Chapter 14
Since the night I made our relationship official, parang wala ng araw na hindi sobrang nagpapaka-clingy sa akin si Sylas. At dahil doon, nasanay na din ako sa mga lambing niya, feeling ko nga hindi matatapos ang isang araw kung hindi niya 'ko lalambingin.
Pag-uwi namin sa Manila, agad na din naming inasikaso ang mga kakailanganin namin para sa enrollment. Second year college na kami. Sabi ko kay Sylas sa OUR na lang kami magkita pero kasalanan na atang sabihin ko yung mga ganong bagay dahil gusto nga daw niya kasing sunduin ako sa bahay.
Naghihintay lang ako sa living room nang marinig ko na ang pag-doorbell niya kaya lumabas na 'ko at sinalubong agad siya ng yakap. Minsan napapansin ko na parang ako na ang mas naging clingy sa kanya, simula sa pagyakap sa kanya sa tuwing nagkikita kami hanggang sa paghalik sa kanya sa pisngi sa tuwing ihahatid niya 'ko sa bahay.
"Did you eat your breakfast already babe?" I gave him a nod before he open his car's door for me. I immediately got in.
"How 'bout you?" I asked when he got inside the car. Pero tingin niya pa lang alam ko na ang sagot. "Haynako Sylas Perez, hindi ka kumain?" He just gave me that cute puppy eyes that he knows I can't resist. Ganito na ba 'ko karupok sa lalakeng 'to? Magpa-cute lang sa harapan ko, talo na 'ko agad?!
"Magdrive-thru na lang tayo babe." Sabi niya at sinimulan na mag-drive. Ano pa bang magagawa ko?
Nagdrive-thru lang kami sa Mcdo at syempre ako na ang nagpakain sa kanya, para tuloy akong nanay na pinapakain ang anak niya. Napailing ako agad sa thought na yun dahil sobrang panget pakinggan. Matapos ko siyang pakainin, inabutan ko na siya ng tubig para mainom niya.
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa OUR at sinimulan na namin ang pag-enroll. Dahil maaga kami nakarating dito ay mabilis lang din kami natapos at kumpara noong enrollment namin nung first year, instead of buying our school supplies, inaya ko siyang ilibot ako dito sa UP. Natapos ko na lang yung isang taon ko dito, hindi ko pa din kabisado lahat, paano ba naman kasi tabi-tabi lang ang mga buildings namin sa architecture.
Sinimulan ako i-tour ni Sylas sa Vargas Hall, marami daw mga artworks and sculptures ang nandoon kaya yun na ang inuna namin. Medyo strict lang dahil hindi pwede kumuha ng mga pictures pero okay na din yun atleast free pass dito especially architecture student kami.
Sumunod ay nilakad lang namin ang buong oval simula sa oblation hanggang sa makarating kami sa sunken garden kung saan naganap yung UP Fair na hindi namin napuntahan noon. Umupo na muna kami sa mga bench doon para magpahinga, tutal madami naman ang puno dito kaya hindi ganoon kainit.
"Next year, gawin na nating it's a must yung pagpunta sa UP Fair babe. Sayang naman yung once in a lifetime experience ko na makapanood ng mga OPM artists." I said appreciating the view in front of me.
"Okay babe, let's do that." He said and put his hand above mine.
Amazing how someone can make you the happiest, no one can make me feel that but Sylas.
Pagtapos namin sa sunken garden ay tinuloy lang namin ang pag-ikot sa oval hanggang sa may nilikuan kami malapit sa carillon papunta sa Bahay ng Alumni.
"Let's eat first babe, baka gutumin ka na sa kaiikot natin." Sylas said and hold my hand and walk towards Rodic's. I'm not even aware that there's Rodic's here.
Pagpasok namin ay pinahanap na 'ko ni Sylas ng mauupuan at siya na daw ang mag-oorder para samin. Naging routine na namin yun sa tuwing kumakain kami sa labas, ako ang maghahanap ng upuan at siya naman ang mag-oorder.
