Chapter 26

2 1 0
                                    

Chapter 26





"Oh shit! Babe! Kaya pala ayaw mong bumili ako and this is why. Thank you babe!" He said and give me a tight hug. Yun na ata ang pinaka-mahigpit na yakap niya sakin. Basta pagdating talaga sa mga laro niya, sobrang saya niya. "I... I can't wait to use this in Europe." He's still hugging me when he said that. I quickly got off his hug and face him straight.

"What... what did you just say?" I asked getting confuse now.

"I'm going to Europe babe. For my job." He answered turning his gaze from me. Parang huminto bigla yung oras pagka-rinig ko ng sinabi niya. Ano yung sa knot ring? Ano yung mga sinabi niya kanina? Is it really a sign of love or a sign of leaving me here?

"And you're just telling me this now?" I asked starting to get mad at him now.

"Sa graduation ko pa sana sasabihin babe. May three months pa naman ako after graduation bago ako umalis." I didn't know what to say or even react on that. Ang nasa isip ko lang ay yung paulit-ulit na sinabi niya kanina sa loob ng restaurant. "Are... are you okay with it Alli?" He asked when he noticed that I've been silent for awhile.

"No... yeah. I mean I'm okay with it of course. We're talking about your future here and I can't be not okay with it. Alam mo namang susuportahan kita sa lahat ng gusto mo." That's partly a lie. I can't let him go just like that. But he said, may three months and one last school year pa siyang mag-s-stay dito. Pero paano ko naman kukunin yung one year na yun kung nasa internship na kami, mas may chance akong pabaguhin ang desisyon niya sa tatlong buwan after ng graduation namin.


------------------------------------------------------


After that day, hindi na nawala sa isip ko ang sinabi ni Sylas. Parang paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang sinabi niya. I still don't understand why he needs to keep that from me. Europe is not a joke, I can't even imagine him being away from me for that long. Kontinente na ang layo namin sa isa't-isa, paano ko naman matitiis yun?


Habang clouded ang utak ko ng mga paraan kung paano pababaguhin ang isip ni Sylas, naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya napatingin agad ako dito. Nasa BGC kami ngayon, sa company nila Mama. After nung first day, sinabihan lang kami na mag-focus sa mga internships namin dahil sa evaluation ng company naka-base kung papasa kami.


"Okay ka lang?" He asked and I nodded. Hindi ko naman pwedeng sabihin yung totoong dahilan ko kung bakit napapatulala na lang ako bigla.


Ilang minuto ang nakalipas tinawag na kami para sa interview at mabilis lang din naman natapos yun. Required na mag-apply kami under Architecture Department dahil yun naman talaga ang purpose ng internship namin. Matapos ang interview, sinabihan lang kami na tatawagan agad kami kung mapasa man namin yung interview kanina.


I didn't used Mom's last name here because I don't want her employees to treat me twice or maybe thrice as the other employees, kaya ginawan ko na lang ng paraan yung middle name sa resume ko. Buti na lang din at common ang apilyedo ng nanay ko pero ang mahirap takasan ay yung kay Papa, alam naman nila panigurado kung sino ang asawa ni Mama pero ano pa bang magagawa ko? Hahayaan ko na lang ba na pag-usapan nila yung apilyedo ko? I will just let them wonder kung kaano-ano ko si Papa. Her company's name is SS Incorporation, kahit sariling kumpanya 'to ni Mama, hindi pa din niya nakalimutan ilagay ang apilyedo ni Papa sa company name niya. SS stands for Salonga & Sloane, sana lang talaga huwag ng magtaka ang iba sa last name ko.


Pagtapos namin sa kumpanya, kumain muna kami ng lunch doon na din sa BGC bago kami umuwi. Alam kong pinakikiramdaman na 'ko ni Sylas, sino bang hindi, araw-araw ba naman na magkasama kami kaya lagi niya din akong tinatanong kung bakit ako laging nakatulala na parang ang lalim ng iniisip ko. Ayoko namang dumating ang araw na masabi ko sa kanya yung iniisip ko kaya kailangan ko na din galingan ang pagtago sa kanya.


Few more days passed, tinawagan na 'ko ng kumpanya saying that I passed and I can already start on Monday kaya nagmadali na 'kong tinawagan si Sylas para sabihin sa kanyang hired na 'ko.


"Babe, I got hired!" Bungad ko pagkasagot niya ng tawag.


