Chapter 22

11 1 0
                                    

Chapter 21



Pagtapos ng first anniversary namin ni Sylas para bang mas lalo pang bumilis yung usad ng mga araw na dumadaan. Ang dami na din nagbago sa relasyon namin in a good way pero kung meron man akong ililista na hindi nagbago, yun na ang pagiging possessive ni Sylas. All through out our relationship napapansin kong parang mas nagiging possessive pa siya sakin. At ayoko naman ng palakihin yun dahil ayoko talagang nag-aaway kami ni Sylas.


"Napaka-strict naman ng jowa mo, Alli. Partida ako na 'tong kasama mo, makatanong ng whereabouts, dinaig pa ata tatay ng maraming babae." Tracy said. She invited me to go with her at a museum because the one she usually comes with ditched her. Wala naman sakin na maging second option niya at gusto ko din naman pumunta.


Katatapos lang ng finals namin ng first sem this third year, diba sobrang bilis talaga ng araw. Kaya gala to the next level 'tong si Tracy.


"'Yaan mo na, kilala mo naman yun si Sy." I simply answered hoping that she'd stop complaining but that's Tracy, full of her observations. Maganda dito mag-psych e, magaling kasi talaga siya mag-examine ng tao. Isang beses nga, wala naman akong sinasabi pero nahulaan niyang may problema ako.


"Hayaan ka dyan. Sis, you need to stand your ground if you have to okay? Kaya ko pa tiisin yung pagiging strict ni Sylas sa mga pinupuntahan mo pero pag dumating yung time na maging strict siya sa suot mo at makikita kitang hindi nagrereact, ako talaga mismo gagawa no'n for you." Napatikom agad ako ng bibig ko nang sabihin yun ni Tracy. Bigla tuloy akong natakot sa kung ano yung pwede niyang gawin pag nangyare yun.


I tried hiding my expression from her but again, it's Tracy that I'm talking to. Of course she will notice. Nagtinginan muna kami saglit habang hinihiling ko sa lahat ng santo na huwag niya sanang mahalata nang bigla niya 'kong pinaningkitan ng mata.


"Oh my gosh, Alli! Don't tell me na may nangyare ng ganon?" She asked with her eyes now opened wide. "When was that?"


"Isang beses lang naman--"


"Kailan nga nangyare?" Putol niya sakin. Natakot ako bigla sa pag-iba ng tono sa boses niya. Since first year kaibigan ko na si Tracy, at never niya 'kong ginamitan ng ganong tono.


"UP Fair." I answered. I feel like sasagot lang ako pag magtatanong siya.


"And? What did you originally wear?" Onti na lang ata pumunta kami sa kulungan at dalhin niya 'ko sa interrogation room sa question and answer na nagaganap ngayon. We're in the middle of the museum for Pete's sake.


"Crop top and high-waisted shorts." I want to lie just to end this conversation. Bakit kasi napaka-expressive kong tao? I really need to work on that next time.


"Then? Anong sinabi niya? Anong pinasuot niya sayo?" The serious expression never left her face. Fuck, I'm really and honestly scared for myself right now.


"Top lang pinapalit niya sakin, Trace. Ayaw niya lang makitaan ako ng balat. We didn't even fight about it so please calm yourself now. It's not even a big deal. I promise you next time that happens, I will stand for myself okay?" I answered hoping I ended it well.

Before Series #1 : Before MidnightWhere stories live. Discover now