Chapter 16
"Did you study well last night?" Tanong ni Sylas pagpasok namin sa room. Time flies so fast, midterms na agad namin ngayon for first semester. Parang kailan lang, nasa Boracay pa kami. Parang kailan lang, sinagot ko siya.
"I did." I answered. Since the night Mama and I talked, sinusubukan kong huwag humingi ng tulong kay Sylas sa tuwing nag-aaral kami. May isang beses pa na nag-offer siyang tuturuan niya 'ko pero sa sobrang stress ko that time, nasigawan ko pa siya.
Nag-aaral kami sa Main Lib ngayon ni Sylas, dahil na din nalalapit na ang midterms namin kaya doble yung focus ko sa pag-aaral ngayon. It's like I don't have time to stop and If I did stop, I feel like I'm just wasting my time.
Napansin yun agad ni Sylas dahil nakita niya 'kong kanina pa parang nase-stress dito at nakita ko din ang pag-aalala niya. Sino bang hindi mag-aalala, since nagbigay ng date ng midterms namin, hindi na 'ko nakakuha ng enough sleep sa ka-aaral ko.
"Babe, okay ka lang? Need help?" Nag-aalalang tanong niya. Umiling lang ako bilang pagsagot. Ayokong magpaturo sa kanya, since then, sinusubukan ko ng mag-aral nang wala ang tulong niya. Bakit naman kasi ang tanga ko sa Math? Ugh! Okay naman ako sa measurements and all pero pag sa mga formula na, natatanga na 'ko.
"You sure—"
"Ayoko nga!" Sabay ng pagtaas ng boses ko ang paglaki ng mata ko sa ginawa ko. Shit! That's nice Alli.
"Ssshhhhh," Napatahimik ako agad nang sitahin kami ng ibang students dito.
"Alli? What's wrong?" He asked getting more worried now.
"Sorry. I'm just stressing out lately. I'm trying... not to ask for help or what from you. Gusto ko lang naman na ako yung maka-intindi nito nang hindi mo 'ko tinuturuan." Nakayukong paliwanag ko. I feel embarrassed for so many reasons, isa na doon ang pagtaas ng boses ko sa kanya kanina. Sobrang pagod lang talaga ako.
"Babe, hey, look at me." Sylas said holding my hand now above the table. Dahan-dahan din naman akong napatingin sa kanya. "It's okay if you don't want my help. But don't stress yourself too much kasi wala ka din maiintindihan sa inaaral mo if pinipilit mo yung sarili mo. Get yourself a rest first." Alam ko naman yun e. Yan din ang sinabi ni Mama sa tuwing naaabutan niya 'kong gising pa at nag-aaral sa living room these past few days. Few minutes after consoling me, napilit na din ako ni Sy na umuwi para makapagpahinga daw muna ako.
He even made me promise to rest first before studying again. And as much as I still want to study, I still sleep because I don't want to break my promise. Sana pala hindi na 'ko nag-promise.
Bago pa magsalita ulit si Sylas, pumasok na ang proctor namin kaya binigyan niya lang ako ng thumbs up and he even mouthed 'goodluck' to me. Ilang saglit lang ay nag-start na ang exams. For our first exam, confident ko namang nasagutan lahat ng tanong kaya nakahinga din ako agad ng maluwag. Sa Mathematical problems lang naman ako mahina. Ang dami-dami kasing formula!
"How was your exam babe?" Sylas asked when we got out of the room.
"Great. I answered all the questions just fine. Sabi ko naman sayo babe, sa mathematical problems lang ako mahina." Nakangiting sagot ko.
"I know and I know that you can nail it." He said giving me a thumbs up. Niyakap ko naman siya. Sobrang supportive talaga nitong boyfriend ko. I'm the luckiest girl in the world.
