinase-selos kay Jace, minsan nararamdaman ko na kahit onti, meron pa din.


"Wala lang. Gusto ko lang na maging magkaibigan sila. I want Sy to trust Jace. Like how he trust you with me." I said smiling. Alam kong onti na lang mapapapayag ko na 'to. Napangiti ako ng malaki nang bumuntong hininga siya. I knew it!


"Okay fine. Mamayang lunch sasama ako sa inyo tapos bigla kong aayain si Jace. Okay na ba yun?" I nodded and gave her a hug. Ang swerte ko naman talaga dito sa babaeng 'to. "Pasalamat ka talagang single ako dahil kung hindi baka mayayari na 'ko nito sa boyfriend ko." Natatawang sabi ni Tracy.


Minsan nagtataka din ako kung bakit hanggang ngayon ay wala pa din siyang manliligaw, e ang bait-bait naman niya, masaya pa kasama, tsaka hindi lang siya bestfriend material, girlfriend material din siya. Any guy will be so lucky to have her.


"Nasaan na ba kasi yung tourism mo?" Tanong ko nang maalala ko yung lalakeng type niya galing sa tourism.


"Wala na. Alam mo namang imposibleng makita ko siya dito unless maabutan ko siya ulit sa OUR diba." Nakangusong sagot niya. Oo nga pala, naalala ko sinabi niya noon sa akin na sa susunod na makita niya yun sa OUR, lalakasan niya yung loob niyang lapitan yung lalake, pero ilang enrollment na ang nakalipas, hindi na niya ulit nakita.


"Baka hindi talaga siya para sayo. Kasi naman, hahanap ka na lang ng type mo, yung wala pa dito sa campus natin." I teased that made her creased her forehead. Natawa na lang ako. Ito lang yung isang subject namin ni Tracy na wala yung dalawang lalake or kahit isa sa kanila kaya malaya akong nakakapagrant dito sa babaeng 'to.


Matapos ang klase namin, dumiretso na kami sa susunod which means nandun na yung dalawang lalake.


"Uy ah, sabihin mo ko kay Sy sasabay ka mag-lunch." Paalala ko kay Trace. Normally kasi hindi naman siya sumasabay mag-lunch sa amin sa hindi ko din malaman na dahilan. May kasabay ata siyang kumakain, ay ewan ko.


"Maka-paalala naman 'to, kanina pa lang naman natin napagusapan yun. Hindi ako makakalimutin 'no." Sabi niya pero nang tignan ko siya na para bang may sinabi siyang kasinungalingan natawa din siya agad. "Sabi ko nga, joke lang e. Pero don't worry, naaalala ko pa yan." Paano ba naman kasi, sabi niya hindi daw siya makakalimutin, nako sinong niloko niya. Kahapon sabi ko sa kanya magkikita kami sa may Oble tapos hindi ako sinipot dahil nawala daw sa isip niya. Sinisi pa niya ko kesyo bakit hindi ko daw pinaalala.


Nang makarating kami sa room, nakita ko ng nandun na si Sylas at nang ilibot ko ang mata ko, wala pa si Jace. Maaga pa lang naman din kaya kalahati din ng klase ay wala pa. Pumunta na 'ko sa tabi ni Sylas at umupo, si Tracy naman ang katabi ko sa kanan.


Before Series #1 : Before MidnightWhere stories live. Discover now