Nagkwentuhan lang kami habang kumakain hanggang sa matapos kami at lumabas na. Hindi nakatakas sa akin yung Nomu dahil pansin kong milktea shop yun kaya inaya ko muna doon si Sylas bago kami magpatuloy sa UP tour namin.
"Adik ka talaga sa milktea 'no?" Tanong niya habang nag-oorder ako. Sabi kong ako na ang magbabayad bago pa siya kumuha ng pera. Ililibre na naman kasi ako. Onti na lang ata madami na ang maiipon ko sa kalilibre sa akin ni Sylas.
"Uhh yes, stating the obvious." Paano ba naman kasi basta may makita lang akong kahit anong milktea shop, bibili talaga ako. Pero walang tatalo sa Macao Imperial talaga, I so love their oreo cheesecake milktea.
Pagtapos kong bumili, umupo na muna kami sa table sa labas.
"Okay babe, if I will make you choose between oreo cheesecake milktea and iced coffee, what would you choose?" Pinagsingkitan ko ng mata si Sylas sa out of the blue question niya. My gosh! It's not even a mathematical problem pero yun na ata yung pinakamahirap na tanong na tinanong sa akin.
"Pwede bang—"
"You can't choose both. That's greedy." Wala pa nga akong sinasabi, naunahan na 'ko agad. Tss.
"Ang unfair mo naman babe e. You know I can't choose right? There's no right or wrong answer to that." I said and take a sip from my milktea. Tinawanan lang niya ang naging sagot ko at sinamaan ko naman siya ng tingin.
"How 'bout you, xbox or Nintendo switch?" I asked smirking at him. Alam kong mahirap na tanong din yun for him dahil pareho siyang adik sa dalawa.
"That's easy. It's always you." He said that made everything stop for me. Bumalik na lang ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang pag-init ng mukha ko sa sinabi niya at doon ko lang ulit narealize yung sagot niya. And that made me slap his arms.
"Babe!!! That's so unfair!" I can't believe he actually said that. This guy really! He never fail to give me butterflies in my stomach.
Pabalik na kami sa OUR dahil doon niya pinark yung sasakyan niya, tawa pa din siya ng tawa. Kanina ko pa sinasabing tumigil na, pero mas natatawa lang siya. Kung alam ko lang yung pabalik baka inunahan ko na 'to maglakad. Tsk!
"Babe, talk to me na. Totoo naman yung sagot ko e." He said trying not to stifle a laugh
"Did I include myself in the choices? Wala naman e." Nakasimangot kong sagot sa kanya. Nakakainis! Yun na ata yung pinaka-nakakakilig na banat nitong tukmol na 'to sakin simula nung maging kami.
"No, pero yun kasi agad yung pumasok sa isip ko and I just spilled it out earlier. I swear it's not even intentional babe." Gusto ko na sanang maniwala kung hindi lang siya natatawa sa pagsabi niya non. Nakakainis talaga! Pakiramdam ko namumula pa din ang buong mukha ko sa kilig dahil sa sinabi niya kanina.
Malaman ko lang talaga magpapatahimik dito sa lalakeng 'to, gagawin ko yun ng walang halong pag-iisip. Gagawin ko agad!
"Oo na! Tumigil ka na nga katatawa jan, nakakaasar ka!" I said and pouted my lips.
"Okay po, hindi na. But babe, stop doing that, it makes me want to kiss you." He said and as fast as that, he already ran away from me.
Habang ako, ito nakatulala sa sinabi niya. What did he just say!?
"Sylas!!!!"
——————————————————————
YOU ARE READING
Before Series #1 : Before Midnight
Fiksi RemajaAllison Sloane has been in love with her highschool bestfriend, Sylas Perez, for a long time now. Little did she know, Sylas is already planning to court her in their first year of college. They got together and last for three years until Sylas migr...