"Thanks for cheering me up. And thanks for making me calm the other day." Nag-usap lang kami sa labas at bumili lang din ako ng tubig bago kami bumalik para sa susunod na exam.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang matapos ang unang araw ng exam. Two more days, since nag-second year kami, tatlong araw na lang yung exam at sa isang araw tig-dalawang subject ang kukunin namin except for last day, isang subject na lang yun. At yung ibang natirang subjects ay puro mga practical exams na ang pinagawa. Mas confident pa 'kong mapapasa ko lahat ng yun dahil puro plates na yun. Pagdating namin sa parking sabi ko kay Sy na dumiretso kami sa bahay nila because I told him so. Okay na din na dito na kami mag-aral kesa bumyahe pa kami papunta sa bahay at least ito malapit lang. Tsaka hindi naman na siya nagseselos kay Earl. Simula ng sinagot ko siya, instant nawala yung pagdadamot niya sakin sa kapatid niya. Minsan pang nagawa niya 'kong iwan sa living room nila kasama si Earl. For all I know, ginawa lang niya yun para i-test yung sarili niya kung kaya niya ba 'kong iwan kasama yung kapatid niya. Ang bata talaga!
"Nasaan si Earl?" Tanong ko nang makitang parang walang tao sa bahay nila.
"Naglalaro ata ng basketball sa court." Sagot niya at diretso sa kwarto dahil magbibihis daw muna siya kaya pumunta na 'ko sa living room at nilabas lahat ng kakailanganin namin sa pag-aaral mamaya. At dahil din natagalan siya, naisip ko ng simulan mag-aral. Aminado naman akong mas matalino si Sylas sa akin, pupusta pa 'kong magiging laude yon.
Ilang saglit lang ay bumaba na si Sylas nang nakapambahay na. Buti na lang joggers ang suot ko ngayon kaya kumportable akong maupo sa carpet nila. Habang nag-aaral ako, napansin kong may ibang ginagawa si Sylas sa libro niya at nang mapansin niya 'kong dudungawin ko na sana siya, mabilis niya naisara yung libro niya.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko na ikinagulat niya na para bang nahuli ko siyang may ginagawang krimen.
"Ha? Wala babe, mag-aral na tayo." Sabi niya sabay kuha ng ibang libro. Nakita niya 'kong nakatingin pa din sa kanya dahil hindi naman ako naniniwalang wala lang yun at alam niya din yun. "Fine." Napangisi ako nang bumigay siya. Marupok din pala ang isang 'to. Binuksan niya ulit ang libro niya para kunin kung ano man yung tinatago niya kanina.
Sabay ang gulat sa mga mata ko at ang pag-init ng buong mukha ko nang makita ko ang mukha kong naka-drawing sa papel. It's me reading my book. How can he made me so pretty here?
"Babe," Malambing na tawag ko sa kanya. Akala ko naman kung ano yung tinatago niya kanina.
"Hindi pa tapos yan pero—"
Pinutol ko agad ang sasabihin niya ng mabilis kong hinila ang damit niya para halikan siya. I know it's so not me to initiate the first move especially this is my first kiss! Shit! When I realized what I did, I quickly distant myself from him. Did I just kiss him!?
"Sorry, I... I didn't mean—" Pero naputol din agad yun ni Sylas nang halikan niya 'ko ulit. At nang maramdaman ko ang pag-galaw ng labi niya, hindi ko na alam ang gagawin ko. Para bang nadadala niya 'ko sa ibang lugar sa paghalik niya. I quickly open my mouth to welcome his tongue and feel the heat between us. At bago pa 'ko maubusan ng hininga, bumitaw na si Sylas. Malalim ang paghinga naming dalawa na para bang tumakbo kami ng pagkahaba-haba.
"Sorry, shit! I should've not—"
"No, it's fine. Really. Wala naman masama sa ginawa natin right? We're in a relationship for Pete's sake." I said and tried to stifle a laugh just to calm him because I saw guilt in his eyes and I don't want him to feel that he took advantage of me. "Babe, look at me. It's fine, okay? We just kissed."
Tinignan niya 'ko na para bang nagi-guilty pa din siya sa ginawa niya pero nang ngitian ko siya agad din iyon nawala. I hug him just to give him the assurance that what we did is not all wrong. He's my boyfriend and we've been together for like months now and I just got my first kiss from him. And it feels great. It feels amazing to share something like that with a person you love.
——————————————————————
Hi guys! This is my first time making that kind of scene, I'm still trying to improve my writing skills so bear with me. Thank you!!
:>>
YOU ARE READING
Before Series #1 : Before Midnight
Teen FictionAllison Sloane has been in love with her highschool bestfriend, Sylas Perez, for a long time now. Little did she know, Sylas is already planning to court her in their first year of college. They got together and last for three years until Sylas migr...