["I'm happy for you, babe. Katatawag lang din sakin kanina. We both got in!"]


"I already saw that coming. Ikaw pa ba." Sabi ko. Hindi na din naman ako magtataka kung nakapasok din si Sylas.


Matapos ang call namin, naisip kong tawagan si Tracy para ayain siyang mag-mall, kailangan ko na ng mga corporate attire dahil onti lang ang meron ako sa closet. Tsaka kailangan ko din kamustahin yun sa internship niya, mas nauna kasi sila ni Jace na makakuha ng interview dito din sa kumpanya ni Mama, kaya baka mas maaga din silang natawagan. Napaisip din ako kung meron na bang something yung dalawang yun dahil matapos ang thesis namin last year, pansin ko ng lagi na silang magkasama, kaya nga napansin ko din na mas naging kumportable na si Sylas kay Jace. Yun lang naman pala ang solusyon, ang makita niya na may nalilink na kay Jace para matapos na ang pag-aalala niya.


"Anong nangyare sayo?" Pagtatakang tanong ko nang makita kong parang hingal na hingal siya.


"Tumakbo kasi ako. Baka mamaya mainip ka na kaiintay e." Sabi niya sabay kuha ng baso ng tubig sa harap ko. Aba buti na lang pala ay nagpakuha ako ng tubig kanina dun sa waiter.


"Grabe yung mainip, hindi naman ako tulad ni Sylas." Nakangiting sabi ko. Totoo naman kasi, si Sylas na ata ang makikilala mong mabilis mainip.


"Malay ko bang baka nagkapareho na kayo, ang tagal-tagal niyo na kaya." Sabi niya. "Kamusta na kayo? Nakasense na ba yun?" Si Tracy lang ang sinabihan ko tungkol sa Europe thing ni Sylas. Hindi ko din naman alam paano sasabihin kay Mama 'to dahil alam kong ang sasabihin lang niya sa akin ay ang suportahan si Sylas which is hindi ko pa kayang marinig. Tsaka na pag kaya ko na din siyang bitawan na alam ko namang hindi din mangyayare.


"Oo pero hindi naman niya na 'ko tinatanong dahil pinipilit ko din namang itago sa kanya." Sagot ko. "Ikaw ba? Kamusta yung interview niyo ni Jace? Natawagan na ba kayo?" Pag-iba ko ng topic. Ayoko na munang pagusapan ang tungkol sa pag-alis ni Sylas, dahil nawawalan talaga ko ng gana.


"Ay oo nga pala, nakalimutan kong ibalitaa sayo. Last week pa kami tinawagan pero sa Monday pa ang simula namin, kayo ba?"


"Grabe 'to, sa araw-araw nating magkausap, nakalimutan mo talaga sabihin sakin ang tungkol don?" Nakangusong tanong ko.


"Tampo ka na niyan? Nawala lang sa isip ko." Nakangiting pang-asar niya. "Ano na nga nangyare sa interview niyo?"


"Natanggap din kami. Lahat ata ng intern ay sa Monday ang simula dahil Monday din kami ni Sylas. Kaya nga kita inaya mag-mall para bumili ng mga damit. Onti lang naman ang mga corporate attire ko sa bahay." Sagot ko.


Nang matapos kami kumain, nag-ikot lang kami para mamili ng mga damit, ang dami-dami na naming inikutan pero dalawang paper bag pa lang ang hawak-hawak ko at puro tig-iisang attire pa lang yun. Sobrang sakit na ng paa ko kalalakad paano pa kaya pag naka-heels na 'ko nito? And speaking of heels, wala pa pala akong nabibili kaya inaya ko si Tracy doon sa footwear section. Naghanap lang ako ng hindi gaanong kataas na takong dahil wala naman sinabi sa aming inch limit na dapat gamitin. Kaya kinuha ko na yung two inches na nakita ko, maganda ding wala itong ankle stopper dahil ayokong masugatan yung paa ko.


"Thanks for the ride, babe! See you on Monday!" Tracy just bid goodbye before going out of my car. Nag-flying kiss lang din ako sa kanya at akma naman niya itong sinalo na kinatawa ko. I'm really thankful to her for being my friend all through out our college life.


And that fast, my day ended well without thinking about Sylas migrating to other country.


-----------------------------------------------------------------------------

Before Series #1 : Before MidnightWhere stories live. Discover now