Chapter 20

14 2 0
                                    

Chapter 20



A week later, hindi ko pa din nakakausap si Sylas. He tried talking to me but I just ignored him, not after what he did two days ago. Sinabi ko na sa kanya na ayokong dinadamay niya si Mama sa problema namin pero hindi talaga siya nakinig.


"Are you still not talking to Sylas, dear?" Mom asked in the middle of our dinner. I looked at her and quickly examined her face if may alam na naman ba siya sa nangyare samin ni Sylas nung Monday.


"Why? What did he tell you now?" I asked back hoping for Mom to tell me what Sy told her.


"Alli sweetheart, gusto lang naman ni Sylas magkaayos kayo. Siguro nga na mali na alam ko lahat ang tungkol sa inyo but can you really blame him for venting out to me?" Mom really knows how to guilt trip me. Bigla-bigla ko na lang mararamdaman yung konsensya ko kahit ako naman 'tong walang ginawa.


"But still, he can't just tell you everything Ma. Ano bang akala niya? Na hindi ako nagsasabi sayo? Yun ba 'yon?" Iniisip ba ni Sy na nagtatago na 'ko ng sikreto kay Mama kaya siya na 'tong nagsasabi sa kanya ng lahat?


"No, it's not like that sweetheart. You and Sy grew up telling me all your problems, problema man sa gitna niyong dalawa, o yung kanya-kanyang problema niyo. I know almost all of your problems. At sigurado ako na yun lang din yung dahilan ni Sylas ngayon."


After that, hindi ko na siya kinausap ulit. Akala ko pagtapos kong kausapin si Mama tungkol don, magagawa ko na siyang kausapin pero natatakot ako na baka may masabi pa 'kong hindi maganda.


Nag i-dismiss kami ng prof, niligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas na. Sa ilang araw ba naman na hindi kami nagkakausap tapos nasa iisang lugar pa kami every each classes, sinong hindi maiilang don? Palabas na 'ko nang marinig ko ang pagtawag niya sakin.


"Alli," Nagdadalawang-isip pa 'ko kung lilingunin ko ba siya o ano but my soft side tell me to look behind me. "Can we talk now?" Inintay niya talaga yung last class namin.


"About?" I asked even though I already knew the answer.


"About us. I just want to apologize for being such a jerk." He said staring intently at me.


How can I not talk to this guy? Kanino ba 'ko nagmana ng karupukan ko? Evidently not from my Mom because she's so independent that I can't imagine her being so soft to other people. Kay Papa? It's possible. Lumaki akong nakikita siyang tumutulong sa maraming tao kahit na hindi niya gaano kilala. He has this pure heart that no one can ever replace.


"Okay let's talk." Sabi ko at naglakad na palabas. Hindi naman niya hahayaang dito kami sa loob ng building mag-usap. Paglabas namin, naisip kong maglakad na lang sa oval like what we used to every after class before pag hindi pa gaanong madilim. I'm just waiting for him to talk while we walk together until inaya niya 'kong umupo sa may bench nang makarating kami sa sunken. Napatingin tuloy ako bigla sa nilakad namin dahil hindi ko na namalayang ang haba na nang nalakad namin nang hindi siya nagsasalita.


"Babe, I'm sorry. I know what I did screams immaturity. But I'm so used to the fact that I will always tell Tita my problems because that's what we always do before right? And I thought doing it now won't be a problem to you but I was wrong." He said the moment we take our seat.


"Yes, I know that Sy. But there will be a time that that will end. This is our problem, tayo dapat yung mag-aayos nito. It's fine with me if you want to tell my Mom your problems but not with ours. This is something we keep to each other and not tell anyone unless it's really big and we really need to seek for an adult advice, but not always, you see what I'm getting at right?" He nodded. I just smoothly touch his face and hug him. How I miss hugging this guy.

Before Series #1 : Before MidnightWhere stories live. Discover now